"Good Morning Tita Bea." Bati ko kay Tita Bea,Agad naman sumilay ang mga ngiti nya sa labi ng makita nya ako.
"Bat ang aga natin ngayon?" Natatawang tanong ni Tita Bea,Gusto ko sanang sabihin na binungangaan agad ako ni Mama pag gising dahil nawawala daw ang pera nya at ako ang pinag bintangan.Akala ko diko na ulit mararanasan ang bungangaan ulit dahil hindi na babalik si Mama pero nagkamali ako.
Akala ko kaya bumalik si Mama sa bahay dahil wala na sya sa trabaho nya,Pero nagkamali ulit ako dahil tuwing gabi aalis si Mama na bihis na bihis at uuwi nalang nang madaling araw. Buti nalang at hindi nagigising si Astrid.Dahil tyak na magagalit ulit yun sakanya.
"Hey..Vien.." Tyaka lang ako nabalik sa aking diwa ng makalapit sakin si Tita Bea nang makita ko ang mata nyang puno ng pag alala gusto ko syang yakapin,Gusto kong sabihin sakanya ang hinanakit ko..
"Are you okay?May sakit kaba?" Sunod-sunod ulit nyang tanong,Agad naman akong umiling.
"O-okay lang po ako.." Pagkatapos kong sabihin yun ay ngumiti nalang ako ng tipid,At pumunta sa counter para simulan ang trabaho ko.
Agad akong napahawak sa upuan ko nang makaramdam ako ng hilo,Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin ngayon pero agad akong umayos ng biglang may customer na dumating.
Laking gulat ko ng makitang si Jasmine ito ngayon kona lang sya ulit nakita dahil naging busy na sya sa mga sumunod na araw.
"Kyahhh!Vien ko!" Sigaw nya at niyakap ako ng mahigpit,Natawa naman ako sa reaksyon nya na miss ko tong babaeng toh.
Agad ko syang niyakap pabalik ngunit agad syang lumayo at nakakunot ang noong tumingin sakin,Una nyang hinawakan ang braso ko,sumunod ang leeg,at noo.
"May lagnat ka!" Sigaw ulit nya,Agad ko naman hinawakan ang leeg ko at noo dun ko napagtantong may sakit nga ako kaya siguro ako nahihilo.
"Don't worry kaya ko naman."
"Hindi ka okay,Let's go uwi na tayo.." Akmang hihilahin na nya ako pero agad ko syang pinigilan.
"Mimina..Okay nga lang ako diba?Bat ka andito?Wala kabang pasok?"
"Yeah wala kaming pasok--Pero Vien baka tumaas ang lagnat mo.." Nakanguso na nyang saad.
"I'm okay..And i'm always okay.." I smiled to her softly.
"Hay nako!Oo na pasalamat ka na-miss ko yang ngiti mo kung hindi...Edi hindi dejok.." Agad naman syang umalis sa tabi ko kaya hinayaan kona lang.
Sa totoo lang hindi ako okay ngayon kahit gustuhin ko man umuwi muna ay hindi ko ginawa dahil baka mabawasan ang sweldo ko dito,Nakakainis lang hindi lang ako kumain kaninang umaga ay nilagnat na ako.
Dati si Tonton ang nag aalaga sakin pag may sakit ako,Alam na alam din ni Tonton kung bakit ako nagkakasakit.Sa tuwing nag i-skip lang ako ng pagkain ay lalagnatin na ako..Eto namang si Tonton papagalitan ako buti nalang at wala sya dito ngayon dahil kung nagkataon papakainin nya ako ng madami.
Pero nakakamiss din ang dati,Nakakamiss yung dating inaalagaan nya ako,Nakakamiss yung papagalitan nya ako pag hindi ako kumakain,Nakakamiss yung kulitan,tawanan,at asaran namin.Asan na kaya sya..
"Oh tingnan mo umalis lang sandali balik na naman sa trabaho..Ikaw talaga ha!" Natawa naman ako kay Jasmine kung umasta parang nanay,Buti nalang at wala dito si Tita Bea umuwi muna sya dahil may meeting daw sa opisina nila.
"Inumin mo muna toh.." Inabot nya sakin ang isang gamot at tubig hindi nalang ako nakatanggi dahil alam kong bubungangaan na naman ako nito.
Pagkatapos kong inumin yun ay pumalakpak pa ang bruha.
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomanceThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...