The Answers.

42 1 1
                                    

Lorenzo Liston's Pov.

"Hi!! Nice meeting you all!! I--hmf!"

"Tumahimik ka nga! Nasa Phylem ka pero ang asal mo, pang mental." bulong sakin ni Hemisphere atsaka tinanggal na ang kamay nyang tinakip sa bibig ko.

Like eww. Ang rumi kaya ng kamay nya. Billions of germs ang andun, anong karapatan nyang itakip un sa bibig ko -,-.

"The heck you care, Luhan?" tumingin ako ng masama sa kanya. At siningkitan sya mata.

"Sino si Luhan?" nagtatakang tanong ni Second. Napalingon ako kay Second. Psh~ ang bunso ng Mossama. Ang alam ko bakla sya eh.

"Sshh. Tawagan nilang dalawa un." nagshh sign si Radii sa kanya at nagsitawanan ang dalawa. Aba at! Nagtulungan ang panganay at Bunso. Mga bakla.


"Yuck. Bromance like srsly?" -Second.

"Shut up -_-." *-pissed off Hemisphere.

"No. You shut up. Ke lalake mong tao ang supla suplada mo. Daig mo pa ang babaeng meron kung makaasta ah!" Patuloy kong inaway si Hemisphere kahit may mga ibang Mnemos na nanonood.


"Ano bang pinaglalaban mo Enzo?" Poker faced na tanong sakin ni Radius.


Teka ano nga bang pinaglalaban ko? XD

"Fck! Takbo guys!"


huh?

TEKA GUYS! HINTAYIN NYO KO!!! *Cries


Nakitakbo na rin ako. Bakit ba sila tumatakbo? Teka hindi dapat masyadong mabilis ang takbo ko. Baka pagpawisan ako. Masasayang ang fresh kong mukha *u*

Author's Pov.

Sa wakas eh tumigil din sila sa katatakbo. Hingal na hingal sila at ang iba ay umuubo ubo pa.

"Bakit... bakit ba tayo tumakbo?" Tanong ni Enzo na kararating lang.

Napunta kasi sila sa loob ng isang Building. Malaginto ang pintura at wala pang tao sa loob.

"Oh suotin mo."

May binato si Radii na damit kay Enzo. Vest, long sleeves and bow tie.

"Para san to?" -Enzo.

"Nasa Phylem ka. Hindi pwede maikling manggas, muntikan pa tayong mahuli kanina." - Hemisphere na nagsusuot ng necktie.

Dun lang narealize ni Enzo na kaya pala may humahabol sa kanila eh dahil nakatshirt lang sya. Labag pala ito sa batas ng Phylem..

"Welcome back, Boys." Napatingin ang lahat sa babaeng nasa second floor.

May mahaba itong buhok. Bangs na tinatakpan ang kilay nito. Bilog na bilog ang mga mata nito at may nakakaakit na ngiti ang nakalagay sa bata nitong mukha.

"Cha Yoo!" Nakangiting sinabi ni Arctic ang pangalan ng babae at kumaway.

"Pumasok na kayo sa Meeting room. At ikaw, Arctic. Sumunod ka sakin."

"Ayiee.. Namiss nya si Arctic~" Asar ni Second sa kapatid. Binatukan sya ni Artic at nakangiting umakyat ng second floor.

[Meeting Room]

Nakaupo na ang lahat sa harap ng napakahabang mesa. Sa harapan nila ay may projector at nakatayo doon ang babaeng kanina nilang nakausap.

"Hi Zolare Empire.. and you, Mr. Liston, right?"

ngumiti na parang manyak si Enzo kaya sinapok sya ng katabing si Hemisphere.

"I'm Cha Yoo Yuropian.[N/A Cha Yoo as Kim Jiwon] Anak ako ni Haring Ran. Ung pangatlong hari na namuno sa Phylema.. Ayoko ng magpormal ng salita sa inyo. Tutal puro kalokohan lang din naman ung alam n--

"Aba a--!"

"Hep! Patapusin mo ko magsalita Radius. -,- "

"Eh iniinsulto mo kami eh!" sigaw ni Radius .

"Fyi Mr. Radius, I'm just stating the truth." binelatan ni Cha Yoo si Radius at nagsmirk.

"And the truth will... set you free~~~!!! let you beeee~~ a-hmp! Ano ba Xiumin! Kumakanta ako eh!" Tinakpan kasi ni Hemisphere ang bibig ni Enzo ng kumanta ulit ito.


"Wait.. Sone ka?" *o*-> Mukha ni Cha Yoo.

[N/A -Sone - Girls' Generation Fan. Ung kinanta ni Enzo is ung Set me free ni Taeyeon. Hi mga kapwa ko kpoppers! *u*]

"Taeyeon biased here!" tinaas ni Enzo ang kamay nya tulad pag nag papanatang makabayan.

"Omo! Jinjja!? Yoona sakin!" medyo malakas na sabi ni Cha Yoo.

"SOULMATE!!!"  Tumayo ng upuan si Enzo at sinalubong naman sya ni Cha Yoo. Nagbeso beso ang dalawa at nagyakapan pa habang nagtatalon talon.

"*ehem Uhm.. guys?"

"sorry. So as i was saying. Ako ung anak ni Haring Ran. Nagkaselective amnesia kayong lahat kaya ikukwento ko lahat ng info na kailangan nyong malaman. Lalo na't nasa lupa kayo ng inyong kahaharian."

Tumayo si Radii, "Teka, selective amnesia?" Hindi sya makapaniwalang LAHAT sila eh meron nun. At pano naman? naaksidente silang lahat? tapos nagkataong lahat nagkaamnesia?

"Aye-kun, ang Zolare Empire ay nagka selective amnesia. Iba iba kayo ng naaalala kaya iba iba ang paniniwala nyo."

Lalong naguluhan sila Radii kaya pati ang kapatid nyang si Radius eh napatayo na rin.

"Hindi ako naniniwala. At pano nangyari un?" Sarkastikong tanong ni Radius. Sobrang imposible naman kasi ng sinasabi nya. Anim silang magkakapatid tas lahat eh may selective amnesia?


"Sino sa inyo ang kilala si Haring Leo?"

nagtaas ng kamay si Radii at Mnemonics.

"Teka, hindi nyo kilala si Haring Leo?" -Radii.

"Hindi." -Horizon.

"Horizon.. Nung naging hari si Leo. Ikaw ang kanyang Duke."


"Pinagloloko mo ba ako?!  Wala akong maalalang  naglingkod ako sa Royal Line noon!"  hinampas ni Horizon ang mesa at tumayo na rin. Gulong gulo ang utak nya. Ano bang pinagsasabi ni Cha Yoo?

"Pero Horizon.... ikaw ang Duke ni Haring Leo." mahinang bulong ni Radii sa isipan nya.


"Ano sa tingin nyo? Na si Pacific lang ang nabaril at kayo eh hindi un naranasan? Marami pa kayong hindi alam. Malaking gulo ang Kingdom of Phylem. Magulong problema ang pinasok nyo, Zolare Empire."

Kingdom Of PhylemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon