Automatic akong bumangon mula sa pagkakahiga ko ng maramdaman kong ang init, tinakpan ko ang mata ko at tinignan ang init na ngayon ay nakatapat sa muka ko.
Tumayo ako at sinarado ang bintana, gusto ko pang matulog puyat ako kagabi kakareview ng mga pag aaralan ko sa college.
Hihiga na sana ako ng narinig kong sumigaw si mama.
"Maureya! Gumising kana tanghali na!" Sigaw ni mama galing sa baba nasapok ko naman ang noo ko.
Lintik na araw kasi e. Gusto ko pang matulog, Kaso tinawag nako ni mama kaya wala akong magagawa kundi ang bumaba na.
Inayos ko muna ang pinag higaan ko bago ako bumaba. Pag baba ko ay humahalimuyak sa ilong ko ang niluto ni mama na sa tingin ko ay kimchi ang kanyang niluto.
Alam nyang gusto ko sa umaga ang kimchi kaya lagi syang bumibili ng kimchi sa palengke at niluluto ito sa umaga.
Ewan ko ba kung bakit ayaw na ayaw ng kapatid kong kumain ng kimchi, samantalang ako gustong gusto ko ito sa umaga kasi sobrang sarap.
Pag baba ko palang ay umupo nako sa lamesa at kinusot ang mga mata ko, inaantok pa talaga ako babawi nalang ako pagkatapos ko ayusin ang study table ko.
"Bukas na ang alis natin ayusin nyo na ang gamit nyo." Saad ni mama.
Natigilan ako sa pagkain sa sinabi nya, wala naman syang nasabi sakin na aalis kami, syaka saan kami pupunta bakit nya pinapaayos ang gamit namin?
"Saan tayo pupunta ma?" Tanong ko.
"Nakalimutan ko palang sabihin sainyo, lilipat na tayo ng bahay dahil nandun na ang trabaho ng papa nyo."
"Saan tayo lilipat ma?" Tanong naman ng bunso kong kapatid na si Jairus busangot ang muka.
Mukang puyat din to kakalaro ng online games, Simula palang grade 12 ako ay adik na ito sa online games kaya hindi nako nag tataka kung laging malaki ang eye bags nito.
"Tanda mo pa ba nung bata ka maureya pinaiwanan kita sa tita annica mo at nakasama mo dun ang anak nya diba? Dun tayo lilipat, at dun kana din mag aaral siguradong parehas kayo ng papasukan ng school ng anak ng tita annica mo."
Napailing nalang ako sa sinabi ni mama, hanggang ngayon ay tanda ko padin ang pangyayari na iyon, May bahay kami dun kaya alam ko na agad ang lilipatan namin.
Sigurado akong mag te-teacher si papa doon. Dahil trabaho nya naman talaga ang magturo.
Habang nakain ako ay hindi ko mapigilan mapaisip, Kilala pa kaya ako ng anak ni tita annica siguradong hindi na dahil ang tagal na din namin simula noong nagkita kami.
4 years old palang ako ng magkita kami ni Ezekiel pero tanda ko padin ang pangyayari nayun. Naiyak ako nun kasi hinahanap ko si mama.
Wala akong tigil kakaiyak nun, kahit si tita annica ay nahihirapan narin mapatahan lamang ako, pero si ezekiel lang lala ang makakapag patahan sakin kasi binigyan nya ako ng apple at ng maraming chocolate.
Pag taas ko ay agad kong inayos ang study table ko, sobrang kalat hindi nako nakapag imis kagabi sa sobrang kaantukan.
Mamayang gabi na siguro ako mag iimpake, gusto ko pang bumawi ng tulog kahit saglit lang.
YOU ARE READING
A walk to remember(On going.)
Подростковая литература"Sana ay seatmate ko padin si Ezekiel." "I hope na seatmate ko padin si Maureya."