"Nalaman na nila. . ."
Natigilan si Gedeon sa narinig sa kapatid. Lumingon ulit si Hadeon sa bintana.
"Nalaman na may ginawa si Ama sa isa sa mga anak ko na makakagulo sa experiment nila tungkol sa drug na iyon." Seryosong sabi ni Hade sa kapatid.
"Alam ba nila kung sino?" Tanong ni Gedeon.
Umiling si Hade. "Hindi, dahil kahit ako hindi ko alam kung sino sa tatlo."
"Ano?" Gulat na ani Gedeon. "Ba't hindi mo alam? At hindi mo man lang binalak na alamin?"
"Binalak ko pero walang iniwang ebidensiya si Ama." Sagot ni Hade.
"Alam ba nila na tatlo ang anak mo?"
Tumango si Hade. "Oo."
"At ang kasal na ito ay para mailayo si Blythe?" Tanong muli ni Gedeon na ikinatango ni Hade.
"Siya ba ang tingin mo na tinutukoy nila?"
Bumuntong hininga si Hadeon sa tanong ng kapatid. "Hindi. . . pero mas mabuti ng ilayo ang bunso para hindi na siya mapagdiskitahan. Gagawa na lamang ako ng paraan na mailayo pa ang dalawa."
Lahat ng impormasyon ay talagang pinahanap nito dahil gusto niyang malaman kung ano ang meron sa mga ito at bakit sila nagdala ng problema.
Habang binabasa ang lahat ng reports ay napabalikwas ito dahil sa nabasa.
"So, kasapi pala sila. . ." Mahinang ani nito.
Pero kumunot ang noo ito sa mga naiisip.
Alam niya ba matagal na nila siyang pinapahanap. Pero hindi nito alam na aabot talaga sila sa paghahahanap sa corporate world. Sabagay, sa mundo ng pagne-negosyo malaki talaga ang sakop kaya mabilis mong mahahanap ang gusto mong mahanap. Sadyang kilala lang ang mga taong ito at may negosyo kaya madaling lapitan.
Siguro kaya napasok ang taong ito sa mundo ng underground dahil may naglagay ng pangalan nito at ngayon ay mas kayang-kaya at malapit na nila itong mahawakan.
"Kailangan may gawin ako rito. . ."
Pinindot ng lalaki ang intercom at pinatawag ang kanyang sekretarya.
"Yes, sir?" Tanong ng sekretarya.
"Ipatawag ang Six Aces, maliban sa kanya. . ." Utos ng lalaki.
"Pati ang mga nasa taas."
Natigilan ang lalaki at gulat na nakatingin sa kanyang boss.
"Mga nakakataas po?"
"Yes. . ." Sagot nito.
Iniikot nito ang kanyang swivel chair sa bintana. "After all, kumikilos na sila."
Nanindig ang balahibo ng sekretarya ng matukoy kung sino ang tinutukoy ng kausap.
"O-okay po, noted. I will send your message as soon as possible, sir."
"Thank you."
Unti-unting napangiti ang lalaki.
"They're became impatient, I see." Natatawa at napapailing ito pero kalaunan ay biglang sumeryoso ang ito at kitang-kita sa mata nito ang pagkamuhi.
"So f*****g greedy for power." Galit na sabi nito at kalaunan ay ngumisi.
"Minamaliit ata nila ang taong hinahanap nila." Natatawang sabi nito at napailing.
Sumandal ang lalaki sa kanyang swivel chair.
"Sabagay, hindi naman nila alam ang kaya nitong gawin." Nangingising sabi nito at umiling ulit.
YOU ARE READING
Uncontrollable: The Hidden One
AksiUncontrollable #1 We need to deceive other people to live, to survive. We need to be safe. . . she needs to be safe. We cannot fall into the hands of the wicked. They will use us. . . her. I need to hide her. But how long? How long can I hide her f...