Ilang araw ang lumipas at birth month ko na: February. It's the first day of February. Pagkapasok na pagkapasok palang sa eskwelahan, sumasakit na agad ang mata ko dahil sa mapupulang mga bagay na naka-decorate sa buong school.
Since it's February, and Valentine's day is just around the corner, nilagyan ng mga disenyo related sa Valentine's day ang buong eskwelahan. I'm really not complaining. Medyo nac-cringe lang.
Anyways, I made my way towards our classroom. At pagkapasok na pagkapasok, bumungad sa'kin si Nathan with a wide smile plastered on his face. Agad niya din akong inakbayan which startled me.
Kung ganito lang ang bungad sa akin ng February 1, hindi ako magrereklamo. Charot.
So 'yun na nga, sinamahan niya lang ako papunta sa seat ko.
"Pati ba naman sa pagpunta sa proper seat, by partner na din." Ethan said in an irritated voice saka natulog na muli sa kaniyang desk. Tumawa ako ng bahagya.
Inilapag ko ang bag ko sa likod ko at kukunin sana ang horror book na nabili ko nang maramdaman kong may nakatingin sa akin sa harap ko. Kaya lumingon ako sa harap at nakita ko si Nathan na naka-upo sa harap ko at nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti.
Iniiwasan kong mautal at mamula ang pisngi habang tinatanong, "Ano nanaman ba gusto mo?" I tried my best to sound irritated para hindi mahalata na gusto ko siya — kahit na aaminin ko din naman sa birthday niya.
Sa 3 na kasi ang kaarawan ko, samantalang sa 9 pa siya.
"Ikaw." Aniya which caught me off guard, dahilan para tumaas ang kilay ko.
Ako?
Natauhan ako nang tumawa ito at biglang pinisil ang pisngi ko. "Kilig ka 'no?"
Inirapan ko siya at hinampas ang braso niya sabay sabing, "Sira." At natawa na din ako.
"Iyah." Pagtawag nito. Siya lang ang tumatawag sa akin ng Iyah, at tuwing nasa mood pa siya. Usually kasi Lia lang din ang tawag niya sa akin, katulad ng iba.
"Oh?" Nakataas-kilay kong tanong.
"Anong gusto mong regalo?" Tanong nito.
Tumaas ang kilay ko at napaisip. Maya-maya lang ay sumagot din agad ako. "Kahit ano."
"Ih, ano nga?" Pagpupumilit nito.
Bumuntong hininga ako. "Kahit ano nga."
Bumuntong hininga din siya at sinimangutan ako. "Wala kang gustong matanggap na kahit ano? Like, wala ka bang wish? 'Yung kunwari teddy bear? O kaya libro? Wala?" Sunod-sunod na tanong nito kaya natawa ako habang umiiling.
"Wala nga. Alam mo namang 'di ako mapili pagdating sa mga regalo. Kahit ano naman, okay na sa'kin."
"Weh? Kung ako 'yan, hihingi ako madaming pagkain." Pagsabat ni Sean na mukhang kakadating lang.
"Hindi naman ikaw 'yung may birthday."
Tumingin siya kay Nathan. "Upuan ko 'yan, aber."
"Lagay mo nalang muna bag mo, tapos doon ka muna sa upuan ko umupo. Sige na." Aniya kaya walang nagawa si Sean kundi gawin nalang ang gusto nito.
Muli nanamang tumingin sa akin si Nathan kaya I gave him an innocent look.
"Gala nalang tayo bukas, tapos bilhan kita ng regalo, advance birthday gift. Maganda ikaw mismo pumili ng regalo."
Bumuntong hininga ako. "Bahala ka." Sabi ko at tuluyang kinuha ang libro sa loob ng bag ko. Napansin kong hindi pa din tumatayo si Nathan kaya tinignan ko ulit siya. "May kailangan ka pa?"
YOU ARE READING
Beyond the Border (COMPLETED)
Fanfictionwritten in taglish. unedited. Do you believe in parallel universe? What about in vampires? Alliyah Park does. She believes in every magical creatures, even though most sounds so... unrealistic. But a necklace changes her world. A necklace, which tur...