CHAPTER 2

2 0 0
                                    

Tahimik lang kaming nasa daan medyo awkward, kasi ang sabi ni tita ay igala nya ako pero hindi man lang sya umiimik.

Nasa likuran ko sya ngayon, parang mas alam na alam ko ang lugar na ito kesa sakanya dahil nasa likod ko sya.

Tumingin ako sakanya na ngayon ay nakahawak sa dalawa nyang bulsa, mabilis ko din namang inalis ang tingin sakanya dahil baka isipin nito na tinititigan ko sya.

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyun at tinignan kahit nag lalakad ako ay nakatingin ako sa phone ko.

Halos mapaiktad nako sa gulat ng hawakan ni ezekiel ang braso ko at hinila ako papunta sa kanyang likuran nakita kong tinitignan nya ang truck na dumaan.

Nakatingin sya sa truck na kakadaan lang natigilan ako habang nakatingin sakanya, tumingin sya sakin na parang sinusuri kung anong nasa isip ko ngayon.

Sigurado akong iyong truck ang dahilan kung bakit nya ako hinila sa likuran nya, pero bakit nya naman ginawa yun?

Siguro iniisip nya na baka sisihin sya nila mama sa oras na nasagasaan nako ng truck, baka kaya nya ginawa yun.

"Pag kasi nag lalakad wag munang mag cellphone" Ani nya at lumakad na palayo.

Tinignan ko lang siya na lumalakad hindi ko alam kung maiinis bako o ano, hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari ah.

Tinignan ko lang yung cellphone ko kasi baka nag text si mama, pero bakit parang kasalanan ko pa na tumingin ako sa cellphone.

"Anong hinihintay mo dyan? Pasko? Dyan ka nalang?" Ani nya kaya tumaas ang kilay ko

"Edi umalis kana iwan mo nako dito kaya ko na sarili ko." Sabi ko at mabilis na naglakad.

Anong akala nya sakin? Hindi na ako bata, kaya ko na ang sarili ko bahala sya sa buhay nya dyan, napaka sungit daig pa'ng babae na nireregla sa sobrang kasupladuhan.

Tumingin ako sa likod at nakaramdam ako ng kaba ng makitang wala na sya sa likod ko, tinignan ko ang paligid upang tignan sya pero wala talaga.

Mabilis akong umiling at naglakad, bakit ko ba hinahanap yun, kaya ko naman ang sarili kong mag gala dito, syaka hindi naman ako mag gagala dito kung hindi lang sinabi ni tita annica.

Tinignan ko ang paligid kasi ang dami ng tao dito, hindi ko alam kung saang lugar ito.

Nakita ko na may papunta ditong tatlong lalaki, na nasa akin ang mga mata bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba sa tingin ko'y lasing ang mga ito.

Tumalikod nako at lumakad ng biglang may humawak sa braso ko, tinignan ko kung sino iyun, at halos tumaas na ang dugo ko sa kaba ng makitang yung tatlong lalaking iyun.

"Bakit mag isa ka? Baka mapahamak ka dito halika sumama ka saamin." Saad nito

Mabilis akong umiling at inaalis ang pagkakahawak nito sa braso ko pero nag mamatigas ito.

"B-bitawan mo ako." Nauutal kong saad.

"Saan kaba nakatira ihahatid kana namin." Saad nito.

Pilit ko talagang inaalis ang hawak nito sa braso ko pero hinawakan nadin ako nung dalawa nyang kasama kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.

"S-san nyo ko dadalhin?"

Nanlaki ang mata ko ng pilit nila akong hinihila pero nag mamatigas ako.

Kinakabahan ako kasi alam kong lasing sila, baka kung anong gawin nila sakin pag sumama ako sakanila, syaka hindi ko naman sila kilala kung sasama ako sakanila.

A walk to remember(On going.)Where stories live. Discover now