Chapter 44

1 0 0
                                    

"A-Ano?" I say, almost in a whisper.

Kace flashed a smile, but I can't do the same because his confession made me stunned.

"It's you, Fayre." He said slowly. "It's you all along."

"Since it's you... okay lang lang kahit maghintay ako sa sagot mo. Tho, hindi naman 'yon ang importante ngayon." He said shyly, scratching the back of his neck.

"I just want you to know that... it's you. And I'll patiently wait for you. I won't pressure you. At walang magbabago sa'tin. I don't want you to feel awkward kaya... treat me like how you treated me before."

And as he said those words, the rain started falling. Usually, that kind of rainfall is loud, but I can't hear it since the sound of my heart beating erratically within my chest is louder than anything else right now.

"I'll still be your friend." He said gently, his eyes becoming more soft and comforting.

Inalis ko ang paningin ko sa kaniya at tumingin sa kalangitan. Sobrang dilim na ito at lumalakas na rin ang buhos ng ulan. I looked back at Kace, still flustered and speechless about what he just confessed.

My lips twitch as I think about what words should I say to ease the awkwardness that's building between us if I continue to keep silent. "Uhm... do you want to sleep over?"

"Gano'n kabilis?"

"Ha?" Namilog ang mata ko nang mapagtanto. "Gago!" Sigaw ko at mahinang sinapak siya sa balikat. "Tingnan mo kasi ang lakas ng ulan."

"Ay umuulan pala." Aniya at natatawang tumingin sa kalangitan. "Ang ingay kasi puso ko, e."

"Ano raw sabi?"

"Ang ganda ni Fayre, ang ganda ni Fayre, at ang ganda ni Fayre." Banayad na pagkakasabi niya habang diretso ang tingin sa aking mga mata.

Kinagat ko ang aking labi para maiwasan ang sobrang pag-ngiti. "Sira!" Sabi ko nalang at nag-iwas ng tingin.

Kabaliktran ng panahon ngayon ang pisngi ko dahil sa mga sinabi at ginawa ni Kace. Ang pula na siguro ng mga 'to, tapos hindi pa nakkatulong yung pagtawa niya!

Lumingon na ako kay Kace nang marinig ang pagbuntong-hininga niya. Nakasandal na pala siya sa pader, at ang mga kamay ay nasa bulsa. And he's smiling... even though I can only see his side profile, it's obvious that he's happy.

Napangiti rin ako at sumandal sa pader. Tahimik naming pinanuod ang pagbuhos ng ulan.

Maya maya rin ang paglingon ko kay Kace dahil nararamdaman ko ang mga titig niya. Pero tuwing lilingon na ako ay iiwas siya, na ang akala niya ay hindi ko nahuhuli. It seems like he has something to say pero pinipigilan niya.

Ako rin naman. Marami akong tanong na umiikot ngayon sa aking isip. Kung paano niya ako nakilala at nagustuhan. What makes him chose to wait for me? What was his reason kung bakit ako?

I have so many questions for myself too. Marami. Sobrang dami. Na sa tingin ko ay hindi pa ngayon ang oras para sagutin ito. Hindi pa ngayon ang magandang panahon para pag-usapan 'to. Kaya tulad ng pagpipigil niya ngayon, ay iyon din ang gagawin ko.

"Day-off mo bukas, 'di ba?" Tanong ko at nilingon siya.

"Hmm." He hummed as he position himself to face me. Nakasandal na ang balikat niya sa pader at nakatingin na siya ng diresto sa'kin.

"May hindi ka pa ba napupuntahan dito sa Batangas?"

His lips twitched, thinking. "Meron pa naman. Yung nasa bucket list ko."

Napatango-tango ako. "Saan naman?"

He smiled as he fixed his crossed arms over his chest. "Bukas, malalaman mo."

Spoiler Paradox (High school series 1)Where stories live. Discover now