Chapter 1

2 0 0
                                    

    First day ngayon, pasukan na naman. Nagprepare na ako ng mga gamit ko bago maligo baka kasi malate ako, ang bagal ko pa namang kumilos. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako, nakita ko nalang na may nakahandang almusal na sa lamesa. Ang aga na namang nagising ni mama para magprepare ng pagkain. Nakakaawa kasi minsan pag late na ako wala na akong panahon para kumain kaya kumukuha nalang at kumakain sa daan.

"Ate, aalis nba tayo? tanong sakin ni Sean Kyle, ang brother ko.

"Wait lang. Nag-aalmusal lang ako sandali. Sayang naman kasi yung mga hinanda ni mama. Ikaw kumain kana ba?" tanong ko sa kanya habang kumakain ako. Tinignan ko siya sandali at nagpatuloy sa pagkain.

"Konti lang. Pero ayos na yun. Hintayin nalang kita sa labas" at dumiretso na siya sa labas ng hindi man lang hinihintay ang sagot ko. Nauunawaan ko naman ang kapatid ko kasi lalaki siya. Ganun yata talaga kapag lalaki, maraming itinatago.

   "Ma, aalis na po kami ni Sean. Ingat po kaya mamaya pagpasok niyo. I love you" sabi ko kay mama habang naliligo siya. Naghahanda na kasi siya para pumasok.

----

    Naglakad kami ng kaunti papunta sa sakayan ng jeep. At dahil first day ni Sean ngayon sa HS, gusto ko sana siyang ihatid sa room niya kaso ayaw niya. Malaki na raw siya at nakakahiya kung ihahatid ko pa siya na parang bata.

   Pinabayaan ko na siya sa gusto niya. Pagpasok palang namin sa gate ng school ay nagkahiwalay na kami dahil mayroong flag ceremony. Nakahilera ang bawat year at nasa harap siya at likod ako kaya hindi ko na siya naalalayan. Bigla nalang siya nawala sa paningin ko. Andami kasing estudyante. 

   Pumunta na ako sa likuran dahil dun ang pila ng mga Fourth Year at nasa Section 1 ako. Hindi ako matalino. Masipag lang. HAHAHA.

  Hinanap ko sa pila ang bestfriend ko, Si Khevin. Don't get me wrong. Hindi ako cliche. Bisexual si Khevin and I like Bi's as a friend kasi totoo sila. Hindi sila orocan or tupperware.

  I saw him, sa line ng boys. Well, kahit naman kasi Bisexual siya ay hindi naman siya pwedeng pumila sa girls kasi 'down there', Still he's a HE without S.

   "Bakla! I miss you!" Sabay nakipag-beso ako sa kanya.

   "I miss you too bakla! Grabe, Months din ang hindi natin pagkikita!" 

   "HAHA, Ikaw naman kase eh. Di ko ako dinadalaw" at nag sad face ako.

   "Chaka ng face mo Bakla. Syempre busy ako sa paghahanap ng mga papa!" At Sabay kaming tumawa.

   Nasira ang moment namin ng may magsalita na sa mic at sinimulan na ang flac ceremony. Mamaya nalang kami magchi'chikahan sa roon. Whole day naman kaming magkasama ngayon eh.

PS:

--- Vote guys. Labyu <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Still Believe in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon