Red's POV
Nandito na kami ngayon sa Starbucks, kanina pa kami naka-order. Pareho kaming tahimik.
"Galit ka pa ba?" pambabasag niya sa katahimikan
"Hindi. Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Bakit nga pala Red yung pangalan mo?" nagulat naman ako sa tanong niya sakin. Siya lang kasi yung nakatanong sakin kung bakit Red yung pangalan ko.
"Namumula ka ba kapag natatawa o nagagalit?" takang tanong niya sakin. Napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.
"Nickname ko lang naman yung Red eh." sabi ko sa kanya.
"Huh? Eh bakit yun yung ginamit mong pangalan nung nagpakilala ka nung first day?"
"Kasi ang gusto ko yung mga importanteng tao lang yung tumatawag sakin ng totoo kong pangalan." Gaya mo Diane..
"Ah. Eh ano ba yung totoo mong pangalan?"
"I am Russel Eimman David Lopez." ang haba no.
"Grabe ang habaaa. Pero astig yung pangalan mo huh? Gusto ko talaga yung pangalang Russel. Pwede ba kitang tawaging ganun? Ay hindi pala, hindi naman pala ako importanteng tao say-
"Huh? Okay lang nuh. Tutal first fake girlfriend naman kita." sabi ko sa kanya.
"Oh?"
"Oo naman."
"Sige, sabi mo ah?" tumango ako at bigla na namang tumahimik ang atmosphere dito sa table namin.
"Babe, subuan mo ko pleaseeee."
"Sure babe, say ahhhh." lumingon ako doon sa magsyotang nagsusubuan. Sana ganyan din kami ni Diane.
"Aiiish. Dito pa talaga naglandian. Di na nahiya. Tsk!" narinig kong sabi nitong kaharap ko. Haha Miss Bitter
"Bakit? Gusto mo ganyan din tayo?" pang-aasar ko sa kanya.
"Psh! FYI, ayoko sayo! Buti sana kung si Nic...." bigla siyang tumigil sa pagsasalita at napayuko.
Tss. Lagi nalang Nico! Puro nalang pangalan nung asungot yung naririnig ko mula sa kanya. Ganito ba talaga siya? Yung tipong antagal magmove on?! Pero ganyan din naman ako eh.
"Tapos ka na? Tara na." sabay hila ko sa kanya papalabas ng Starbucks. Nakakabadtrip lang kasi!
Aubrey's POV
Anyare na naman sa lalaking to? Daig pa ang babae kung may regla eh! Di ko pa nga nauubos yung kinakain ko eh bigla niya nalang akong hinila papalabas ng Starbucks.
Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan niya, ihahatid niya na kasi ako sa bahay. Super tahimik. Nilingon ko siya at aba, kunot na kunot yung noo niya Baka badtrip siya? Bahala siya sa buhay niya!
Pagkarating namin sa bahay, nakakita ako ng sasakyan sa labas ng bahay namin. Sino naman kaya yung bisita ni Shawn?
"Labas na." may halong inis na sabi niya sakin. Aba, lungya to ah! Di manlang ako pinagbuksan ng pinto, masyado siyang GENTLEMAN -_-
Pagkalabas ko, biglang bumukas yung gate nung bahay namin. Peste! Ba't andito to?! Naku namaaaan.
"Hey Aubrey! Hinanap ka namin kanina, ba't kasi bigla ka nalang nawala. Niyaya pala kami ni Shawn na dito magdinner, hindi pa naman kami kumakain, sabay ka na..." napatigil siya sa pagsasalita nung makita niya yung sasakyan ni Pula, at saktong sakto dahil bukas yung bintana at nakita niya si Pula na nasa loob.
"Oh. I guess nagdate kayo ni Red." dugtong niya.
Napalingon ako kay Pula at grabe lang talaga yung titig niya kay Nico, yes you heard it right, nandito sa bahay namin si Nico.
Masyado akong speechless.
"Diane, alis na ko." sabi ni Pula sabay pinaharurot yung sasakyan niyang pula din yung kulay. LOL
Hinarap ko si Nico, pero nakatingin parin siya doon sa sasakyan ni Pula na malayo na.
Pero nakakunot yung noo niya. Anyare sa world? Ba't andaming nakakunot yung noo ngayon, pati ako napapakunot noo na din eh.
"Grabe naman yung boyfriend mo, ni hindi ka manlang niya sinabihan ng Good night or Bye. Nakakunot pa yung noo. Psh! Ansuplado." pagmamaktol ni Nico
"Hayaan mo nalang. Hehe. Tara pasok na tayo sa loob."
"Sige." sabi niya. Nauna na ako sa kanyang pumasok sa gate, at hinintay nalang siya doon sa pintuan.
"Antanga mo Nico Angelo! Psh!" narinig kong sigaw niya. Nagulat naman ako kaya lumabas ako ng gate.
"Anong nangyari? May problema ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Oo eh." sagot niya sakin
"Ano naman?" tanong ko ulit sa kanya.
"Hindi ano, kundi sino." sabi niya ng hindi nakatingin sakin. Ang hot niya, kahit kunot yung noo niya at medyo gulo gulo yung buhok.
"Ha? Eh sino naman? Si Jane?" baka kasi nag-away sila ni Jane, kung nag-away sila syempre pwede niya akong maging crying shoulder.
"Si Jane? Wala na kami nun, ti-nu time niya ko. Pero hindi kasi siya yung problema ko." sabi niya. WTH?! Langya yung Jane na yun!
"Eh sino?" tanong ko sa kanya, ang kulit ko lang talaga. HAHA -_-
"Ikaw." tiningnan niya ako ng diretso sa mata sabay diretsong pumasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Miss Bitter Falls Inlove
Novela Juvenil"I think I'm falling inlove to that rude man. Noooo!" -Diana Aubrey Samonte "I've been waiting for her for so long. I promised myself that she'll be mine NOW." ...