Chapter 15

42 5 0
                                    

Nine pov:

     Tatlong linggo na ang nakalipas, hindi na kami nagkakausap ni Nami wala ng pansinan kahit nasa iisang bahay lang kami. Sya padin naman ang PM ko pero hindi na sya tulad ng dati.

        
                  

***

"1 more." saad ko sa bartender.

      Sinalinan nya ulit ako ng hard drink at nilagok ko naman ito. Ganun lang ang ginagawa ko nang maramdaman kong may tumabi sakin.

"Ano namang ginagawa mo dito, Mr. Montefalco?" tanong ni Sabrina.

"Drowning myself in alcohol?" sagot ko at naglagay ulit ng alak.

"May problema? Vodka ang sakin." baling nya sa bartender saka muling tumingin sakin.

"Hindi ka naman dating ganyan. I'm sure may problema ka. Dahil ba yan sa pagkamatay nina master?"

"No."

"Kung ganun eh, bakit ka naglalasing?"

     Hindi ko sya sinagot sa halip ay straight na ininom ang laman ng shot glass.

"Let me guess, yung personal maid mo ano?"

  *Silence*

"Tsk! Ang laki talaga ng tama mo doon no?"

   Alam nya ang tungkol doon, dahil kaibigan ko sya at isa rin syang vampire.

"I miss her! I really miss her!"

"I know! You look like hell!"

     Umiling ako. At muling uminom.

"Hindi ko alam na ganito pala kasakit at kahirap ang hindi sya makausap at iwasan ako ay sobrang sakit sakin na para akong pinapatay. Mahirap palang mawala ang mga bagay na kinasanayan mo na."

"Bakit kasi ang complicated ng love eh!Alam mo yan ang dahilan kung bakit ayokong magmahal."

"Sya nga pala, ayoko sanang basagin ang pag eemote mo dyan may dapat ka pang problemahin at involved dito ang babaeng 'yun."

"What do you mean?"

"Malapit na ang blood moon, I'm sure na kumikilos na si Supremo para makuha sayo ang trono."

"Tsk! He's really obsessed to get the throne huh?"

"Nung bumisita ako sa HA may naramdaman akong kakaiba."

    Sumeryoso ang tingin ko sa kanya.

"What is it?"

"Nine! Hindi lang ikaw ang bampira sa campus nyo."

   Kumunot ang noo ko, kung ganon may iba pa? Pero sino? Anong kinalaman ni nami sa balitang dala nya? Kung ano man 'yun alam kong hindi maganda.

"You need to get away from him! He's a dangerous man." sabay lapag ng isang litrato sa table.

      Nabigla ako ng makilala ang taong tinutukoy nya.

"Sya si Bryan Martinez, ang ikalawang kapatid ni Supremo. Napag-alaman ko na malapit sya sa maid mo, siguradong gagamitin nila si nami laban sa'yo. Kumikilos na sila Nine kailangan natin sialng maunahan bago pa may mapahamak."

    Nabasag ang basong hawak ko. Bakit hindi ko agad nalaman to? Bakit hindi ko agad naramdaman na may kakaiba sa gagong yan bukod sa paging epal nya? Kaya pala una pa lang hindi ko na gusto ang gagong 'yun

Kung ganon nasa panganib si Nami.

Agad akong tumayo at mabilis na tinahak ang daan palabas ng bar nadinig ko pang tinawag ako ni Sabrina pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa.

Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon