Kabanata 13

7K 244 12
                                    

Kabanata 13

"Ay gago" napatakip ako sa sarili kong bibig ng bigla may manghila saakin.Sinamaan ko ng tingin si Clyde na nakahawak sa pulsuhan ko,nakangisi lang saakin ang loko.

"Hindi mo bagay ang mag mura" usal niya.Napanguso ako at tumingin sa mga kasama namin na nag-aayos ng mga gagamitin naming tent.

"Ayoko na" napa-upo si Felixto sa buhangin habang naluluhang nakatingin sa ginagawa niyang tent na pagtutulugan niya. "Lord,kunin niyo na po ako"

"Ulul mo, hindi kana tanggapin sa langit uy" nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Mars.Tinaas lang ni Felixto ang middle finger niya kay Mars na siyang ikinatawa ng lahat.

"Gago,paano ba 'to?Sarap manapak ng katabi" nilingon ko si Joey na frustrated habang nakatingin sa manual na hawak niya.Tinignan ko ang katabi niyang si Alex,tumayo si Alex at pinagpag ang kamay niya.

Ngumiwi ako ng tinuhod ni Alex si Joey,napaluhod si Joey dahil doon."S-siraulo ka ah"

Nakitawa ako sakanila.Hinawakan ni Clyde muli ang pulsuhan ko at pinaupo sa isang monoblock,sa tabi naman neto ay si Kyle.

"Hi" ngumiti ako kay Kyle at bumati ng pabalik.Tumingin ako kay Felixto at tumingin ulit kay Clyde,may pagkakahalintulad talaga sila.

"May pagkakapareho kayo ni Felixto" naramdaman kong may tumabi sa kaliwa ko kaya napatingin ako dito.Naka upo si Clyde habang hawak ang isang kulay green na tuwalya,inirapan niya ako at ipanatong 'yon sa binti ko.

"Kulit mo" mahinang bulong niya.Inismiran ko lang siya at lumingon ulit kay Kyle.

"He's my brother" kinurot ko ang dulo ng ilong ko.Bakit ba hindi ko naisip na baka magkapatid sila gayong magkamukha naman silang dalawa ni Felixto.

"Wow,kaya naman pala magkahawig kayo" tuwang tuwa siyang tumango. "Dalawa lang kayong magkapatid?"

Nawala ang ngiti sa mga labi niya,kita ko ang pag lungkot ng mga mata niya habang nakatingin saakin."No,we have a younger s-sister" umiwas siya ng tingin matapos niya akong sagutin.

"T-talaga? Pwede ko bang makilala—uhmm...feeling ko kasi magiging close ko,para magkaroon din ako ng kaibigan na babae" kumamot ako sa batok ko matapos ko iyong sabihin.Kita ko ang tuwa sa mata niya sabay gulo sa buhok ko.

"Hmm soon..." napangiti ako sa sagot niya.Umayos lang ako ng upo ng may tumikhim sa kaliwa ko, nilingon ko si Clyde na masama ang timpla habang hawak hawak ang naka lata na softdrinks.

"Tumulong kayo saamin mga lintik na mga 'to,huwag kayong umupo diyan bibigwasan ko kayo tag-iisa" napa-atras si August ng biglang tumayo si Clyde,nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa short niya habang papalapit kay August na uma-atras.

"U-uyz,j-joke l-lang" napatawa ako sa inasta ni August.Umiling ang iba habang nakatingin sakanilang dalawa,sinapak ni Clyde ang braso ni August kaya napa-amang ito.

"Ano sa tingin mo si Clyde?" muli akong napatingin kay Kyle, nakatingin lang ito kay Clyde at August na nagbabangayan.

"Asungot" mahina itong napatawa sa sagot ko.

"Asungot?Why?...."

"Lagi niya akong sinusundan,lagi siyang nang-iinis" napanguso ako ng muli siyang tumawa."May alam kaba past nila ni Sabrina?" natigilan siya sa pagtawa,gumuhit ang hindi ko mabasang emosyon sa mata niya.

"Mas mabuting sakniya mo tanungin.."

"Aish.Tinanong kona pero wala daw espesyal eh, please kahit konti lang" nag puppy eyes pa ako para maawa siya.Bumuntong hininga siya habang nakatingin saakin.

"Sabrina,siya ang kaisa-isang 'ex' ni Clyde.Their good you know,maraming naiinggit sa relasyon nila syempre hindi kasali doon,hindi naman ako naiinggit sakanila." tumawa siya muli ng mahina. "Well,isa lang ang masasabi ko sa relasyon nila it's Perfect,then one night we saw na may kakamang iba si Sabrina.Saktong tatlong taon na nila 'yon,Clyde plan to surprise her pero siya ang nasorpresa.At ang masaklap pa sa kalaban niya pa nakipagtalik si Sabrina"

"Sinong kalaban?" kinakabahang tanong ko.

"Si Drake....your childhood friend"







The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon