CHAPTER XLIV

6.1K 130 4
                                    

MIKHA'S POV

"Iniinom mo ba yung gamot na binigay ko sayo?" Biglang tanong sa akin ni Stacey habang personal niyang hinahanda ang pagkain ko.

Nandito ako ngayon sa bahay nila, wala akong magawa sa condo ko kaya nung nalaman kong day off niya ay sumugod na agad ako rito sa bahay ng mga Sevilleja. Close rin naman ako sa pamilya nila, halos sa lahat naman yata ng mga magulang ng kaibigan ko dahil alam nilang wala kaming maayos na relasyon ng magulang ko, kaya kadalasan nung hindi ko pa nabibili ang condo ko ay sa mga bahay nila muna ako nakikitulog.

"Hindi naman na sumisikip dibdib ko kaya tinigil ko na muna" Sagot ko habang nakatingin sa hinahalo niyan veggie salad, na may lettuce, spinach, cucumber, tomato, etc. Mabuti raw yon para sa puso ayon sa nurse na nasa harap ko.

"Gagi ka! Gusto mo isumbong kita kila Daddy? Tsaka tandaan mo, trabaho mo rin nakasalalay diyan sa kalagayan mo" Pagbabanta pa niya, napailing naman ako at napangiti.

"Ibang klase mambanta" Usap ko na lang sa kaniya. Tinaasan lang naman niya ako ng kilay kaya napailing na lang ako.

"Oo na, kunin ko na lang sa kotse ko mamaya yung gamot para makainom" Sagot ko na lang, napangiti naman siya at hinain na ang salad sa harap ko.

"Ubusin mo yan tapos samahan mo ako sa mall pagtapos mo, doon ka na sa kotse mo uminom, magbibihis lang ako" Todo ngiting usap niya at umalis na sa harap ko

"Sana pala hindi na lang ako pumunta rito" Napapailing na usap ko na lang

"Alam kong hindi mo ko kayang tanggihan, Lim!" Sigaw pa niya bago tuluyan umakyat sa kwarto niya. Well, tama naman siya, kahit sabihin natin na napakatagal niya mag shopping or what, hindi ko pa rin masikmura na hayaan lang siyang mag isa na gawin yon lalo na kung busy sa duty si Jhoana. Mahal ko pa rin tong kaibigan ko kahit na minsan mas lamang yung bardagulan sa relasyon namin dalawa.

"Let's go! Mikhs. Ikaw muna jowabels ko ngayon" Todo ngiting usap niya habang palabas kami ng bahay nila at parang unggoy na agad na pumulupot sa bisig ko.

"Yuck! Kay Aiah lang ako no" Kunwaring nandidiring usap ko sa kaniya.

"Oh eh nasaan ang Aiah mo?" Pataray na tanong niya tsaka pumasok sa kotse ko. Nasaan na nga ba?

Pagpasok ko naman ng kotse ay agad niya naalala ang gamot ko kaya pinainom na muna niya sa akin yon bago kami tuluyan makaalis. Nang nasa kalagitnaan na kami ng daan ay bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Jhoana.

"Ay wow! Buti ka pa tinawagan" Inis na sabi pa ni Stacey ng makitang tumatawag si Jhoana sa cellphone. Natawa na lang naman ako at hinayaan siyang sagutin niya iyon.

"Oh anong problema mo?" Bungad niya kay Jhoana, napailing na lang naman ako at nagfocus na sa pagdadrive. Saglit pa silang nag usap hanggang sa niloudspeaker na iyon ni Stacey at bahagyang nilapit iyon sa akin.

"Bro, nakausap mo na ba si Aiah?" Tanong niya

"Hindi pa, bakit?" Takang tanong ko habang focus pa rin sa pagdadrive.

"Nakapasa siya sa exam ah, pinakita sa akin yung results nung isang nurse rito sa hospital kasi pasado rin yung kapatid niya" Usap pa ni Jhoana.

"Alam mo, wala kaming maintindihan sa sinasabi mo, anong exam at anong pasado?" Nauubusan ng pasensya na usap ni Stacey sa kaniyang nobya. Konti ano parang laging mag aaway talaga tong dalawang 'to buti tumagal sa isa't isa tong mga tukmol na 'to.

"Hindi ba nabanggit niya sa atin na baka mag take na siya ng exam para maging ganap na Civil Engr para maging engineer na rin siya kasama ni Gelo sa Canada. Don't tell me, hindi mo alam 'to Mikha?" Takang tanong pa niya sa akin.

"Alam kong binalak niya yon pero hindi ko alam na itutuloy niya yon" Sagot ko. Nilayo naman na sa akin ni Stacey ang cellphone ko at siya na ang kumausap kay Jhoana.

Pagdating namin sa mall ay agad na nagshopping si Stacey ng mga gusto niyang bilhin habang ako naman ay tinext nang tinext si Aiah para icongratulate. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba talaga dapat ang maramdaman ko. Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa at maging proud sa kaniya dahil napasa niya ang exam o dapat ba akong malungkot at matakot dahil baka mas piliin niyang iwan ako at sumama na lang kay Gelo.

"Talaga bang may girlfriend ka pa?" Biglang tanong ni Stacey habang namimili ng damit.

"Stacey naman" Mahinahon na saway ko sa kaniya.

"May issue sa mga piloto ang pamilya ni Aiah. Alam mo naman yung sitwasyon, hindi ba?" Tanong ko sa kaniya, nakangiti naman siyang pilit na tumango

"Oo, alam mo rin naman yung totoong sitwasyon, na hindi naman talaga pinagbawalan ng kuya ni Aiah si Aiah na makipagkita at makipag usap sayo, di ba?" Seryosong usap niya. "Alam kong narinig mo rin yung pag uusap ni Ate Maloi at ng kuya ni Aiah sa telepono ng makipagkita tayo kay Ate Maloi sa bar ni Kuya Jl" Dagdag pa niya habang patuloy na namimili ng damit.

"So, anong point ng pagpapaka tanga mo at pagpapanggap mo na tungkol pa rin to sa isyu ng pamilya nila Aiah? Na kung habang naghihintay ka, inaayos na niya ang lahat para umalis at iwan ka para sumama sa iba" Iritang tanong niya sa akin. Hindi naman ako agad na nakasagot.

"Ah basta, sa dalawang sitwasyon na meron ka, piliin mo pa rin ingatan ang puso mo dahil yung isa, literal na maari mong ikamatay at yung isa, maaaring maging dahilan ulit ng pagkamatay ng buong pagkatao mo" Usap niya at inalisan na ang mga damit na kanina pa niya hinahalungkat atsaka huminga ng malalim.

"Tinamad na ako, libre na lang kitang ice cream" Dagdag pa niya, napailing na lang naman ako at sumunod na sa kaniya. Alam kong hindi talaga siya tinatamad mag shopping, nakaugalian na lang talaga namin na magkayayaan mag ice cream kapag alam namin na may isa sa amin na hindi okay, hindi lang talaga namin inaamin yon sa isa't isa, nakasanayan na lang namin dalawa.

"Stacey. Mahal ko si Aiah, sobra, kaya kung ano man maging desisyon niya, susuportahan ko siya" Nakangiting usap ko kay Stacey habang kumakain ng Ice Cream

"Paano kung gusto niyang tapusin na lang kung anong meron sa inyo?" Seryosong tanong niya, napangiti na lang naman ako at napailing.

"Tatapusin agad? Hindi ba pwedeng pag usapan na muna namin kung anong nangyari at subukan na muna namin ipaglaban?" Natatawang sagot ko.

"Sana parehas kayo ng naiisip, Mikha, sana lang talaga" Usap niya at kumain na lang ng Ice Cream.

Sana nga.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon