Chapter 8

47 4 0
                                    

Stacey pov:

   Papunta ako sa kusina nang marinig kong nag usap-usap ang mga impaktang katulong dito.

"Kaya nga. Curious din ako kung bakit bigla na lang napalayas ang dating mayordoma dito eh."

"Napalayas? Akala ko ba kusang umalis?"

"Napalayas sya, may isa daw kasing lugar dito sa mansion na restricted, kahit sina ma'am and sir hindi pa nararating 'yun."

"Ano namang yun?"

"Library. Ang library ni Young master. Pinagbabawalang pumasok ang kahit sino doon maliban kay young master."

"Talaga? Bakit naman daw?"

"Tsaka sino namang nagsabi sayo nyan?"

"Ayy ano ka ba, close ko ang dating mayordoma dito bago sya umalis binalaan nya akong huwag pupunta doon. Sinasabi ko ito sa inyo para aware kayo. Delikado ang lugar na iyun. Ang sabi pa nya may halimaw daw na nagtatago sa loob ng library na iyun, kaibigan yata ni young master at sobra daw nakakatakot ang itsura, pumapatay ng tao at muntik na daw syang atakihin nun pero buti na lamang at nakatakas sya kaya lang kinabukasan pinalayas na sya."

"Naku! Nakakabahala pala pumasok doon."

"Mabuti na lamang at sinabi mo."

"Hoyy! Anong pinagtsitsismisan nyo dyan? Ang aga aga nag-umpukan kayo? Ano tapos na ba ang mga trabaho nyo?" biglang dumating ang epal na mayordoma.

Singit lagi sa eksena, sabay ikot ng kanyang mata. Psh.

"Sorry po!"

"Magsikilos na nga kayo!!"

"Y-yes po!"

   Library?

"Ikaw! Ano pang tinatayo tayo mo dyan?" angil sa akin ng mayordoma ng makita nya ako.

"Tsk!" asik ko at nilampasan sya.

"Aba't bastos tong batang to ah!" dinig nyang saad nito.

   Binuksan ko ang malaking gate saka lumabas upang itapon ang plastik bag na puno ng basura.

  What if si Nami ang papuntahin ko doon sa library ni Nine? I just wanna know if she can get out of the library, alive.  *evil smile*

***

Matapos kong maitapon ang basura, naglakad na ako pabalik ng mansion pero hindi pa ako nakakalayo nang may tumawag saking isang lalaki, nakahood sya na black.

"Ako ba ang sinisitsitan mo?" taas kilay kong tanong habang papalapit sa kanya.

"Oo ikaw nga. What's your name?"

"Stacey, bakit? Ikaw sino ka ba?"

Inalis nya ang hood at ngumiti sakin, hmm ...good looking huh!? But  Nine is more handsome than him.

"Pwede ba kitang makausap?"

    Ngumiti ako ng malapad.

"Sure, why not?" malanding tugon ko saka sumunod sa kanya.

"Sa kotse ko tayo mag usap."

 

***

"Ano bang pag usapan natin?"

"You know what? Hindi ka naman mukhang mahirap sa ganda mong yan hindi bagay sayo ang maid outfit."

"Alam ko. Ano ba talagang gusto mong pag usapan?"

"I just wanna know, kung dito nakatira si Nine Montefalco."

"Yup, Why?"

"I just wanna surprise him"

Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon