Alas tres na ng hapon kami dumating kahapon. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi niya tungkol sa first crush niya raw.
Ang lapit niya lang sa'kin kaso alam kung hindi na maibabalik yung dati tandang tanda kong sabi niya.
Hindi kaya kaklase niya lang iyong first crush niya ngayon? Pano kung may gusto pa pala siya? Sabi nga nila FIRST LOVE, NEVER DIES. Edi paano na ako nun?
Inis kong sinabunutan ang buhok ko. Ano ba yan!
"Hoy! Para kang tanga diyan" napalingon ako sa sumita sa'kin si Lucas. Tumayo naman siya sa kanyang kinauupuan at lumipat sa tabi ko.
"Problema?" tanong niya. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Hulaan ko. Hmm, lovelife ano?" tumango naman ako.
"Naku. Alam mo ba diyan nagsisimula iyong dahilan para maghiwalay ang magshota" pinitik ko naman ang noo niya.
"Sira! Wala kaming problema ni Alani"
"Oh, eh anong problema mo?" nanlaki naman ang kanyang mata na nakatingin sa akin.
"Par, h'wag mo sabihing—ako na yung gusto mo!?" aniya dahilan para makutongan ko siya.
"Wala ka talaga sa ayos, Lucas" pagkayamot ng sabi ko. Tumawa naman siya at inakbayan ako.
"Alam mo ba? Nawawala ang kaastigan nating mga lalake kapag sobra pa tayo sa babae mag-isip" seryoso niyang saad at umiling iling pa ang loko. Natigil lang kami sa pag-uusap ng may tumigil sa harap namin.
"Mr. Fernandez and Mr. Mendez baka gusto niyong umayos ng upo? Padating na si Ms. Louis" seryosong sabi ni Reighn. Kakalase naming babae na isa sa officials ng school.
Naramdaman ko namang nanigas sa kanyang kinauupuan si Lucas. "Sungit talaga" mahinang sabi niya pero nakaabot iyon sa pandinig ni Reighn. Nagpipigil ng tawa akong siniko siya.
"Anong sabi mo?" bahid ang pagkainis sa tanong niya. Imbes na balewalain na lamang ay pinikon niya pa ito.
"Sabi ko ang S-U-N-G-I-T-M-O" pagkasabi niya ay agad namang naglanding ang kamay ni Reighn sa tenga ni Lucas.
"Tarantado ka talaga! Bwesit! Bwesit!" paulit ulit na saad nito habang pinipikot ang tenga ni Lucas.
"A-aray! Marshmallow, ano ba! M-masakit!" sigaw ni Lucas. Lalo namang napikon si Reighn dahil sa tinawag nito sa kanya.
Marshmallow ang tawag ni Lucas kay Reighn dahil daw sa pisnge nitong malambot. Hindi naman mataba si Reighn, sakto lang. Pero ang pisnge niya ay parang siopao. Si Lucas ang may sabi nun. Ganito ang eksena nila sa classroom araw-araw.
Pareho silang natigilan ng may nagsalita sa harap. "Mr Mendez and Ms. Davis. Go back to your seat, now!" puno ng autoridad nitong saad. Paunahan naman silang nagsibalik sa kanya kanyang upuan at nagsimula namang magturo si Ms. Louis.
***
"Susunduin mo bebe mo?" nakangising tanong ni Lucas. Unti-unti ng nagsisi-alisan ang iba naming mga kaklase. Lunch na kasi. Umiling naman ako bilang sagot sa tanong niya.
"Absent siya ngayon. May pupuntahan daw sila kasama yung parents niya" tumango tango naman siya.
"Saan daw?"
"Hindi ko alam. Hindi naman siya nagsabi"sagot ko. Nakalimutan ko ring itanong ko kanya kahapon. Hindi na rin kasi kami nagkausap pa pagkatapos iyong naging usapan namin sa playground na iyon. Nanatili rin akong tahimik hanggang sa makauwi kami.
"Siguro importante iyong pupuntahan nila. Pina-absent pa nila sa Alani"
"Sa tingin ko rin"
"Saan tayo? Starbucks nalang?"
YOU ARE READING
Ten Chapters With Her
Short StoryI finally understood what true love meant . . . love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be. - Nicholas Sparks