Chapter Four

105K 2.8K 442
                                    

CHAPTER FOUR

UMAGA kinabukasan ay tumuloy nga sina Frances sa bayan para masamahan siya ni Matthew na magpatingin sa kakilala raw nitong psychiatrist.

Kasama nila si Cyla, siyempre. Sumama rin si Peter sa kanila dahil may sasadyain din daw ito sa bayan kaya mas magandang sumabay na ito sa kanila.

Ngunit pagdating nila sa clinic ng sinasabi ni Matthew na psychiatrist ay wala doon ang doktor. Ang sabi ng sekretarya ay bumalik na lang daw sila sa makalawa.

"Hindi ka naman siguro biglang magwawala, ano?"

Frances rolled her eyes at Matthew. "May OCPD lang nga ako. At aware naman ako sa symptoms ng OCD kaya alam ko ang ginagawa ko, alright?"

Umangat ang isang gilid ng labi nito. "Nagtatanong lang naman ako. Hindi ba iyan makadadagdag sa mga anxiety attacks mo? Sa trauma mo sa ex mo?"

Nagkibit-balikat siya. "I'll be more conscious na lang sa mga iniisip at ikinikilos ko."

Naglakad na siya pabalik sa pick-up truck ni Peter na ginamit nila papuntang bayan. Doon ay naghihintay si Peter at si Cyla.

"Matthew."

"Hmm?" lingon nito sa kanya habang patuloy sa paglalakad. 

"Puwede bang huwag mo na rin madalas banggitin si Brandon? Para... you know, I can avoid thinking about him, too," pakiusap niya rito.

"Alam kong gustung-gusto mo 'kong inaasar. But can you just alter your bullying tactics? Huwag nang paulit-ulit. Kung gusto mo 'kong tumestigo pa laban kay Brandon at manatili kami ng anak ko sa safehouse, mas maging mabait ka na lang sa'kin."

"Mabait naman ako, ah?"

"Wow! Saan banda?!"

Napangisi ito. "Kilala mo 'ko, Frances. Normal state ko na ang ganito. Sadyang pikunin ka lang."

"Excuse me. You're a lot nicer when we were in college. The time before me and Terrence dated, we're like best friends," aniya at saka napahalukipkip.

"Lagi kang sumasabay ng break time sa'kin. Tinutulungan mo 'kong maghanap ng books sa library. At kahit magkaiba tayo ng course, sumasabay ka sa'king mag-review kapag midterms or finals na," she reminisced the good times with him. "Remember when you took me at my house because I'm so drunk. You stayed until I'm sober. You were an angel then, Matt. And—"

"Teka nga, teka nga." Huminto ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. "Inaano ba kita ngayon? Hindi naman kita inaapi, ah. Isa pa, iyang mga sinasabi mo, halos mag-iisang dekada na ang lumipas. Nagbabago ang mga tao."

"No, Matt. You started changing when Terrence and I dated back in college. Hindi ka na sumasabay sa'kin sa break time, sa lunch, sa reviews, sa free time, sa—"

"Bakit pa 'ko sasabay sa'yo niyon, eh, nobyo mo na ang pinsan ko? Siya na ang lagi mong kasama. Kayo na ang laging magkasabay. Alangan namang maging third-wheel ako, Frances? At anong gagawin ko kung sumasabit ako sa inyo noon? Panoorin kayong naglalandian sa harapan ko?"

Nalukot ang mukha ni Matthew. "Hindi ako ang nagbago ng mga oras na iyon, Frances. Ikaw."

"What? Why me?" nagtatakang wika niya.

Nasa gitna na sila ng nilalakaran ng mga tao at talagang nakahinto lang sila pareho habang nag-uusap.

Kumunot ang noo ni Matthew at nawala na ang pagngisi. At kapag ganoon ang itsura nito ay tila napakatapang at napakabangis nitong tingnan. His mouth just formed a thin line like he was holding what he was about to say.

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon