Chapter 16

37 4 0
                                    

Nami pov:

After what happened 3 weeks ago, everything's going back to normal.

"Ehem! Can I sit here?"

Umangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harap ko, may dala syang libro at nakaeyeglasses. Nerd sya pero hindi maipagkakailang gwapo sya.

"Uhm-----" sasagot pa lamang sana ako pero naputol ang sasabihin ko.

"No! Get your own chair! That's mine!" sabat ni Nine mula sa likod ni Mr. Nerd.

Kumunot ang aking noo nang makita ang itsura nya. Bukas lang naman ang polo nya tapos yung necktie hindi nakaayos at magulo pa ang buhok.

"Saan ka naman nagsuot at ganyan ang itsura mo?"

"Wala kasi akong magawa sa Detention Room tapos ang init init pa."

Nakalimutan ko, na-detention nga pala sya kanina. Eh paano ba naman agang aga kung ano anong pinaggagawa sa buhok ko. Kahit nagdidiscuss ang professor namin naramdaman ko nalang na tinanggal nya ang puyod ko at sinuklay saka trying hard na tinitirintas, tsh! Hindi naman sya marunong ginulo lang ang buhok ko pero natuwa ako sa ginawa nya, ehh?
Kinilig pala hehe..tapos tinanong ko sya kanina kung bakit nya yun ginagawa, alam nyo kung ano sinagot nya?

-Flashback-

"So...we need to blah..bla..blah..blah..blah..." yung prof. namin yan di ko naiintindihan yung sinasabi nya dahil kay Nine, kung ano anong ginagawa nya sa buhok ko, since nasa likuran ko naman sya nakapwesto.

"Uyy ano bang ginagawa mo? Bakit mo ginugulo yung buhok ko?" bulong ko.

"Tsh! Hindi ko ginugulo tinitirintas ko."

"Ehh? Marunong ka?"

"Hindi!"

"Edi ginugulo mo nga lang yan, nakapusod na eh. Ano pagpaparaktisan mo yan?"

"Hays! Tumahimik ka lang dyan, ako bahala dito."

Trying hard talaga syang itirintas ang buhok ko.

"Ano na? Tapos na ba?"

"Hindi pa."

"Bat ang tagal naman? Baka mahuli tayo ng prof. natin."

"Hayst! Mali pa din?" saad nya saka nilugay ulit yung buhok ko.

"Mas maganda ka kapag walang makapal na salamin at nakalugay ang buhok, mas gusto ko." dagdag pa nya.

Eh? enebe nemen...nekekeleg ekesh!

"Bakit mo ba kasi ginagawa yan?"

"Gusto ko, saka nabasa ko sa facebook mas gusto daw ng mga babae na ginaganito nung mga lalaki yung buhok nila "

Ayssttt!! Nabuhay yung paruparu sa tyan ko...

"Mr. Montefalco! Kanina pa kita tinatawag pero di ka nakikinig! Kaya naman pala busy ka dyan. Go to detention room! Ang aga aga nanlalandi!" sabat ni prof.

Bitter si prof. yaan na.

-End of flashback-

Hayst! Ang bitter naman talaga nya. Inggit yata. Prof. hanap din kasi ikaw, chorr..
So ayon, naiwang nakalugay ang aking buhok.

"Ayusin mo nga yung polo mo saka 'yang buhok mo!"

Hindi sya umimik sa halip ay lumapit sya sakin. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ano? Ang sabi ko ayusi-----"

"Ikaw na lang."

Napatanga ako sa sinabi nya.

Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon