Kanina pa kating-kati sila Theo na tumayo at umalis dahil kanina pa sila naiilang sa mga pinag-uusapan ng mga ito.
Pinaplano na kasi nila ang tungkol sa kasal na alam naman nilang hindi na mangyayari dahil aamin ang mga ito na ayaw nilang ikasal ang kanilang kapatid na bunsong kapatid.
Napapansin naman iyon ng kanilang ina na si Bela pero wala itong magawa dahil alam niya na sila dapat ang magsabi ng kanilang saloobin tungkol sa pinaplano ng mga ito.
Hinihintay na lang niya na magsalita ang tatlo pero halatang mga wala pang balak dahil na rin siguro hindi makasingit ang mga ito dahil tuloy-tuloy ang kanilang pinag-uusapan.
Lumapit ng kaunti si Prama sa kapatid nyang si Theo at bumulong.
"Kuya, hindi ko na nagugustuhan ang mga naririnig ko. Pwede bang sabihin na lang natin ang pakay natin?" Naiinip na bulong ni Prama sa kapatid.
"Kahit ako rin naman, Prama. Pero kailangan natin maghintay na matapos sila. Kumain muna na tayo, sayang ang pagkain," Sabi ni Theo.
Napatingin naman si Prama sa kanilang kinakain at nagkibit-balikat.
Sabagay, masarap pa naman ang mga pagkain dito. Sabi ni Prama sa kanyang sarili.
Si Blythe at Bela ay kumakain lamang at hindi na na pinapansin ang mga nasa paligid nila. Natatakot at pareho silang kinakabahan sa kalalabasan ng gagawin nila pero ito ang tama. Kailangan nila magbigay ng opinyon at sana ay tanggapin ito ng kabila.
"Blythe, hija. . ." Natigil sa pagkain si Blythe ng tawagin siya ni Lilith.
"Bakit po?" Magalang na tanong ng dalaga.
"May gusto ka bang gawin sa kasal niyo?" Nakangiting tanong ng ginang.
Napatingin si Blythe kay Harvey at nang makitang nakatingin ito ng seryoso ay agad na umiwas ng dalaga at napatingin sa mga kapatid.
"A-"
Natigil sa pagsasalita si Blythe dahil tumunog ang cellphone ng kanilang ama kaya nagtataka silang napatingin dito. Agad na kinuha at binuksan ni Hadeon ang cellphone.
"Ang pamilya Mercedes ay isa sa mga mayayamang pamilya rito sa Pilipinas at ngayon ay napabalitaan na ang mga lalaki sa pamilya ay pinagpapapatay habang ang mga babae ay nawawala."
Narinig ang pagsinghap ng dalawang nakakatandang babae habang nanlalaki ang mata sa gulat nila Blythe at Prama habang natigilan naman ang mga lalaki.
"Para sa mga pulis ang pagpatay na naganap sa mga Mercedes ay dahil sa kanilang krimen dahil may nag-iwan ng mga ebidensya na ang pamilyang Mercedes ay kasangkot sa mga krimen katulad na lamang ng pagbebenta ng droga, pagbebenta ng mga ilegal na armas, pagbebenta ng mga lamang loob at iba."
Parang masusuka sina Bela at Lilith sa narinig habang si Hadeon ay natigilan at nakatitig sa screen. Nakikita sa screen ang black and white at blurred na lugar dahil halatang-halata na brutal ang pagkakapatay sa mag-anak.
"Dahil sa brutal na pagkakapatay ng mga lalaki sa pamilyang Mercedes ay hinuna ng mga pulisya na may galit ang mga ito sa pamilya. Hanggang ngayon hindi pa rin nila nakukuha ang ibang impormasyon sa nangyari sa mga naunang pamilya at ngayon ay madadagdagan na naman ito."
Pinatay na agad ni Hadeon ang cellphone nito at inilagay sa kanyang bulsa.
"Hon, hindi ba may balak kang makipagsosyo sa mga Mercedes?" Nagtataka na tanong ni Bela sa asawa.
Agarang napatingin sina Theo at Prama habang nag-aalalang napatingin naman si Blythe sa mga magulang.
Bumuntong hininga si Hadeon.
"Oo, pero hindi namin tinuloy dahil hindi naging maganda ang mga pinakita nilang proposal." Paliwanag ni Hadeon na ikinahinga ng maluwag nila Theo.
"Mabuti hindi niyo tinuloy. . ." Sabi ni Theo na ikinalingon nila Hadeon at Bela sa anak.
Kumunot ang noo ni Hadeon. "Anong ibig mong sabihin?"
Nagpunas si Theo ng labi. Nakaramdam ng kaba sila Prama dahil alam nilang may posibilidad na magkasagutan ang mag-ama.
"Hindi niyo po ba napapansin?" Kunot noong tanong nito at tumingin sa ama.
Nang makitang nakakunot din ang noo nito na parang nagtataka ay sarkasmong napangisi si Theo.
"Lahat na lang ng pamilyang balak niyo makisosyo ay sangkot sa mga krimen." Umiling si Theo.
"Parang wala kayong balak na alagaan ang kompanya. . . Papa." Dugtong nito.
Napatayo si Hadeon at malakas na hinampas ang lamesa na ikinaigtid ng mga tao sa loob.
"Bastos ka! Sinasabi mong pabaya ako?" Galit na tanong nito sa anak.
Theo scoffed at his father.
"Hindi nga ba, Papa? E 'di ba, malapit ng malugi ang kompanya kaya ipapakasal niyo si Blythe sa taong 'to," Sabi ni Theo at itinuro si Harvey.
"Kuya!" Pananaway nina Prama at Blythe sa kapatid pero hindi ito pinansin ng binata.
"Si Lolo nga hindi ginawa sa inyo 'yon tapos sa aming mga anak mo, gagawin mo?" Sarkasmong tanong ni Theo.
"Pinapakita niyo ba sa amin kung bakit hindi na dapat kayong pagkatiwalaan sa kumpanya dahil sa kapabayaan niyo?"
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na nila napansin na agad nang nakalapit si Hadeon sa anak na si Theo at agad itong sinuntok kaya natumba si Theo sa kinauupuan.
"Kuya!"
"Hadeon!"
Nataranta ang mga tao sa loob ng kwarto. Lumapit agad sina Blythe at Prama sa kapatid na nasa sahig habang si Bela at Harry ay pinipigilan si Hadeon na makalapit sa anak.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo!" Galit na sigaw ni Hadeon.
Theo scoffed and sarcastically looked at his father.
"Really?" Tumayo si Theo habang ang mga kapatid ay nakaalalay lang sa kanya.
Nag-aalalang napatingin ang dalawa sa kapatid na si Theo. Gusto man nilang pigilan ito sa pagsasalita ay hindi nila magawa dahil alam nilang hindi papaawat si Theo.
"Kung gano'n ba't nalulugi? Nalugi rin naman ang kompanyan noon pero nagawan iyon ng paraan ni Lolo ng hindi ka ipinapakasal sa iba. Ano only option niyo ang ipakasal ang kapatid namin, gano'n?" Galit na tanong ni Theo sa ama.
"Tumigil ka! Wala kang alam!" Galit na sigaw ni Haden sa anak habang pinipigilan siya nila Bela na makalapit kila Theo.
"Ginawa ko lahat para maisalba ang kompanya. Pero walang nangyayari." Dahilan ni Hadeon.
"Edi mas lalo niyo nga lang pinapakita sa amin na hindi kayo dapat ang karapat-dapat na humawak ng kumpanya." Seryosong sabi ni Theo.
"Hindi niyo ba napapansin, you said the exact same thing that Lolo said but what happened? Naihaon niya pa rin ang kumpanya ng hindi kayo nadadamay ni Tito. Kaya don't give me that reason na walang nangyayari dahil wala talagang nangyayari kung susukuan niyo agad ang kompanya at isasalba sa pamamagitan ng ipakasal ang kapatid namin." Dugtong ni Theo.
Mahihimigan sa boses nito ang galit at pagka-dismaya sa ama.
Walang nagsalita. Puro malalalim na paghinga lamang nila Hadeon at Theo ang maririnig sa loob. Nag-aalalang napahawak si Blythe sa kapatid at hinagod-hagod ang likod nito, nagbabakasakaling kumalma ang kapatid.
"Hindi mangyayari ang kasal na pinaplano niyo dahil hindi ko hahayaan na makasal si Blythe dahil lang sa kapabayaan niyo." Seryoso at may diing sabi ni Theo.
Agad na hinawakan ni Theo ang kamay ng mga kapatid at hinatak ito papalabas ng kwarto.
YOU ARE READING
Uncontrollable: The Hidden One
ActionUncontrollable #1 We need to deceive other people to live, to survive. We need to be safe. . . she needs to be safe. We cannot fall into the hands of the wicked. They will use us. . . her. I need to hide her. But how long? How long can I hide her f...