Nandito na kami sa mall namimili sila ngayon ng damit habang ako ay nakatingin lang sakanila.
Hindi ko dala ang allowance ko kasi hindi ko naman alam na pupunta sila dito ang dami pa naman ding maggandang damit.
Kaso nagtitipid din ako para pag may project kami sa college ay hindi nako hihingi pa kay mama, at yung allowance ko nalang ang gagastusin ko.
Nahagip ng tingin ko ang batang ngayon ay iyak ng iyak, naalala ko sakanya si jairus noong bata pa ito ay napaka iyakin nya.
Nilapitan ko yung bata at agad namang pinunasan ang mga luha nya.
"Bakit ka nag iisa asan mga magulang mo, bakit ka naiyak?" Tanong ko.
"H-hindi ko po makita sila m-mama." Mula itong humikbi sa harapan ko.
Muli kong pinunasan ang luha nito at kinarga sya, nilingon ko ang paligid at nakita ko sila ezekiel na nakatingin sakin.
Si ezekiel ay wala akong nakikitang emosyon sa muka nya basta lang sya nakatingin samin, si yuan at ivan naman ay nakangiti habang pinag mamasdan kami ng batang karga ko ngayon.
"Wag kanang umiyak ha, hahanapin natin ang magulang mo, ngiti kana wag kanang umiyak." Ngumiti ako at muling pinunasan ang luha nya.
"T-talaga po?" Nanlalaki ang mata nyang tanong sakin.
"Oo naman basta wag kang umiyak ha?"
"G-gutom napo ako." Sabi nya at syaka yumuko.
Paano ko maibibili ng pagkain to kung kulang ang pera ko'ng dala? bakit ba kasi hindi ko naisip na pupunta kami sa mall.
Tinignan ko sila yuan na ngayon ay nakatingin padin samin, binaba ko yung bata at hinawakan ang kamay nya papunta kila ezekiel.
Pag punta kila ezekiel bigla nalang yumapos sa binti ko yung bata kaya napatingin ako sakanya.
Inalis ko ang pagkakayapos nito sa mga binti ko at lumuhod upang magkasalubong ang mga tingin namin.
"A-ano pong pangalan nyo?" Tanong sakin nung bata.
"Maureya ikaw?" Nakangiti kong sabi dito.
"Tricia po." Saad nya.
Tumayo ako at hinawakan ang kamay nito tumingin ako sa tatlong lalaking nasa harap namin ngayon.
Nakataas nanaman ang kilay ng lalaking ipis, sarap bunutin isa isa ng mga kilay nya, kanina nya pa ako tinataasan ng kilay tsk.
"K-kulang yung dala kong allowance, kaso nagugutom na 'yung bata, pwede bang makahiram muna sainyo ng pera–" Pinutol ni ezekiel ang sasabihin ko.
"Let's go." Saad nya.
Hinawakan nya ang palapulsuhan ko wala akong magawa kundi ang magpatangay sakanya.
Hawak ko padin si tricia ngayon habang hawak ni ezekiel ang palapulsuhan ko, nakatingin ako dun habang naglalakad kami.
Kahit inis na inis nako sakanya bakit ba 'ko nagpatangay sakanya? Kinagat ko ang pangibabang labi ko habang nakatingin dun sa kamay nya na nakahawak sa palapulsuhan ko.
Wala ba syang balak na bitawan ako?
Pag dating namin sa jollibee ay agad nya akong binitawan, tinignan nya si tricia at nginitian ito.
Ngayon ko lang syang nakitang ngumiti, bata lang pala ang mag papangiti sakanya.
Lumuhod ito upang matignan si tricia, Tinignan ko naman si tricia na ngayon ay nakangiting nakatingin kay ezekiel.
YOU ARE READING
A walk to remember(On going.)
Teen Fiction"Sana ay seatmate ko padin si Ezekiel." "I hope na seatmate ko padin si Maureya."