Fell out love

4 2 1
                                    

"I love you." He whispered. And I smiled.

"I love you too." I answered back.

He leaned at me closer until her reach my lips and kiss me gently.

He grab my hand so that he could touch it. Hanggang sa humiwalay sya saakin habol-habol ang hininga nya.

"You're blushing, Kenna." He said and then chuckled.

Nahihiyang nagbaba naman ako nanv tingin at napahawak sa pisngi ko. Ganun ba talaga ako karupok sa kanya para mag-blush agad? Gosh! Where in relationship for more than a decade now, ngayon pa talaga ako nahiya? Well, old habits die hard.


"Sorry naman, nasanay lang." Wika ko at umiwas nang tingin sa kanya.

Narinig ko naman syang tumawa. Naramdaman kong binitawan nya ang kamay ko, kaya nilingon ko sya.

Nakita kong lumapit na naman sya saakin, tsaka humiga sa may hita ko.



Nakaupo kami ngayon sa salas. Katatapos lang naming kumain, pero tingnan mo nga naman at nakahilata lang kaminv dalawa. Parang walang planong gawin.

Narinig ko syang tumikhim, kaya napatingin ako sa kanya.

Nakita ko syang matiim na nakatingin saakin, habang malamlam ang mga mata.


"Hmm.. anong iniisip mo?" Malambing na tanong ko rito. Inangat ko ang mga kamay ko, at dahan-dahang himimas ang buhok nya.


"Nothing. I'm just thinking about our future." Wika nya.

Dahil dun ay napangiti naman ako. Eversince that we've been together, he's always bringing up the topic about our future. Kung ano ang mangyayari saamin, kung yung mga panahon na yun ay may pamilya na ba daw kami.



"Ano naman ngayon ang iniisip mo tungkol sa future natin?" Nakangiting tanong ko.


Siya naman ngayon ang napangiti. Agad kong nakita ang mapuputi nyang ngipin. Naging singkit rin ang mga mata nya.



"Napag-isipisip ko lang. Na kung darating ang panahon na, stable na tayong dalawa, pwede na tayong bumuo nang pamilya." Wika nya.

Dahil dun ay mas lalo namang lumawak ang ngiti ko.

Sa aming dalawa ay sya talaga ang pinaka-consistent. Sya rin ang palaging humihingi nang sorry pag nagaaway kami, kahit ako pa man ang may kasalanan. Lagi nya akong inaalala, at pinaalahanan. Dahil alam nya naman ang estado ko sa buhay.



Nung bata pa ako ay naghiwalay ang mga magulang ko. Dahil sa cheating. Kaya ayaw na ayaw ko ng cheating, at alam yun ni Mark.

Nung una nya akong niligawan, syempre umayaw ako. Dahil ang priority ko nung mga panahong yun ay pag-aaral at pag-aaral lang. Pero hindi sya tumigil. Naging mag-kaibigan kami pagkatapos, and after 2 years, sinagot ko sya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ko nakita ang saya sa mukha nya nung mga panahon na iyon. Sobrang saya nya. At nararamdaman ko iyon.


At ngayon, we're already graduating at college. Simula junior high ko, hanggang ngayon, ay mag-kasama parin kaming dalawa. Hindi namin iniwan ang isa't-isa. Ang pangako nyang ako lang, ay tinupad nya. Hanggang nga sa sya na mismo ang nag-paplano sa future naming dalawa, kung tapos na naming natupad ang mga pangarap namin.




Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa hita ko at lumapit saakin. Umupo sya sa tabi ko, at kinuha ang ulo ko para ipatong sa balikat nya. Ang kamay nya naman ay nasa likuran ko para alalayan ako.



That little OneWhere stories live. Discover now