Ferdinand POV
*flashback*
Matapos kong makuha ang aking resulta sa board exam ay dumiretso ako sa bahay nila Y/N. Sa lahat ng mga tagumpay, kahit maliliit ay siya ang una kong pinupuntahan
Kumatok ako sa pintuan nila at siya naman ang bumukas
Binungad ko siya ng matinding yakap at hinalikan ang kanyang pisngi ng paulit ulit
"Ano ba hahaha, andiyan sa loob sila mama. Bakit? Anong nangyayari? Andyan na ba ang results?" tanong niya
Hindi ko na siya sinagot pero binigay ko sa kaniya ang sobre at binuksan niya
Ilang mga segundo ay ngumiti siya't tumatalon talon sa saya at niyakap uli ako
"I love you! I'm so proud of you" sigaw nito
"I love you too!"
"Y/N? Ano ba iyan? Ang ingay ingay mo. Sino baa iyang nandiyan?"galit na paglabas ni Donya Vicenta
"Paumanhin po" at nag mano ako
Inabot ni Y/N ang sobre at binuksan naman ito ni Donya't ngumiti
"Congrats Ferdinand" bati nito't umalis na din at naiwan kaming dalawa ni Y/N
"Oh diba sabi ko sayo eh, galing mo talaga Andy. Sa susunod baka maging presidente ka na ng Pilipinas" sabi nito sa akin
"Naku pwedeng- pwede. Basta ikaw yung first lady" sagot ko't ngumiti lang siya
"Baliw!"
*end of flashback*
Ilang mga buwan na ang nakalipas at matapos ang halalan, ngayon na malalaman kung sino ang mananalo
Habang nanonood kami ng telebisyon ay hinawakan ni Imelda ang aking isang kamay habang nakahawak naman si mama sa isa
Lahat kami ay tutok na tutok dahil sa pataas na bilang ng boto
May mga lugar na ako ang nangunguna, meron namang hindi
Makalipas ang ilang mga oras ay inanunsyo na ako ang nanalo
Tumayo kaming lahat ay niyakap ko sila isa-isa pati na ang mga bata
"Congrats, darling" sabay halik ni Imelda
"I'm so proud of you, Ferdinand" at hinalikan ko sa pisngi si mama
"Congrats daddy!" sigaw ng tatlo kong mga chikiting
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, ang init sa puso
"Oh siya, bago pa mawala ang init nitong aking niluto, kain na tayo" sabni mama kaya pumunta kami lahat sa kusina at kumain ng hapunan
"Anong plano mo ngayon Ferdinand?" tanong sa akin ni mama
Sa totoo lang marami pero siyempre dahan-dahan muna. Ika nga nila: one step at a time
"Inauguration muna mama" sagot ko naman dito at nagtawanan kami
"Sa susunod pa iyon na araw diba?" dagdag nitong tanong
"Opo mama"
"Oh, anong plano mo?"
"Wala, bakit? Meron po ba kayong nasaisip?"
"Tayo'y maghahanda" suhestiyon ni mama. Siyempre, mahilig talaga si mama ng handaan at pagtitipon- tipon kaya ako nalang din ay tumango't umo-o
Matapos naming kumain ay iniligpit na din namin ang lamesa at naghanda para matulog
Nauna akong pumasok sa loob at muling naligo
Matapos ay naghibis at napag-isip isipan na tumawag sa telepono
Pinindot ko ang mga numero at ito'y nag rin
"Hello?" sagot ng kabilang linya
"Hello, good evening. Si Ferdinand ito" bati ko naman
"Ay Ferdinand, ikaw pala iyan. Ay sorry, President Ferdinand pala. Congrats!" pagbati nito sa akin
"Salamat. Siya nga pala Rosa, andiyan ba si Y/N?" tanong ko
"Naku wala, kakaalis lang kasama si Luis"
"Ah talaga ba? Saan daw?"
"Hindi ko din alam pero parang kumain sa labas"
"Ganun ba? Ah sige, salamat Rosa" at binaba ko na ang telepono
Bumalik pala siya kay Luis. Hindi ba niya sinabi na may nangyari sa amin? Na parang ulit na may koneksyon?
Baka nasanay lang talaga akong sabihin kay Y/N ang lahat ng mga tagumpay ko
Panahon na sigurong kailangan ko na siyang bitawan at tumutok na sa ibang importanteng aspeto ng aking buhay lalong-lalo na ay magiging pangulos na ako ng bansa
This is what I was destined to do