-Realidad-
"Ms.! Ms.! Gising bawal matulog dito sa gilid ng kalsada."
Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sakin ang dalawang tanod na mukhang nagroronda dito sa lugar.
Teka? Asan na ba ako?
"Ms.! Mabuti pa umuwi ka na. Hindi ka pwedeng matulog dito delikado."
"H-Huh?"
"Hindi mo ba nababalitaan ang mga nangyayaring krimen dito sa Black Owl's Village tuwing ganitong oras?" Tanong ulit sakin nung tanod.
Black Owl's Village? O.O Nasa village na ako?
"Kung hindi ka pa uuwi ay dadalhin ka namin sa presinto."
"A-ah hindi na po! P-Pasensya na, u-uwi na ako sa apartment ko!
p-pasensya na.""O sige, delikadong tumambay dito sa labas kapag dis oras na ng gabi."
"O-Opo."
"O sya sige, alis na kami. Umuwi ka na." Saad nung dalawang tanod saka umalis.
Umalingawngaw ang tunog ng sasakyan ng mga police na rumuronda dito sa buong village.
Nakabalik na ako. Nasa realidad na ako p-pero si Nine. Hindi ko sya pwedeng iwan doon. Nagbagsakan na naman ang mga luha ko.
"Nine."
Kailangang makita ko yung libro. Yun lang ang paraan para makabalik ako.
Hinanap ko ang libro kung saan ko ito unang nakita. Nasan na yun?Magpakita ka sakin, kailangan kong bumalik sa mundong yun please magpakita ka sakin.
***
Nanghihinang napaupo ako at napaiyak. Hindi na ako makakabalik. Hindi ko na sya makikita.
Ang damit na suot ko at iyun paring suot ko nang galing ako sa trabaho ko bago ako makapasok sa loob ng libro. Ang bilog na buwan at ang ilaw na aandap andap sa kabilang poste ang nagsilbing liwanag ko sa gitna ng kadiliman nitong lugar. Isang oras pa lamang ang nakakalipas mula ng higupin ako ng libro, mabilis lumipas ang araw at oras doon.
-Apartment-
Tulala ako habang nakaupo sa couch. Hindi iyun panaginip lahat ng nangyari ay naranasan ko. Dahil hanggang dito ay ramdam ko ang sakit at lungkot.
Lungkot kasi hindi ko na magagawang bumalik sa mundong iyun at sakit dahil nagmahal ako ng isang nilalang na sa libro lang nag eexist at kahit anong gawin ko, hindi sya magiging totoo.
***
Erouna pov:
Tulala ako habang pinapanood ang mabilis na paggalaw ng mga pahina ng libro sa harap ko. Simula ng bumalik dito si efvouna galing sa Black Owl's Village ay nagsimula ng gumalaw ng kusa ang bawat pahina nitong libro at unti unti na ding may lumilitaw na mga sulat sa kanina' y blangko nitong papel.
"Efvouna! Kailan ba ito titigil sa paggalaw ng kusa?" tanong ko sa kapatid ko na abalang binabasa ang book of spells.
"Don't be noisy ate. Hindi ako makapagfocused sa ginagawa ko."
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Malapit na tayong bumalik sa witch world. Ghod! I really miss Imang. I can't wait to go back to our world." saad ko.
Imang is our grandmother.
She closed the book she read before facing me.
"Sana bago tayo umalis ay mawala na ang sumpa kay prince caige."
BINABASA MO ANG
Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)
VampirosInside the book her unexpected fairytale begin.