PARK(One shot)

89 5 1
                                    

"Hello? Erica? Busy ka ba? Pakidaanan naman yung mga pictures nung kasal ko."

"Ok ate"

Saturday naman ngayon halfday lang ang pasok ko sa school,kaya ok lang na daanan ko yung mga pictures ni ate nung kasal niya. Ako nga pala si Erica Lozano.

On the way na ako ngayon sa photo shop para kunin ang mga pictures. Hindi na muna siguro ako dadaan sa Park. Baka wala pa rin siya. May hinihintay kasi ako sa Park, isang kaibigan na lagi kong binabalewala.

Si Edward Solis, siya ang tinutukoy kong kaibigan. Nakilala ko siya sa Park. Lagi niya nga ako kinakausap kaahit na hindi ko siya kinakausap.Siya ang nagpapatawa sa akin pag umiiyak ako, pinakikinggan ko naman siya sa mga sinasabi niya hindi ko lang talaga siya kinakausap. Naalala ko nga nung minsan na umiyak ako, may joke siyang sinabi na sa sobrang corny eh natawa ako, tawa kami ng tawa. Nakakalungkot nga lang kasi kahit kailan hindi ako nakapagpasalamat sa kanya. Kaya eto ako lagi ko siyang inaabangan sa Park. Pero hindi na siya pumapasyal.

 Hindi ko namalayan na nasa shop na pala ako. Kinuha ko na ang mgapictures. Maaga pa naman kaya nilibot ko muna ang shop. May mini-gallery pala dito, kaya naglakad lakad na muna ako. Pero may napansin ako, parang ako ang nasa picture.

"Miss, Pwede magtanong? Yung mga pictures sa gallery niyo, sino ang kumuha ng mga pictures na yun?"

"Yung kapatid ko, si Edward Solis"

"Nasaan siya?"

"Wala na siya. 2years ago nung mamatay siya. Pero may iniwan siyang sulat. Pag may naghanap daw sa kanyang magandang babae ibigay ko. Mukhang ikaw yun."  inabot ang sulat sa akin.

Erica,

  Kung binabasa mo ito ngayon malamang ay wala na ako. May sakit kasi ako,Leukemia. Sorry kung hindi ko nasabi sayo.Ayoko kasing maawa ka sa akin at kausapin ako. Pasensiya kung lagi kitang kinukulit na kausapin ako. Sayo kasi ako humuhugot ng lakas para lumaban sa sakit ko.

  Salamat dumating ka sa buhay ko. Salamat nakilala kita kahit sa sandaling panahon. Dahil sayo naranasan kong magmahal. Oo mahal kita, unang beses palang kitang nakita alam ko na ikaw na ang THE ONE. Mahal na Mahal Kita. Paalam.

                                                                      Edward

Dinala ako ng maga paa ko sa Park kung saan lagi ko siya kasama. Tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Nakakainis kasi hindi ko manlang nasabi sa kanya na Mahal ko siya.  T.T

"Miss, OK ka lang?"

Boses ng isang lalaki na kilalang kilala ko. Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko.

"Totoo ba ito? bumalik ka?"  tumango lang siya at pinunasan ang luha ko at sabay na niyakap ako.

"MAHAL NA MAHAL KITA" bulong niya

"MAHAL NA MAHAL DIN KITA" sagot ko,  lalu kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

Hanggang sa unti-unting naglaho ang binata.

--------------------END--------------------

kalokohan ko lang po ito. haha

PARK(One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon