CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Kanina pa sya tipa ng tipa sa cellphone nya na halatang may hinihintay, halos matanggal nadin ang mga mata ko kakairap sa hangin.

Sino ba'ng hinihintay nya? Ang tagal naman ata, ang aga nya nga pumunta samin pero halatang malelate padin kami dahil sa tagal ng hinihintay nya.

Hanggang ngayon ay hindi padin maalis sa utak ko ang sinabi nya kahapon gustong gusto ko syang batukan at sapukin ang pag mumuka nya.

Arghhhh.

Bigla nalang may tumigil na kotse saamin na sa tingin ko'y ayun ang hinihintay nya.

Hindi kaya girlfriend nya ito?

Napailing nalang ako sa naiisip wala akong pake kung sino yang hinintay nya ng ganung katagal at mas lalong wala akong pake sakanya.

Biglang bumaba ang dalawang lalaki, nakatingin agad saakin ang dalawa, iniwas ko naman ang tingin ko at yumuko.

Sila yung dalawang lalaking pumunta sa bahay nila ezekiel at dun nakimeryenda.

"Hi." Sabi nung isang lalaki at nilahad ang kamay sakin. "Yuan." Pagpapakilala nito.

Tinignan ko muna ang kamay nito at tinanggap iyon, wala namang problema kung makikipag kilala lang ako diba?

Syaka muka namang mabait sya hindi katulad nung hangal nyang kaibigan na malas hanggang ngayong araw.

Kahit wala pang nangyayari ngayong araw alam kong malas na sya, malas ang ipis nayun sa buhay ko.

"Maureya." Sabi ko at inalis na ang pagkakahawak sa kamay nya.

Sumunod naman yung lalaking nakangiti habang nakatingin sakin, halos mapaiktad nako sa gulat dito.

Nilahad nya ang kanyang kamay.

"Ivan." Pagpapakilala nya habang matatamis padin ang ngiti sa labi.

Pilit akong ngumiti dito at tinanggap ang kamay nya, Hindi ko mapagkakaila na ang pogi nilang dalawa ni yuan.

"Maureya."

Tumango lamang ito at pumunta na kay ezekiel na kasalukuyang nakataas ang kilay habang nakatingin sakin.

Tinaas ko din ang kilay ko at ginantihan ang pagtitig nya, ramdam ko na nakatingin samin si yuan at ivan pero nanatiling magkapako ang mga tingin namin.

Ano nanaman bang problema nya?

"Ah–eh maureya, kiel, tara na." Saad ni ivan.

Nilagpasan ko na si ezekiel na ramdam ko'y nakamasid sakin, siguradong may problema nanaman ang lalaking iyon sakin.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ng biglang may humawak sa kamay ko, tinignan ko kung sino iyon at nakita ko si yuan.

Inalis ko ang kamay ko, at agad nya namang binuksan yung pintuan.

"Thankyou." Nakangiting saad ko dito.

Sumakay nako sa kotse at tinignan ang tatlong halatang may pinaguusapan. Nahagip ng tingin ko si ivan na kasalukuyang nakangiting nakatingin sakin.

Iniwas ko nalang ang tingin ko at tinignan ang cellphone ko, 8:21 palang pala pero bakit parang tanghali na?

Naagaw ng attensyon ko na si yuan na dapat ay bubuksan na ang pintuan ng kotse sa tabi ko ng biglang pigilan ito ni ezekiel.

Tumaas naman ang kilay ko.

"Kotse nyo ito, kaya dun kana sa tabi ni ivan." Saad ni ezekiel at umupo sa tabi ko.

Tumingin sya sakin habang nakataas ang sulok ng labi, iniwas ko naman ang tingin sakanya.

Mas gusto ko pang katabi yung dalawang kaibigan nya kesa sakanya, sarap batukan argh, naiinis padin talaga ako.

A walk to remember(On going.)Where stories live. Discover now