Nami pov:
"Nami! Nami! Hoyyy!!"
"Oh yumi! Good morning!" bati ko.
Back to school na ulit.
"Naglakad ka lang ba?" tanong nya.
"Ah, hindi! Nagtaxi ako."
"Bakit? Nasaan ang batugan mong amo?"
"Hindi sya pumasok ngayon."
"Bakit daw?"
"May problema yata, kagabi ko pa sya hindi nakikita eh."
"Sya nga pala bes. Tutal wala naman yung boss mo sama ka sakin mamaya."
"Huh? Saan naman?"
"Sa bahay. Magcecelebrate tayo."
"Celebrate? Ng ano?"
"Bes! Nakalimutan mo na ba? Birthday ko ngayon. Ano ka ba?"
"Ah-oo nga pala hehe! Happy Birthday, Yumi!"
"You're welcome!" ngiting ngiting sabi nya na may pa bow pa.
"Para kang sira!"
*Beep, beep*
"Ayyy! Ano ba yan!" sigaw ni yumi, kamuntikan na kasi syang mabunggo ng kulay asul na Lamborghini.
Tumigil ito sa gilid namin.
"Hoyy, hoyy bumaba ka riyan! Hoy!" sigaw ni yumi saka kinatok ng kinatok ang bintana ng sasakyan.
Nasa parking lot kami.
Bumaba naman yung lalaking nakasakay dun at etong si yumi natulala bigla nang makita ang may ari ng sasakyan. Tumingin sya saming dalawa ni yumi at nung magtama ang paningin namin bigla itong ngumiti."Hindi ka ba nasaktan Ms.? Sorry huh?" sabi nya sakin.
Bakit ako ang kinakausap nito? Si yumi yung muntik nanyang masagasaan tapos sakin sya magsosorry?
"Ayos lang ako pero 'yung kaibigan ko-----"
"Wow, huh?! Ako yung muntik mo ng mapatay hindi ka man lang ba magsosorry sakin? Ayos ka rin ano?" reklamo ni yumi.
"Sorry ok?" sabi nya lang saka ngumiti ulit sakin at tuluyan ng umalis.
Ano bang sininghot nun? Tuff?
"Hayst! Gwapo sana pero suplado! tsk, tsk!"
"Yaan mo na'yun, tara na."
"Oh ano bes? Sama ka sakin mamaya huh?!"
"Hmm...pwede bang next time nalang? Sorry bes huh? May gagawin pa kasi ako mamaya eh, importante baka pagalitan ako nina madame pag----"
"Hay ano ba yan, first time ko yatang magbibirthday ng di ka kasama."
"Sorry talaga bes! Bawi ako next time, promise yan."
Kailangan ko talaga makausap si nine, aalamin ko kung anong nangyari."Sige na nga pero babawi ka ah sabi mo yan!"
"Oo, promise! Cross my heart!"
"Sira! Cross my heart ka dyan, tara na nga."
***
Pagpasok ko sa class room, nakita ko si nine na tahimik lang habang nakaupo at nakatanaw sa labas. Akala ko ba Hindi sya papasok?
"Akala ko hindi ka papasok?"
Pero hindi nya ako sinagot ni hindi man lang sya tumingin sakin. Ano bang problema nya? Bakit ang cold nya yata?
BINABASA MO ANG
Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)
VampirosInside the book her unexpected fairytale begin.