Chapter 27: Exceeding Joy

64 11 2
                                    

"Nag-review ka ba, Bora?"

"Hindi masyado, eh. Kaninang umaga lang ako nagkaroon ng extra time at marami din requirement sa iba," sagot ko kay Don habang binababa ang aking bag. "Ang dami pa lang re-reviewhin. Ang daming page eh, tatlong page pa lang ang naaaral kong mabuti. Napasadahan ko lang yung iba."

"Ganun ba? Binasa ko na 'to noong nakaraang linggo. May iilan pa naman akong natatandaan."

I nodded. "Sabihin mo nga sa akin nalalaman mo, palitan tayo ng nalalaman. Review na rin natin," sabi ko at kinuha sa bag ang makapal kong handout sa subject namin ngayon. Hinihintay na lang ang professor.

Ilang minuto lang kaming nakapag-tanungan at dumating na rin ang professor namin. Pumikit ako sa aking kinauupuan at huminga ng malalim. Lord, hindi po ako masyadong nag-review. Sorry ho.

Panay inda rin ang iba kong mga kaklase sa mahabang quiz dahil puro identification, wala man lang pagpipilian. Tatlo pa lang ang nasasagot kong confident ako na alam ko na, ang masama ay nabasa ko na halos lahat ng tanong. Anong gagawin ko sa mga blankong tanong na 'to?

Deborah, bagsak na naman ba tayo?

"Ang hirap naman. Kahit yata first honor natin, hindi mapi-perfect 'to," pabulong na reklamo ng katabi ko.

Fifty items pala yung quiz, wala pa yata sa sampo ang nasasagot ko. Nakakaiyak naman, medyo.

"Sir, may pa-remedial po ba rito?"

"Ano ka ba naman Hail, hindi pa natatapos 'yang sinasagutan mo, nagtatanong ka na agad ng remedial," sagot sa kanya ng lalaki namin na Prof, na medyo malambot. "I doubt na babagsak ka dyan."

"Hehe, sir naman."

Kaysa magsayang pa ng oras at mairita ay pinabayaan ko na iyon. Hindi ko na alam kung paano kong nasagutan lahat at ipinasa ang papel ko na parang wala rin namang kwenta. Ang hirap. Hindi, totoong mahirap talaga lalo na at hindi ko inaral.

Nagtatawag na ng scores si sir na magsa-submit sa kanya. I frowned after glancing at my own paper. Twenty three over fifty. It's not bad. Next time, aaralin ko talaga.

"45!"

"Wow!"

Tumayo si Hail sa upuan niya upang iabot ang papel niya sa Prof namin. Nakatingin lang doon ang pinsan ko dahil hindi siya ang highest ngayon.

"34, 33. Walang na bang papel?"

Muli kong tiningnan ang papel ko. Ibibigay ko na ba? Wala nang ibang mas mababa pala sa 33.

"Prof, wala na po yata. Wala na raw bang magpa-pass ng papel?"

"Ah, ako po." Tumayo na ako at lumapit sa Professor ko upang ipasa ang aking papel. Medyo mabigat ang aking dibdib dahil na rin siguro sa hiya na ang layo ng score ko sa score ng majority sa klase.

Ngitian ako ng professor namin. "Uy, Deborah. Ilan ka?" tanong nito at inabot ang aking papel. "Hmm, twenty-three? Sige, bukas ka na mag-remedial at magpahinga ka muna ngayon."

Natigilan ako at hindi alam kung ano ang sasabihin. Siguro ay mas hindi ko kakayanin ang sasabihin ng mga kaklase kong nasa likod ko. Bahala na,.

I feel down, I thought I'm not the only one who is clueless about the quiz. Kasalanan ko rin naman at hindi ko na sila masisisi sa iisipin nila. Nananampalataya nga ako na papasa ako, hindi naman ako nag-aral. Faith without action is literally dead.

Medyo nakaka-down. Hayaan na natin.

Inakbayan ako ni Don sa kalagitnaan ng paglalakad namin papunta sa soccer field kung nasaan sila Ravi. May dala na raw na mga pagkain si Aiden doon mula sa handaan sa kanila kahapon kaya 'wag na raw kaming magdala.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon