Chapter 7

41 4 0
                                    

Nami pov:

 "Oh my ghod! May test nga pala kami sa math!" sigaw ko saka pabalikwas na bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama.
Kailangan kong makapasa dun dahil kung hindi mapaparusahan na ako ng lec. namin sa math dahil palagi na lang akong bagsak sa subject nya.

   Pero kanino naman ako magpapaturo? Kay bryan kaya? tsk...hindi ko nga pala nakuha ang number nya tsaka di ko naman alam ang bahay nya. Di rin naman sya pwedeng pumunta dito dahil baka impes na maturuan nya ako ay maging referee lang ako pag nagkita sila ni Nine. Alam ko naman kasing hindi sila magkasundo, tinginan pa lang nila kapag nagsasalubong sa hallway nakakamatay na. Paano pa kaya kung pumunta pa sya dito? Baka magbugbugan lang sila ni Nine.

Hayst! Math is one of  my weaknesses talaga. Bakit ba kasi hindi man lang ako naambunan ng konting talino sa math? Kahit konting konti lang talaga.
Buti pa ang batugan kong boss, halimaw sa math eh-wait! Tama! Bakit ko ba nalimutan yun? Best in math nga pala sya kaya pwede naman siguro akong magpaturo sa kanya.

Mabilis akong lumabas ng kwarto, oh wait yung notebook at ballpen ko pa pala. Bumalik ulit ako sa kwarto ko at kinuha ang gamit ko saka nagtungo sa itaas kung nasaan ang kwarto ni Nine. Halos magkatapat lang naman ang room namin, nasa taas sya tapos may hagdan pababa tapos yun kwarto ko na sa dulo ng hagdan sa gilid.

  Nang makarating ako sa tapat ng kwarto nya ay basta na lang akong pumasok naabutan ko naman syang nagpapalit ng pang itaas na damit. Napalunok ako nakakapaglaway yung pandesal sa harap ko ngayon. Oh my gash, abs is waving at me.

"Hoyy babae hindi ka ba marunong kumatok?" kunot noong tanong nya.

"A-ahh eh...k-knock, knock?" patanong na saad ko saka kumatok sa hangin.

"Tsk!" asik nya saka naupo sa gilid ng kama tapos na syang magbihis. Sayang yung abs gusto ko pa makita eh amph.

"Ano bang kailangan mo? Gabi na nang iistorbo ka pa?"

    Bakit parang mas gumwapo sya sa suot nyang v neck shirt at....

"Sabi ko naman kasi sayo, kuhanan mo na lang ako ng picture."

"Psh! Kung ano anong sinasabi mo, may kailangan ako kaya ako nandito."

"Obvious! Ano ba iyun?"

"Ahm m-mag ano...ahm..."

      Teka nga bakit di ko masabi?

"Ano?"

"Ahm m-magpapaturo ako sa math."

"Math?"

"Oumm...e kasi nga diba may test tayo doon bukas?"

"Tsk sa--"

"Sige na please! Please! Ngayon lang naman ako humingi ng pabor sayo eh. Kaya sige na, please?! Gwapo ka naman eh, saka paano na lang kapag bumagsak ulit ako sa math? Siguradong sira na kinabukasan ko tapos madedepress na ako tapos oh my ghod! Baka mamatay ako, huhuuu!Konsensya mo yun kapag nangyari yun."

   Napapantastikuhan naman nya akong tiningnan, Omo! Naaawa na ba sya sakin? effective ba?

"Tsk! Ang OA mo."

"Eii.... seryoso ako. Bahala ka talaga pag ako---"

"Tsk, fine!"

"Ano? Sinabi mo bang "fine"?"

"Yeah!"

"Talaga?"

"Pero madaling magbago isip ko."

"Hehe sabi ko nga turuan mo na ako." Sabi ko saka mabilis na sumampa sa kama nya.

"Ah-Nine may libro ka ba ng math? Kasi--"

"Nasa harap mo na."

"Ayy oo nga pala!  *kamot ulo*  so....pwede na tayong magsimula?"

Sandali nya akong tinginan pero nag iwas din. Ano na namang problema nya? Nagulat na lamang ako ng hinagisan nya ako ng jacket sa mukha. Arayy naman! Kailangan talaga sa mukha ko itapon?

"Aray! Bakit ba nambabato ka ng jacket dyan huh? Ikaw ba si kuya Will, huh? Kainis to--"

"Doblehin mo nga 'yang s-suot mo?"

  Huh? Ano bang mali sa suo--oh god! stupid Nami. Nakalimutan kong mgasuot ng bra hindi ko napansin na nakasando at pants lang ako, matutulog na  kasi dapat ako nang bigla na lang pumasok sa utak ang letcheng math nayan.

"B-Bakit di mo agad, s-sinabi?" nahihiyang saad ko saka mabilis na sinuot ang jacket na binigay nya.

         

***

"Hoyy babe, nakikinig ka ba?"

"Saan galing 'yang necklace mo? Bakit ganyan ang pendant nya? Hindi ba dapat arrow ang nakatarak sa puso? Bakit rose ang sa'yo?"

"Ewan ko, si mommy ang nagpadesign ng pendant nito kaya nag iisa lang ang necklace na ito sa mundo."

"Ang weird ng pendant."

"Anong weird dito? Teka nga? Iniiba mo ang usapan eh, hindi ganyan ang pagcompute nyan. Mali ka na naman."

"Hayst, bakit ba kasi ang hirap n'yan."

"Hindi yan mahirap, kailangan mo lang kasing magfocus at isaisip ang ginagawa mo. Ganito ang tamang computation nito, tumingin ka ipapaliwanag ko ulit sayo."

"Na naman?"

"Makinig ka kasi."

                   -11:30 pm-

*Yawn*

"Ganito ang tamang pattern. Makinig ka, hoyy! Hoyy!!"

"Oo, nakikinig ak--   *yawn*   -o."  huling nasabi ko saka bumagsak sa malabot nyang kama.

Nine pov:

"Hoyy! Hoyy babae! Bumalik ka doon sa kwarto mo wag ka dito matulog."

"Hmm....goodnight!"

"Goodnig-- Ano ba? Gumising ka dyan babae! Nilalabag mo na ang utos ko ngayon?"

    Pero wala na akong ibang narinig kundi ang malakas nyang hilik tsk! Aalis na sana ako ng may humila sa laylayan ng damit ko. Nilingon ko sya ang himbing ng tulog.

"Dito ka lang. Huwag kang umalis."

   Tsh, nagsasalita ng tulog? Inalis ko na lamang ang salamin nya sa kanyang mata at inilapag sa bedside table. Inipit ko na din ang konting hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nya, kahit hindi sya mag-ayos alam kong maganda sya. Sandali akong tumitig sa maamo nyang mukha at wala sa sariling nilapatan sya ng halik sa noo.

"Goodnight Nami."

   May kakaiba akong naramdaman matapos ko 'yung gawin, parang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ganito din ang naramdaman ko nung aksidente ko syang mahalikan sa kitchen. Ngunit, sinawalang bahala ko na lamang iyun at nagtungo sa library, secret library.

    Naglakad ako pababa ng hagdan at namili ng libro sa bookshelves saka nagtungo sa table kung saan nakapatong sa ibabaw noon ang isang glass vase na may lamang isang pulang rosas.

  Naagaw ang pansin ko sa dalawang petals nito na nasa ibaba at naging kulay brown na. Those petals begin to fall when I am inlove. Yun ang ibig sabihin kapag unti-unti nang malagas ang petals nito. Pinakiramdaman ko ang puso ko, ganun pa din malakas parin ang pintig nya.

"Am I already inlove?" tanong ko sa sarili at di ko alam bigla na lang pumasok sa isip ko si Nami

"With her?"

  Is that the reason why I'm always pissed off when I saw her with bryan? And felt happy when she's with me?

   Funny. Hindi ko alam na love na pala yun, ganito pala yun.

Every minutes, hours and days that she's with me, I just found myself falling for her withot knowing.

Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon