Goodbye, my friend. My love.

3 0 0
                                    

Naiinis akong yumuko para kuhanin ang ballpen sa ilalim ng upuan ko. Ano ba yan. Ilang oras na, pero hindi parin kami pinapauwi! Bibisitahin kopa si Request mamaya eh.

"Class dismiss, goodbye class." Napaangat ang tingin ko nang marinig ang kanina ko pang hinihintay na paalam.

Nang makaalis si Ma'am Gonzales, ay agad na akong tumayo. Pero nung kukuhanin ko na sana ang bag ko ay hindi ko ito makuha.

Inis ko itong tiningnan, at nakitang nakatali ito sa bag nang katabi ko.

Agad akong tumingin sa paligid ko at nagsalita.

"Sino na naman bang nagtali sa bag ko ha?!" Naiiinis na sigaw ko.

"Si Dominick! Nakita ko kanina!" Sigaw ng kaklase kong si Gigi.

"Dominick!" Tawag ko rito. Gigil kong hinanap sya sa buong classroom, pero nakita ko na syang tumatakbo palabas para takasan ako.

"Bwiset talaga kahit kailan yung kalbong yon'." Naiinis na nakasimangot na saad ko.

Narinig ko namang tumawa si Mae.

"May buhok naman ang baby loves kono! Yung sayo nga, madaming tubo sa mukha eh!" Asar nya saakin.

Sinamaan ko naman sya nang tingin.

"Kaya nga nasa hospital diba? Dimo gets?" Sagot ko naman rito.

Ngumisi naman sya saakin at umayos nang upo.

"Sus, bibisitahin mo lang sa hospital si lover boy eh!" Pambibintang nya. Ako naman ang napangisi.

"Lover boy, ko!" Wika ko sa kanya.

Inirapan nya nalang ako.

"Oh siya, siya. Puntahan mona si Request. Paniguradong hinihintay ka na naman non." Aniya at itinaboy ako gamit ang mga kamay niya.

Natawa nalang ako dahil sa kalokohan nya. Kahit kailan talaga. Tumatakbong lumabas ako sa classroom at agad na nakita si Merry. Kapatid ni Request.

"Merry!" Tawag ko rito. Agad naman itong lumingon. May kinakausap kase sya sa telepono, mukhang distracted nga kanina nung nakita ko eh.

Naglakad ako papalapit sa kanya. Habang sya ay nanlalaki ang matang natingnan ako.

"G-gen." Medyo utal nyang sagot saakin nang makalapit ako sa kanya

Napakunot naman ang noo ko. Bakit parang kabado to'?

"May problema ba, Merry? Balit parang gulat na gulat ka?" Nagtatakang tanong ko rito.

Ang nagulat nyang mukha ay napalitan ng ngiti. Inilagay nya muna sa bulsa nya ang cellphone, at kumawit sa braso ko.

"Wala naman. Tumawag lang si Mommy kanina. Hinahanap ka daw ni Kuya Request." Wika nya. Binangga nya ang balikat ko at nginisihan ako. Napangisi rin ako dahil dun.

Si Merry ay kapatid ni Request. Senior high na ako, habang si Request ay hindi na nag-aral, tatlong taon na ang nakalipas. May sakit si Request na brain tumor. Chordoma to be exact. Sabi nang doctor, parang napakaimposibleng magkaroon sya namg ganitong klase ng cancer, dahil most of cancer patients na may ganitong kondisyon ay ang mga edad 50 to 60.

Sabi nila, maaring namana ito. Kung ganun ang dahilan, siguro nga. Dahil si Lola Beth- lola ni Request ay may ganoon ring sakit.

May tiwala naman ako kay Request. Makakaya nyang lagpasan ang sakit na yun'. Matatag syang tao, at matapang sya.

Nakalabas na kami nang gate. Hinanap ng mata ko ang sasakyan nila Merry.

Oo, sa sasakyan nila ako papasakay papunta sa hospital. Magkakilala ang mga pamilya namin. At mas lalo pang naging close nang malaman nilang boyfriend kona si Request. He is my childhood bestfriend, and now, my Lover.

That little OneWhere stories live. Discover now