Under the Moonlight

9 2 0
                                    

Napakaganda talaga ng buwan. Lalo na pag may iniinom kang hot chocolate at nasa labas ka ng balcony para magpahangin.

Tumingin ako sa mesa at nakita ang mga libro ko para sa pag-aaral ko.


Napahinga na lamang ako ng malalim sapagkat, hell day ko na naman bukas.




Don't worry, loisa. You can do it.

Pagkausap ko sa aking sarili.



Hay. Hanggang imagine na lamang ako. Kailan ko kaya mararamdaman ang totoong kalayaan? Yung bang, walang nagdidikta sayo kung, ano ang mga dapat at kailangan mong gawin. Yung malaya ka, at masaya.



Napatingin nalang ulit ako sa bintana ko, kung saan, kitang-kita ko ang liwanag ng buong buwan.



Hindi ko namalayang napatagal na pala ang titig ko roon, hanggang sa may kumalabit na lamang saakin.



"Loisa, loisa." Pagtawag ng isang boses sa pangalan ko.


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at nakita ang kasambahay naming si Manang Joy.

Ngumiti ito sa akin ng marahan, at hinawakan ang balikat ko.


"Bakit po?" Nagtatakang tanong ko at tiningnan sya. Hindi pa ganon kamulat ang mga mata ko, dahil inaantok na ako.

"Si Gaun, kanina pa sya naghihintay sa labas. Babain mona." Aniya at nginitian ulit ako, bago ako alalayan tumayo.


Nagtataka man ay sumunod parin ako.

Pero, bat nandito yun? Gabing-gabi na ah. Paano kaya yun nakalusot? Ang alam ko kase ay hindi sya pinapayagan lumabas ng gabi. Sobrang istrikto pa naman ng mga magulang nun.


Nang makalabas saaking kuwarto, ay hinarap ako ni Manang Joy, at tinignan ako ng diretso sa mata.

Napakunot naman ang noo ko sa uri ng titig nya. May dumi ba ako sa mukha?

"Loisa, makinig ka." Aniya at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.


"Po?" Nagtatakang tanong ko. Tiningnan ko rin sya pabalik, pero seryoso talaga ang kanyang mga mata.



"Pakawalan mo na sya, iha." Aniya at nginitian ako nang malamlam.



Mas lalo naman napakunot ang noo ko, pero hindi na lang ako nagsalita. Manang Joy is so weird today.



Patuloy lang nya ako inakay hanggang da makababa kami da hagdan at makapunta sa sala. At tama nga. Naghihintay sakin si Gaun sa sala at may dala pa syang isang tangkay ng sunflower.



Nang makita nya kaming papalapit ay tumayo sya at ngumiti saakin ng masigla. Ngumiti rin ako pabalik bilang pagbati.



"Oh, maiwan ko muna kayo." Rinig kong paalam ni Manang Joy at umalis na.


Tiningnan ko ang bulaklak na hawak nya at tsaka ibinalik ang tingin sa kanya.




"Bakit andito ka, ha?" Nagtatakang tanong ko. Nakatayo lang kami sa pagitan ng isa't-isa at walang nagtatakang lumapit.



Mas lumapad naman ang ngiti nya at nilapitan ako ng dahan-dahan.


"Gusto ko sanang yayain ka nang date." Aniya.



Date? Why now? Gabi pa ah. At tsaka, san naman kami pupunta nang ganitong oras?


Nang makalapit sya saakin ay hinawakan nya ako ang kamay ko at ibinigay ang sunflower na dala nya.


That little OneWhere stories live. Discover now