Walls Have Eyes

55 0 1
                                    

Itong kwento na ito, nasabi lang sa akin ng isa kong kaklase nung highschool kami. Sa mga mahilig mag date sa dilim, beware din po.

Galing sa date yung pinsan n'ya na babae, bale mas matanda ito ng ilang taon sa kanya kaya naman ayos lang na makipag date na ito. Isang gabi daw, pauwi na daw silang mag kasintahan no'n sa subdivision nila. Sa subdivision na yun, may shortcut at long cut papunta sa bahay nila, naisipan ngayon nung BF nung cousin n'ya na mag take ng long cut para matagal tagal silang magkasama.

Sa long cut na yun, medyo malalaki ang agwat ng mga nakahilerang bahay, at puro matataas na bakod ang makikita o pader. Ang nasa loob kasi nung mga pader na yun ay mga reserved na mga lupa. Sa lugar na yun din hindi masyadong mailaw, at ang tanging ilaw na meron dun ay yung ilang na galing sa mga bahay. Pero dahil sa agwat, ang ibang space dun hindi na inaabot ng ilaw.

So lakad daw silang dalawa hanggang sa maabot na yung parteng wala masyadong ilaw. Puro bakod na ang makikita dun, habang naglalakad daw, itong BF ng pinsan n'ya napatigil. Eh hawak daw ni girl yung kamay nung BF n'ya, so napatigil din s'ya. Tatanungin na sana n'ya kung ano'ng nangyayari sa BF n'ya ng bigla s'yang hilahin at binigyan ng isang torrid kiss.

Pumiglas daw yung pinsan n'ya sa gulat at medyo nahiya. Pero naging makulit daw si BF, at nag reason out na kesyo madilim naman daw at walang makakakita sa kanila. Bandang huli, pinagbigyan n'ya yung BF n'ya.

Naghahalikan sila sa dilim no'n habang nakatayo. Nakaposisyon yung pinsan n'ya sa may tapat ng isang pader o bakod dun. Medyo naging balisa s'ya dahil nagkaroon s'ya ng pakiramdam na parang may nanonood sa kanila, so ang ginawa daw n'ya tumigil s'ya sa paghalik at medyo napa atras. Tinanong s'ya nung BF n'ya kung bakit daw s'ya nagkaganon, sagot naman n'ya, kesyo daw hindi sya kumportable sa ginagawa nila. Pero nag reason out yung BF nya na guni-guni nya lang yun. So tinuloy nila yung halikan nila.

This time, yung pinsan n'ya daw parang may nahagip na dumaan sa gilid ng mata n'ya, pero hindi n'ya pinansin yun dahil nga baka guni-guni n'ya. Tapos napatingin s'ya sa may bakod, napataas yung tingin n'ya kasi parang may nakaupo o nakadungaw dun sa may taas.

Hindi nga sya nagkamali, dahil sa taas ng bakod may nakita syang babaeng may mahabang buhok at gulo-gulo ito. Yung akala n'yang nakadungaw o nakaupo ay lumulutang na katawan pala talaga! Puti ang damit ng babae at mahaba na halos hindi daw n'ya makita yung paa (di s'ya sigurado kung may paa nga ba daw yung nakita n'ya).

Sa isang iglap, tinigil n'ya yung paghalik sa BF n'ya. Tumingin s'ya sa BF nya at sinabing lumingon s'ya dahil may nakita s'yang multo sa may pader. Paglingon nila dun sa kinalulugaran ng multo, nagulat sila kasi wala na dun sa pader. Natakot na ng tuluyan yung pinsan n'ya, pero yung BF nya para skeptic pa rin daw sa nangyayari. So nag aya ng umuwi yung pinsan n'ya.

Nung humarap na sila daan papunta sa bahay nung pinsan n'ya, sa may kalayuan daw may nakita silang tao na naglalakad papunta sa kanila. Nung nakita nila yun, medyo nawala yung kaba nila... pero nagtaka sila kasi hindi 'naglalakad' yung taong makakasalubong nila, para itong nagga-glide lang. Napako sila dun sa kinatatayuan nila, at nang malapit lapit na yung 'tao', napatakbo yung pinsan n'ya pabalik sa main street, saka sinundan nung BF n'ya.

Nang marating na nila yung bahay at nahimasmasan na daw yung pinsan n'ya, tinanong s'ya nung BF nya kung bakit sya napatakbo. Yun pala, yung nakita n'yang babae sa bakod ay yung nakita nilang 'tao' na makakasalubong sana nila kanina.

Walls Have EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon