Nami pov:
Hindi ako umuwi ng mansion sa loob ng dalawang araw sa apartment ako ni yumi nanatili. Sobrang naaawa ako sa kanya, ni wala ni isang kamag anak ang kumuha sa bangkay nya kaya crenimate na lang ang katawan nya.
Sinubukan kong magreport sa police pero pinagkamalan lang nila akong nasisiraan ng bait hindi sila naniniwalang bampira ang gumawa nun sa kanya. May ebidensya namang nagpapatunay na totoong sinasabi ko dahil walang dugo ang katawan nya at ang dalawang bakas ng fangs sa leeg nya pero para silang bingi at bulag ang masaklap pa ay walang CCTV sa lugar."Kung ayaw nila saking maniwala, ako ang magbibigay ng hustisya para sayo Yumi." saad ko habang hawak ang jar kung saan nakalagay ang abo nya.
Mugto pa din ang mata ko sa magdamag na pag iyak. Dahan dahan kong ibinuhos ang abo sa tubig ng Mazon River. My tears starting to fall again.
Sa mundong ito, sya lamang ang nagturing sa'kin na parang kapatid, sya lamang ang nagmahal at nagpahalaga sakin. Nagparealize sakin na sa kabila ng paghihirap at pag-iisa masaya pa ding mabuhay. Si yumi lang ang nag-iisang kaibigan ko na totoo."Bes, mamimiss kita ng sobra. *sob* Paano na ngayong wala ka na? Sino ng magbubunganga sakin kapag nagiging pasaway ako? Sino ang tatawa kapag kumakanta ako tapos wala pa sa tono *sob* w-wala ng magpapalakas ng loo ko k-kapag nakaramdam ako ng p-pagsuko. S-Sino na lang ang dadamay sakin kapag malungkot ako? Sino na lang ang kasama kong maggala at maglunch?" humihikbi pa ding saad ko.
Bakit sa dinami ng tao, ikaw pa ang nawala sakin?
Napatigil ako sa pagpupunas ng luha gamit ang aking kamay nang may magbigay sakin ng panyo. Agad akong napatingin sa nagbigay nun."B-Bryan."
"Eto ang gamitin mo."
"S-Salamat."
Kinuha ko ang panyo.
Nadinig ko ang pagbuntong hininga nya habang nakapamulsa at nakatuon sa tubig ang tingin.
"Napapakabait ni Yumi. Hindi ko akalaing mawawala sya ng ganun na lang. Hindi na natin sya makakasama." Bakas ang lungkot sa boses nya.
*Sniff*
"Hindi ko alam kung bakit sa kanya pa nangyari ito. A-Alam mo hindi dapat sya namatay eh! H-Hindi dapat!"
Tumingin sya sakin.
"Sya lang ang kaibigang meron ako, sya lang ang nagparamdam sakin na hindi ako mag isa. H-Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon,wala na sya!Bakit ganun? Bakit palaging kinukuha ang mga taong importante sakin?
Ganito din ang nangyari sakin sa totoong mundo, namatay sa sunog ang parents ko tapos nilayuan na ako ng mga kaibigan ko. Ayoko ng makaramdam na mag-isa, mahirap.
"Ayoko ng makaramdam na mag-isa ulit ako. Ayoko ng mag-isa Bryan dahil...hindi ko na kaya."
"Shhhh!! Hindi ka mag isa. A-Andito pa ako." sabi nya at yinakap ako.
"Nine! Nine!" tawag ko pero walang sumagot kaya pumasok na ako sa kwarto nya habang mahigpit na hawak ang kwintas.
Pagpasok ko hindi ko pa din sya nakita. Gusto kong malaman ang totoo. Dahil hangga't maaari ayokong paniwalaan ang tumatakbo sa isip ko.
"Nine!"
Wala na sya,baka nasa school na sya. Palabas na ako nang muntik pa akong madulas dahil may nayapakan akong damit, pinulot ko ito. Kay Nine ito,
ito yung suot nya nung nasa library kami.Puno ito ng mantsa ng dugo. Nanginig ang kamay ko habang mahigpit na kapit ang tshirt na puno ng natuyong dugo.
"H-Hindi. Hindi pwedeng sya." Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na maaaring sya 'yun. Pero nasa harap ko na ang katotohanan, ang kwintas at ito. Malinaw na sya ang may gawa ng lahat.
BINABASA MO ANG
Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)
VampirosInside the book her unexpected fairytale begin.