Chapter 28: Blood

69 12 0
                                    

Ilang beses akong napakurap at blankong tiningnan ang aking sarili sa malaking salamin. Napakagat ako sa ibabang labi at halos kabugin na ang aking dibdib na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang pagpintig.

What's wrong with me?

Si Yandiel, tapos ako sa kalagitnaan ng gabi. Hindi ko pa rin ma-proseso sa aking utak kahit kanina ko pa gustong tapusin ang giyera sa aking isip.

I need to stop this or I'll be wasted the whole day. My mind doesn't even have the ability to solve math problems, then I also don't have the capability to assess this. How should I talk to him? I'll see him this afternoon and we will eat lunch together. Bahala na, ewan ko.

Halos binasa ko lang ang aking buhok. Nagsuot pa ako ng itim na jacket dahil ang lamig talaga. Hindi ko na magawan ng remedio ang skirt namin na above the knee dahil educ ako.

Tahimik kong tinahak ang papunta sa College of Education na may kalayuan nang kaunti mula rito, malapit lang pala dahil nilalakad ko lang. Maraming nang mga estudyante ang nagkalat sa paligid papunta sa kani-kanilang pupuntahan.

Nang natanaw ko na ang aming block ay sinuot ko na ang aking ID. Mabilis kong itinigil ang aking hakbang nang makilala si Yandiel na mabagal na naglalakad sa aking harapan at nauuna sa akin. Nakasukbit ang magaan na bag nito sa isang balikat at nakayukong naglalakad.

Tumigil ako upang maging malayo ang distansya namin at nang hindi niya ako mapansin. Mukhang wala siya sa mood ngayon, hindi ako n'yan mapapansin. Nang malayo na siya nang kaunti sa akin ay sinimulan ko na ring maglakad

"Hoy, Yandiel!"

Muling hinabol ng sampung palaka ang aking puso. Hindi ko na nilingon ang grupo ng mga pasaway na lalaki sa aking likuran at saglit na napapikit. Pagdilat ko ay ang inosenteng tingin ni Yandiel at tumambad sa akin. Hindi naman ako ang tumawag sa kanya. Sa akin siya nakatingin.

Hala, anong gagawin ko rito?

"Akala ko patay ka na." Kinantyawan siya ng mga nagtatawanang mga lalaki at nilampasan ako. Hindi sila pinansin ni Yandiel at ngumisi lang. Mukhang mga dayo pa ang mga ito, dalawa lang ang naka-uniform ng educ.

Nanatili akong nakatayo at hindi alam kung ano ang gagawin. It would be rude if I avoided him when he's looking at me. It would be rude if I ignored him after what happened last night. It was pride, I shouldn't have any pride.

Bahagya akong napayuko nang humakbang siya palapit sa akin. Hala, hala!

"Anong oras ka nakauwi kagabi?" malumanay niyang tanong, unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya at humigpit ang hawak sa straps ng bag.

"Eksaktong 10:00, Yandiel. Hindi na kita na-text at wala akong load, eh," kalmado kong sagot. Nanatili ang aking mga mata sa kanyang mga labi na bahagyang nakanguso, mabilis akong nag-iwas ng tingin at napalunok.

"Mag-isa ka lang na nagpunta doon?"

Umiling ako. "May kasama akong kaibigan."

"Mmm. Bakit ka niya iniwan? Hindi ka man lang hinatid," lintanya niya, hindi ko mapigilan na umangat ang gilid ng aking labi.

I just shrugged. "Nagkaroon ng emergency, eh. Nagpaiwan na ako, nagkaroon din ako ng time na makipag-chikahan sa mama mo."

Ngumisi lang siya. "Ganun ba? Halika na ngarod, i-kwento mo sa'kin yung pinag-kwentuhan niyo."

Ngumiwi lang ako sa kanya. Hinatid niya ako sa aming block na makatarungan naman dahil mauuna ang block ko sa block nila, sa dulo pa ang kanya. Math pala ang major niya, kalakas naman ng loob nito. Eh, 'di matalino siya roon?

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon