Chapter 2

20 1 0
                                    

Gab's POV

Nakarating na kami ni Jacob Jose sa Dream-C. Pangalan yun ng Shop ko. Ibinigay ko sa kanya ang Latest Design kong Dress as Gift sa kanyang nililigawan.

Isa siyang Blue Dress na below the knee at para siyang daring kung titingnan pero cute rin siya kung susuotin.

"Max! Kayo lang? Asan si Kuya Vince?"
Tanong ko kay Maxene.

"Umalis. May pupuntahan daw. Babalik daw siya agad."
Sagot niya sa akin.

"Ohh. Boss. Akala ko ba mag-ooff ka ngayon."
Sulpot ni Francis.

"May dinaan lang ako. Oh sha. kayo na muna bahala dito. Babalik agad ako. Hindi nako mag-ooff ngayon."
Sabi ko sa kanila.

"Ayay Captain"
Sabay nilang sagot at may salute pang kasama.

Umalis na ako sa shop at sumakay ng sasakyan kung saan naghihintay sakin ang magaling kong kapatid.

"Oh ito na. 5k yan. Walang labis, walang kulang."
Sabi ko sa kanya at binigay ang dress.

"Ano ba naman yan ate, Wala man lang bang discount yan? Para namang hindi tayo magkapatid niyan."
Tanong niya.

"Wala. naghihirap ako ngayon kaya wag ka nang umangal. Hirap maghanap ng clients ngayon."
Sagot ko sa kanya.

"K. Fine."
Ang tanging nasabi niya.

Umalis na kami at pumunta ng Resto kung saan sila magkikita. Umupo kami sa pina reserve niya daw na upuan. Yaman ng kapatid ko. Eh kahit nga 100 Pesos niyang utang di niya mabayaran pang-resto merong pera. Galing.

"Yaman mo din noh. May pa resto-resto ka pang nalalaman. 100 Pesos mong utang bayaran mo. Magtatatlong buwan na ho."
Sabi ko sa kanya.

"Grabe ka talaga. Pati ba naman yun? Naalala mo pa? Ibang klase din yang utak mo pagdating sa pera eh noh?"
Sagot niya sakin.

"Hoy! Baka nakakalimutan mo, ako ang bumibili ng pagkain sa bahay."
Sumbat ko sa kanya

"Aba. Pagkaing ikaw ang umuubos. Makapanghusga ka diyan. Hoy ka din, para sabihin ko sayo ate, tatlo lang tayo sa bahay, si papsie buong araw nasa trabaho, so ibig sabihin, hindi siya kumakain sa bahay, well kumakain din naman pero minsan sa minsan lang naman at ako naman, baka nakakalimutan mo, hindi ako magbrebreakfast sa bahay at sa labas naman ako kumakain ng lunch at dinner, minsan lang ako kumakain sa bahay kaunti pa, so sa tingin mo ate, sino ang umuubos ng pagkaing binibili mo? Excuse lang ha, hindi ako kasing Baboy mo."
Mahabng paliwanag niya sa akin.

Nahiya naman ako sa paliwanag niya. Well may point din naman siya at sa pagkakaalam ko lang naman palagi ako nagugutom mapaloob man o mapalabas man ng bahay. Pero Baboy? Sadyang palakain lang naman ako. Upakan ko to eh.

"Sasagot pa eh"
Sabi ko sa kanya at tsaka siya binatukan.

"Bakit? Totoo naman ah!"
Sabat pa niya

"Psh. Asan na ba yung nililigawan mo? Magtatatlong oras na tayo dito ha. Masyado siyang pa importante. Naku. Naku. Pag ako naiinip dito. Talagang makakatikim ka sakin."
Inip na inip na sabi ko sa kanya.

"Chillax ate. Malapit na yun or sure. Hintay lang ng konti."
Sabi niya.

"Anong oras nga ba ang meeting time niyo?"
Tanong ko

"uhmm. 9:00 A.M."
Sagot naman niya habang nakatingin sa kanyang relo.

"Anong oras na ngayon?"
Tanong ko sa kanya.

"uhmm. 12?"
Sagot niya.

"Ilang oras na tayong naghihintay dito?"
Tanong ko ulit sa kanya.

Tenerife SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon