Munti Kong Prinsesa:
pasensya na kung Lumisan Muna ako
Ako na Iyong Ama
Para sa Ibang Ibayo
magtrabahoMunti Kong Prinsesa:
Habang Nasa Eroplano,
Amoy Ng PagKasangol Mo
ang tanging Naalala ko
luha na pilit na tinatago
pagtakip ng Ulap sa Eroplano
Mata'y Luha Di Na NaitagoMunti Kong Prinsesa:
Handa Akong Magtiis Sa Lugar Ng Yelo
Kahit Pasko Kaarawan, Bagong taon at Paghinto Ng Relo
ang Mawala sa Ating Panahon
sinisigurado ko Na sa Pagbalik ko Ay Babawiin Natin MaghaponPagiging Matatag Ang Armas
Para sa Paghihirap Na Hindi Mo madanaskonting panahon Lamang ang 8 taon
kesa sa wala tayong malamon ng buong taonmahal kong anak
magbabalik ako
sa susunod na taon
bago humantong ang iyong ikalawang taon