Chapter 6

94 6 0
                                    

A Day ago before present time....

RED POV

"Ano nga ulit section mo pula??" Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya at umayos ng upo

"Section D...why??"
Ngumisi ito at nangalumbaba,nandito kami sa HQ,inutusan siya ng boss niyang si Sky na i-hack ang system ng La Veerda Org. at kunin ng files na naglalaman ng impormasyon sa bago nilang transaksiyon at dahil Gustong gusto kong pumasok dito sumama ako sa kanya.Bata pa dw ako kaya hindi pa pwedeng pumasok sa Org pero may nakita naman ako kaninang kasing edad ko.Asan hustisya roon?

I'm Ruiz Enrique Dale Chen,Red for short..18 years old.Nasa pinakakinaaayawang section D at naghahangad na makapasok sa FALCON.
Ang katabi Kong may lahing kano ang pinsan Kong si Antony Luis Chen..

"Ah..Section ng mga basag ulo.. No doubt you're the leader.. Hahaha"
Isa yan sa ikinaiinis ko sa lahat.ang paraan ng pagtawa niya parang walang katapusan.Akala mo palaging Biro ang lahat ng bagay

"Shut up..Bilisan mo na at may klase pa at may gagawin pa ako."

Tumikhim ito bago muling bumaling sakin
"Do me a favor couz.."
Sumeryuso ang anyo nito

"Shoot.."

"A friend of mine ask me to watch after his niece in your school Kaso hindi ko naman palaging hawak ang oras ko at laanan ang panahon ang batang iyon dahil may flight ako to Singapore.. Alam mo na-Si Boss Tamad ako nanaman ang inutusan..di man lang gumalaw galaw amp*ta ..So ayun nga..ikaw muna ang bahala sa pamangkin niya,balita ko pasaway daw yun eh..mana sa uncle.. Hahaha"

Tumaas ang kilay ko
"And why would I do that??"

Lumawak ang ngisi niya
"That...that's a very very big favor for you my man..Kapag nagawa mo ng maayos ang pinapagawa ko ako mismo ang kakausap Kay sky para ipasok ka dito..it's a win win situation..hindi ako mababaril ni kaibigan at ikaw naman ay magiging parte ng Organization na toh..'"
Tumaas baba ang kilay niya sakin at napaisip naman ako

Well,not bad at all
Babantayan lang naman pala..Marami naman akong alaga kaya sila nalang uutusan Kong magbantay.Nandiyan naman ang section D eh..Ayos!

"Sure couz..easyyy!!"
Ngumisi lang ito at tumango tango

"Easy pala ah..tignan lang natin kung makatagal kang gago ka"
Yun lang ang sinabi niya at iniligpit na ang mga gamit niya.

***********

Lantis POV

Nakanguso akong pababa ng kotse saka palihim na inirapan si uncle na kanina pa masama ang tingin sakin-hindi,Mali...kahapon pa pala ng malaman niyang nagcutting classes ako. Curious talaga ako kung paano niya nalaman ang ginagawa ko kaya magmula ngayon mag-iingat na ako sa mga galaw ko.Di na ako magpapahuli sa kampon ni uncle William!!Naaalala ko pa ang nangyari kahapon.

Ka takot takot na sermon ang inabot ko at pati si chicken ay hindi nakayanan ang misa ni pader...iniwan ba naman ako sa sala habang sumasakit ang tenga ko sa bunganga niya??kaya ko nga siya pinapunta para maykaramay ako pero ang bwusit at tinalikuran ako!

Traydor kang pusa ka!!di kita pakakainin hanggang bukas ng gabi! Di kita papaliguan ng isang linggo at bahala kang matulog sa labas!
Arte Arte.. Inirapan pa ako ng bruha!kundi lang kita love..matagal na kitang pinakain sa pating ni thymus! Hmmp

Kinagabihan ay tinawagan ako ng uncle Oliver at pinatayan ko ng telepono ng sinigawan niya ako at pinagsasabihan.

Wala Nang pahinga si ears!!baka mabroke siya kasi di pa siya nagsleep..Charot only..

"Lantis ng Section D"Where stories live. Discover now