Efvouna pov:
-Real World-
"Ano? Si Maycee? Yung kaibigan ko?"
"H-Hindi ko naman sinasadya. Nakakapagtaka nga na sya lamang ang nakapansin dun sa aklat sa dami ng dumaan doon kanina. Tsaka huli na nang mamukhaan ko sya." Sabi ko.
"Hinihigop na sya ng liwanag." dagdag ko pa.
"My ghad, efvouna! Nilagay mo sya sa kapahamakan."
"Sorry, desperada na talaga akong makalaya mula sa sumpa si Prince Caige. Hindi na din kasi kaya ng konsensya ko. Maraming taon na syang nakakulong sa aklat na yun at kung hindi pa malalagas at mamamatay ang Rosas sa loob ng isa pang taon hinding hindi na sya makakabalik dito sa totoong mundo ng mga tao."
"Anong Rosas?" kunot noong tanong ng ate ko.
"Sa oras na mainlove sya magsisimula nang malagas ang mga petals ng Rosas at doon na magsisimula ang unti unti nitong pagkamatay, kapag nangyari yun mawawala na rin sya sa story at babalik sa totoong mundo ng mga tao. Mawawala ang sumpang naigawad ko sa kanya."
"Eh si maycee? Paano sya?"
"Kapag may namatay na tauhan sa kwento, kukunin nya ang katawan ng character na yun. Doon sya sasanib. Katulad ng nangyari kay Prinsipe Caige, he take over the death body of the main character in the story which is Nine Montefalco, the vampire Prince."
"What? Vampire? Paano kung sa katawan ng kalaban sya mapunta? Mamatay sya, hindi na sya makakabalik dito kapag nangyari yun."
"Don't worry ate, success ang plano. Hindi ka ba nagtaka kung bakit ko nalaman na isang bampira si prinsipe caige?"
Mas lalong kumunot ang noo nya.
"Here."
Inabot ko sa kanya ang makapal at lumang libro.
She opened it.
"She is the personal maid of Nine." I said.
Nagtatakang tingin ang ginawad nya sakin.
"A-Akala ko ba blangko na ang librong ito? Paanong----?"
"I don't know too,pero isa lang ang nasisiguro ko lahat ng nangyari sa kanila kusang naisusulat dito."
"Kung ganon, malalaman na natin kung anong nangyayari sa buhay nila."
"Exactly!"
"Hindi ako makapaniwalang pwede pala iyung mangyari."
Nami pov:
Kukunin ko sana ang backpack ni Nine pero naisukbit na nya ito.
"Ako na ang magdadala ng bag ko." sabi nya tsaka lumabas ng kotse.
Kanina sa byahe wala akong imik kaya tahimik lang kami kanina nahihiya kasi ako dahil dun sa nangyari kagabi.....eeerrr. Ayoko na talaga iyung maalala ko pakiramdam ko nangangamatis na ang aking mukha sa sobrang hiya.
Lumabas na ako ng kotse pero nagulat nalang ako nang makita syang nakatayo. Akala ko nauna na sya yun kasi ang usually nyang ginagawa hindi kami sabay pumasok ng room.
"Ano pang ginagawa mo dito?"
tanong ko."Hinihintay ka baka kasi pagdiskitahan ka na naman ng mga malalandi dito."
Malalandi? Natawa pa ako sa sinabi nya. Nakasighot ba sya ng katol? O baka naman sangkatutak na bygon ang hinithit nito. Bakit parang bigla syang naging mabait? hmm...weird.
Nawala bigla ang topak nya.
BINABASA MO ANG
Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)
VampirInside the book her unexpected fairytale begin.