Prologue

97 4 1
                                    

Bakit kaya ganun? Kung sino yung malapit, yun pa yung hindi mapansin pansin ng taong gusto mo. Haaay buhay, parang ewan. Ang tindi rin maglaro ng Destiny. Nakakalito at nakakatanga. Grabe kung makapang-trip. Yung mga taong unang umayaw, kadalasan sila rin yung unang gustong makipagbalikan. Ang sarap batukan ang mga ganung tao, no?

May mga tao rin na trying hard magpakabingi sa totoong nararamdaman ng sarili. Yung tipong may gusto ka sa isang tao pero nalaman mo na gusto rin pala yun ng kaibigan mo. Syempre, ikaw etong ideal friend na kayang isakripisyo ang lahat para lang di masira yung friendship kaya pipilitin mo na lang na wag ng magustuhan yung tao na yun. At ang matindi pa dito, tutuksuhin pa nya yung kaibigan nya dun sa tao na yun. Anong mangyayari? Eh di natural, mas lalong lalalim yung pagkagusto ng kaibigan mo dun sa tao na gusto mo rin at posibleng magkatuluyan pa sila. Asan ka ngayon? Ayun, naiwan sa ere na luhaan.

Hay naku. Ewan ko ba kung bakit ang daming taong ganyan. At sadly, isa na ako dun. Anong gagawin ko? Eh ganun talaga. Bigti na lang ano?

Pero syempre, life is precious. At saka bad yun. Mortal sin. Kaya never, as in never ko talagang gagawin yun. Mas pipiliin ko na lang na maging loser kaysa gawin yun.

Alam nyo ba yung feeling ng nagkaka-crush ka sa isang tao? I'm sure familiar kayo dun. Pinagdaanan nating lahat yan eh.

Naalala ko nung first time akong nagka-crush sa isang tao. It was around the time when I was still in college. May times na gustung-gusto ko pumasok ng school ng maaga para lang makasabay sya. May times na gusto ko yung subject dahil lang sa kanya. Nung time na yun, pangarap kong maging ka-close yung crush ko pero kahit na seatmate ko na sya noon, ang tagal pa bago kami naging close.

Siguro nawiwirduhan sya sa akin noon or maybe natatakot kasi sa tuwing kakausapin nya ako, parating walang kwenta yung nasasabi ko sa kanya or yung approach ko sa kanya is parang parating galit.

Eh hindi nyo naman ako masisisi kasi talagang kinakabahan ako kapag kinakausap nya ako. Alam nyo yun? Yung tipong nawawala lahat ng sense kapag andyan sya.

Sa lahat ng mga uncertainties sa buhay ko ngayon, eto lang ang sigurado ako. I was in love with him. I am in love with him. I will be in love with him.

Cupid's CrushWhere stories live. Discover now