" Brisaise? How are you my princess?"
Pinilit kong imulat ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Sumalubong sa akin ang puting kisame, pero nang tumingin ako sa gilid ko ay nakita ko siya na nakaupo sa tabi ng kama.
He gently combed my hair with his fingers. My head pulsated again and my throat is really dry making it hard for me to speak.
Walang masyadong nagbago sa mukha niya bukod sa itim na nasa ilalim ng mga mata niya at nakasuot na rin siya ng salamin.
" Sinong umaway sa prinsesa ko? Bakit may sakit? Masyado ka bang nagpapagod?"
Mas lalong uminit ang mata ko sa narinig.
Inaway ako.
Ilang beses akong napunta sa ospital noon pero hindi niyo ako pinuntahan. You didn't show off yourself during those times when my foot was under the grave already. I did not hear your voice when I was being rushed to the hospital with a knife in the stomach. Wala ko noong mga panahong takot na takot ako habang nasa sasakyan na maghahatid sana sa akin sa kamatayan. You weren't there when I was sexually abused. Ngayon tinatanong niyo kung sinong umaway sa akin? Kayo.
Inaway niyo ako.
You have no idea how physically and emotionally exhausted I was. I have been filling the space you left in the family. I have to provide and protect them, while doing things for myself also. I am exhausted for almost a decade now, actually.
Sobra sobra na yung pagod ko.
I opened my mouth but no words came out. Nakatitig lang ako sa kaniya habang iniisip kung totoo ba siya o nananaginip lang ako.
" Mahal na mahal ko ang prinsesa. Hindi ko gusto na nagkakasakit siya, kasi hindi niya magawang tumawa at dumaldal nang dumaldal."
Mahal? Liar. You don't love me.
" Kaya dapat aalagaan ng prinsesa ang sarili niya. Malulungkot ang hari kapag nasasaktan ang prinsesa.. "
Malulungkot siya kapag nasasaktan ako?
Hindi ka naman nalungkot nang iniwan mo ako." Pero mas malungkot ang hari kapag wala siyang magawa para mabawasan ang sakit na nararamdaman ng prinsesa. Nadudurog ang puso niya. Hindi niya kayang makita na umiiyak ang pinakamamahal niyang prinsesa."
I felt the hot liquid flowing from my eyes. No, Allegra. Wag ka nang makinig sa sasabihin niya. I closed my eyes tightly.
" Ang laki na ng prinsesa ko. Dalaga na. Ang ganda ganda. Maingay pa rin katulad noon. Sigurado ako na malalaki na rin si Brian at Brenda." narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa
Umiling ako habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha. Wake me up. Gisingin niyo na ako. Ayoko nang makarinig ng kahit ano mula sa taong ito. Ayoko na.
" Patawarin mo ako. Hindi ko gustong gawin iyon. Hindi ko gustong iwan ka. Hindi ko gusto na masaktan ka."
Para akong napaso nang maramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. Umatras agad ako at hinila ang kumot para takpan ang sarili at tumalikod sa kaniya.
I pulled my knees up to my chest. Ipinikit ko ang mata habang umaasa na pagmulat ko ay panaginip lang lahat.
My sob went louder when I felt him hugging me from the back. He was hugging me tight. My shoulders were shaking. I wanted to push him but I'm too weak to do so. Nanatili na lang ako sa pag-iyak habang nasa bisig ng taong dahilan ng pagluha ko.
" I'm sorry for causing you too much pain. You were so young yet you already witnessed how cruel the world is. I'm sorry." I felt him shaking. Naramdaman ko rin ang tubig na bumabasa sa balikat ko.
YOU ARE READING
Sa Susunod Na Habang Buhay
General FictionGavin a doctor with strong and cool personality, used to abhor life, until she met loud and cheerful Ally who is grieving inside. This is not just a story, it's a window through the heavenly life of hell with regrets, bad decisions and secrets.