Part 1

4 0 4
                                    

"Oh ano na?Broken ka ba?".

Iyan lagi ang linya ng bestfriend kong si Benjie kapag nagvivideocall ako na umiiyak,parang nasanay nalang din siya na ganito.Di ko kasi siya tinatawagan kapag okay ako,binablock ko nga minsan eh, kasi pinagseselosan siya ng mga nagiging boyfriend ko,ang sama kong bestfriend diba?

"Tinatanong mo pa!Eh kita mo na ngang umiiyak ang tao,mang iinis pa!"sabi ko.

"Kinaklaro ko lang naman,malay mo magkaroon ng himala at bigla mong maisipan na kumustahin ako diba,kahit wala kang kailangan" aba't kinokonsensiya pa ako!

"Wag naman ngayon Bentot,please?" sabi ko."Kahit ngayon lang naman" pakiusap ko pa.Siyempre nag eemote ako tapos sasabayan pa ako.Though hindi naman ganoon kasakit.Keri lang naman din,pero still,kailangan ko ng karamay sa ngayon.

"So ano na naman ang dahilan ngayon?Nung una,may kalandian sa work.Pangalawa,may kinakasama na pala.Pangatlo,pinili iyong mas malapit.So ngayon,ano naman?"

"At pinaalala mo talaga lahat ng kagagahan ko sa buhay no?Grabe to!" reklamo ko.

"Eh kasi naman,di kita ma gets.Wala ka naman yatang natutunan sa mga nakaraan mo eh,dapat marunong kanang kumilatis ng tao.Tapos tatawag-tawag ka sa akin at umiiyak.Tingin mo gusto kong nakikita kang ganyan?Ang pangit mo na nga,mas papangit pa!"

"Ang sama mo!Kainis ka!"sabi kong nakanguso pa.

"Ang cute mo namiss kita."sabi naman niya.Kainis talaga!Alam na alam kung paano ako lambingin.

"Kinilig iyan?" tukso niya.Sira talaga!

"Huwag ka nga!"

"Pero seryoso na miss talaga kita."

Kitang-kita ko naman ang sincerity sa mga mata niya kaya nga nakakailang eh.Ewan ko nga ba!Dati naman hindi ko nararamdaman ito.Naalala ko tuloy nung minsang tumawag ako sa kanya dahil may ibang girlfriend na ang boyfriend ko,iyon ngang pinagpalit ako sa malapit...

"Kaya naman pala in'unblock mo na ako eh,may problema ka na naman." Sabi niyang may halong tampo.

Eh kasi binlock ko siya nang ilang linggo dahil nga pinagseselosan siya ng boyfriend ko.

"Sorry na Bentot?Kasi pinagseselosan ka niya,ang sweet mo raw kasi."

"Mas sweet siya kamo,dadalawa ang nilalambing niya.Dinaig niya pa yata ang aso eh.Kung sinong malapit kinakalabit."

"Hoy!Bibig mo!" awat ko.

"Sorry na po,madam.Eh gago naman talaga iyang jowa mo!Seselos-selos pa siya,tapos may reserba naman pala"

"Di ko na jowa iyon,ex ko na"

"Dati-rati lang proud na proud ka ah!Tapos ngayon parang diring-diri ka na.

"Kainis kasi!Akala mo naman kung sinong gwapo!"

"Kung gwapo lang din naman ang pag-uusapan,di mo talaga makikita iyon kung di ka gagawi dito sa amin."sabi niyang nagyayabang.

"Huwag ka nga!Puro ka kalokohan eh!"

"Totoo iyon no!kung nakakapagsalita lang ang salamin namin,siguro lagi akong pinupuri nun."

My Blocked ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon