Pinaupo niya si Wesley. Siya rin mismo ay naupo narin.
Medyo natahimik si Carlo, parang nag-aalangang magsalita. Si Wesley na ang bumasag sa katahimikan.
"So...ano pala yung sasabihin mo?" tanong niya.
Medyo naghe-hesitate magsalita si Carlo at yumuko na tila hinahanap ang tamang mga salita na kayang gagamitin.
Hindi niya alam kung paano nito sisimulang magsalita.
"Aah...ano kasi," mahina niyang simula. "It's about us..?" patanong niyang nasabi.
Medyo napataas ang mga kilay ni Wesley.
"Parang nag-aalangan ka yata..."
Tumango si Carlo. "Yah...hindi ko alam kung pano ko 'to sisimulan."
Lumapit si Wesley kay Carlo. "It's okay...makikinig ako."
Muling nagsalita si Carlo. This time, medyo mas malakas ang loob.
"This...this past weeks kasi, sobrang unexpected lahat. I thought na I'll never get to see you again at...tapos..."
Tinignan niya si Wesley. Tila taimtim itong nakikinig sa bawat salitang binibitawan niya.
Tinuloy ni Carlo ang sasabihin. "...tapos everytime, lagi nalang, when we go out, sobrang bait mo sa 'kin."
Si Wesley naman ang nagsalita. "Carlo, ayos ka lang ba?"
Tumango si Carlo. Huminga ng malalim at sinabing "Wesley, I...I think mas mabuti kung...di muna tayo magkikita..."
Mula sa medyo pagkakabukod ay napa-ayos ng upo si Wesley, na tila ba nagulat sa narinig.
"May nagawa ba akong masama?"
Tumagos ang salitang iyon kay Carlo. Ano nga ba nagawa ni Wesley?
Nagsalita siya ulit.
"Wala...hindi, Wesley. Wala kang nagawa. It's just...kailangan ko munang maging sure sa nararamdana ko."
"Look, wala akong balak at wala ako sa posisyong babastedin kita kasi..."
"...hindi mo naman ako nilliligawan at lalong di ako isang babae, but...Wesley, ikaw kasi ang first love ko. Ikaw..."
Napauyuko si Carlo na tia nahihiya sa mga sinabi. Naramdaman niya pang lalong lumapit si Wesley sa kanya.
Hinawakan nito ang mga kamay ni Carlo, at sinabing "Naiintindihan kita, Carlo..."
Pinilit ni Carlo hwag umiyak. "I know, I know..."
Hindi niya alam kung ano ang nararamdana o kung ao ba dapat nag nararamdaman. This is it.
He was saying goodbye to him. To Wesley, his first love.
Kanina lang, parang sarap ng gising niya, ngayon, ibang klase. Ang hirap...
...ang hirap mag let go...
...ang hirap mag-goodbye sa taong minahal mo.
Muling nagsalita si Wesley.
"Carlo, do you still love me?"
-----------
Pinilit tingnan ni Carlo si Wesley, mata sa mata.
Ngayon niya napanisn kung gaano kaganda ang mga mata ni Wesley. Ang maamo niyang mukha. Ang kabuuan nito.
Gusto niyang sabhin 'oo' pero di nya alam kung tama ba. O kung dapat ba. Saka siya nagsalita.
"I guess there's always a part of me that does but...that was before, long time ago...naguguluhan ako."