Hanggang Kailan Mo Ma-re-Realize?

69 1 0
                                    


"Hanggang Kailan Mo Ma-re-Realize?"

By: NicoleYanjira

~> This is short story. I hope you will like it!.

--------------------

"Akala mo hahalikan kita? Pwes, mali iyang iniisip mo! May papikit-pikit ka pang nalalaman diyan! Akala mo nakaka-temp ka? Hindi ka kaya nakaka-temp halikan! Sa pangit mong yan?"

"Alam mo Nissy, hindi ka nababagay dito! Kundi sa baba."

"Hindi talaga ako bilib sayo, Nissy! Pangit ka na nga, pangit pa ang drawing mo! Saan ka pa? Kaya ayaw na ayaw talaga kita eh!"

"Pangit ka na nga.... bakit mas lalo ka pang pumapangit?"

URGH!! STOP!! STOP IT!! Rinding-rindi na ako! Rinding-rindi na ang mga tainga ko!... Inis na inis na ako! Ganyan na lang ba lagi? Tuwing nakikita mo ako, Karl.... Lagi mo sa aking ipanamumukha na ang PANGIT-PANGIT KO?

"Bakit ganoon?... Kahit saang anggulo, ang pangit-pangit mo, Nissy?"

"Can you please stop, Karl?" wika ko, na sapat lang para marinig niya!. Nilingon ko siya saka ko ipinagpatuloy ang aking sasabihin.. "Ganyan na lang ba ang lagi mo sakin ipapambungad tuwing makikita mo ako? huh? Akala mo hindi nakakasakit iyang ipinaparatang mo sakin! HUH? AKALA MO LANG YUN!! NAKAKASAKIT KA NA EH!! LAGI MO SA AKIN SINASABI NA ANG PANGIT-PANGIT KO!"

"T-teka--"

"ANO? GANYAN KA BA TALAGA? ANO BA ANG GINAWA KO SA IYO? HUH, KARL?? KUNG AYAW MO SAKIN... HUWANG MO NAMAN SA AKIN.. IPAMUKHA! HUWAG MO AKONG LAIT-LAITIN NA AKALA MO WALA AKONG NARARAMDAMAN PARA LAITIN MO LANG ANG PAGKATAO KO! na kesyo ang pangit-pangit ko!" tumigil muna ako sa pagsasalita.. saka ako huminga ng malalim....

"Hu--"

"HINDI KA BA NAGSASAWA? HUH? KASI AKO SAWANG-SAWA NA AKO SA MGA IPINAPARATANG MO SA AKIN!. ANG GUSTO KO LANG NAMAN TANGGAPIN MO LANG AKO! pero hindi eh! hindi mo ako matanggap! bakit? DAHIL BA ANG PANGIT-PANGIT KO? IYON BA? HUH?"

Umigting ang panga nito, at tiningnan niya ako ng may galit sa mga mata niya.. Humakbang siya papalapit sa akin kaya napaatras ako.. Nang makalapit ito sa akin, hinawakan niya ang magkabilang braso ko na parang gigil na gigil ito.... Yung kanina kong galit biglang na lang naglaho at napalitan ito ng takot at kaba.

"OO, PANGIT KA!
PANGO!
KULOT ANG BUHOK!
MAKAPAL AT HINDI KULAY PULA ANG LABI.
MAITIM AT MAGASPANG ANG BALAT!

AT HINDI KA SEXY!!

ALAM MO, NISSY...

NAIINIS NA AKO SAYO!

HINDI SA MUKHA MO!

KUNDI SAYO!

ANG MANHID-MANHID MO, NISSY!"

Nagulat ako sa mga isinigaw niya sa akin. Tumulo ang aking mga luha!. Ang sakit pa la noh?!. Napatungo ako!. Nagmamahal lang naman ako eh! minamahal ko lang naman si, Karl eh.. pero bakit ganoon?... bakit nasasaktan ako?.. Bakit ganoon ang tingin niya sa akin? Pangit ba talaga ako? Pero bakit ang sabi nila.. maganda daw ako? pero bakit para sa kanya ang pangit-pangit ko?

"PERO HANGGANG KAILAN MO MA-RE-REALIZE.... na ang mga ibang sinasabi o ipinaparatang ko sayo... na ang mga ibig sabihin 'nun' puro kabaliktaran lamang?" sabi nito sa akin... nakita kong may tumulong luha sa kanyang kaliwang mata at dali-dali niya itong pinunasan habang nakatingin ito sa akin... "Nagpapapansin lang naman ako sayo eh!"

Nagulat ako sa sinabi niya sakin!..

A-all this time.. iba pa la ang ipinaparatang niya sa akin? Naramdaman kong lumuluwag na ang pagkakahawak niya sa magkabilang braso ko!

"Akala mo hahalikan kita? Pwes, mali iyang iniisip mo! May papikit-pikit ka pang nalalaman diyan! Akala mo nakaka-temp ka? Hindi ka kaya nakaka-temp halikan! Sa pangit mong yan?"

(Akala mo hahalikan kita? Pwes, tama iyang iniisip mo! May papikit-pikit ka pang nalalaman diyan! Akala mo hindi ka nakaka-temp? Nakaka-temp ka kayang halikan! Sa ganda mong yan?)

"Alam mo Nissy, hindi ka nababagay dito! Kundi sa baba."

(Alam mo Nissy, hindi ka nababagay dito! Kundi sa taas.)

"Hindi talaga ako bilib sayo, Nissy! Pangit ka na nga, pangit pa ang drawing mo! Saan ka pa? Kaya ayaw na ayaw talaga kita eh!"

(Bilib talaga ako sayo, Nissy! Maganda ka na nga, maganda pa ang drawing mo! Saan ka pa? Kaya gustong-gusto talaga kita eh!)

"Pangit ka na nga.... bakit mas lalo ka pang pumapangit?"

(Maganda ka na nga.... bakit mas lalo ka pang gumaganda?)

"Bakit ganoon?... Kahit saang anggulo, ang pangit-pangit mo, Nissy?"

(Bakit ganoon?... Kahit saang anggulo, ang ganda-ganda mo, Nissy?)

Napaluha ako.. i-ibig sabihin.....

"Pero ok lang naman pa la ang pagpapapansin ko sayo anoh? dahil napansin mo na rin ako!" pinunasan niya ang mga luha niya gamit ang isa niyang kamay..... at tuluyan nang kumalas ang pagkakahawak ng isa niyang kamay sa aking braso... Lumakad na ito... "Pero... sana naman, Nissy... ma-realize mong mahil kita! mahal na mahal!"

"OO, PANGIT KA!
PANGO!
KULOT ANG BUHOK!
MAKAPAL AT HINDI KULAY PULA ANG LABI.
MAITIM AT MAGASPANG ANG BALAT!
AT HINDI KA SEXY!!
ALAM MO, NISSY...
NAIINIS NA AKO SAYO!
HINDI SA MUKHA MO!
KUNDI SAYO!
ANG MANHID-MANHID MO, NISSY!"

(HINDI, MAGANDA KA!
MATANGOS!
STRAIGHT ANG BUHOK!
MAINIPIS AT KULAY PULA ANG LABI.
MAPUTI AT MAKINIS ANG BALAT!

AT SEXY KA!!

ALAM MO, NISSY...

NAIINIS NA AKO SAYO!

HINDI SA MUKHA MO!

KUNDI SAYO!

ANG MANHID-MANHID MO, NISSY!)

M-mahal niya ako! mahal niya ko!. Tiningan ko siya na ngayon naman ay malapit ng lumayo ang aming distansya.

"Hindi mo man lang ba papakinggan ang sasabihin ko sayo, Karl?" wika ko, na sapat lang para marinig niya "Ayaw mo man lang bang marinig ang mga sasabihin ko sa lahat ng mga sinabi mo sa akin?.... Tatalikuran mo na lamang ako?"

Napatigil ito sa paglalakad at humarap ito sa akin.

Napangiti ako at lumakad na papunta sa kanya.... at ng nasa harapan niya na ako... tumigil ako... saka ako tumingkayad at inilapit ko ang aking labi sa kanyang tainga.... at sinimulan ko ng ibuka ang aking bibig para sabihin ang mga katagatang ito... yung gustong-gusto ko ng iparating sa kanya....

"Saranghae... Te amo... Wo ai ni... Aishiteru... Je te aime... Ich liebe dich... I love you... Mahal kita..."

Napangiti ako... saka ko itinuloy ang sasabihin ko sa kanya...

"Pasensya na... dahil iyan lang ang alam kong salitang 'mahal kita' eh!" napabungisngis ako.. at nakita ko sa gilid ng aking mata na nakangiti siya.. saka ako bumulong ulit, na sapat lang para marinig niya... pero may bahid sa aking boses ang pagmamahal....

"I love you too, Karl."

---------------

=>[END]<=

Hanggang Kailan Mo MareRealize?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon