Chapter 19

34 3 0
                                    

Maycee pov:

-8 years later-

"Uyy maycee, best seller ang libro mo ngayon ah, congrats gurl!" bati sakin ni bria.

"Thanks!"

"Btw... Nabasa ko yung isa mong kwento na malapit ng ipublish."

Tumigil ako sa ginagawa ko nang maalala ko iyon. Oh that!

"Ang saklap naman ng ending nun, 'yun ang pinakamalungkot ang ending sa lahat ng isinulat mo. Maycee? Hoyy gurl ok lang?"

Ikinaway nya ang palad sa harap ko, kaya natigil ako sa pag iisip at napatingin sa kanya.

"Ah-huh?!"

"Ang sabi ko kung hindi na ba talaga magkikita si nine at nami? Wala na bang book 2 iyun huh?"

"Bria....hindi lahat ng kwento may happy ending, karamihan talaga ay puro sad ending tingnan mo yung saming dalawa ni chase, sad ending diba?" biglang sabat ni gina na kababagong dating lang.

Si chase ang bf nya pero makalipas ang limang taon nilang relasyon ay nakipaghiwalay ito sa kanya.

"Hayst! Bitter ka lang gina."

"Mas ok ng maging bitter kesa umasang babalikan ka pa ni kiru." saad naman ni gina.

"Babalik si Kiru, hindi sya katulad ng chase na yun na manloloko!" sabay walk out ni bria.

"Tsk! It's almost 3 years since kiru left hanggang ngayon umaasa pa rin syang babalik sya? Psh! Ni wala nga silang communication, hay ewan pa sa isang yun, masyadong mahal na mahal si kiru eh mukhang penerahan lang sya nung gunggong na yun! Nagbubulag bulagan na lang, tsh!"

*Bzzt..Bzzt..*

Kinuha ko ang aking cellphone nang magvibrate ito.

"Hello? I'm fine...hindi...sige ok lang."

Binaba ko ang cellphone matapos ang tawag saka inayos ang aking gamit.

"Si vince yun tama?" tanong ni gina, tumango lang ako.

"Matagal na syang nanliligaw sayo. Hindi mo pa rin ba sya sinasagot?" tanong nya.

"Hindi pa."

"Bakit naman? Alam mo ang swerte mo sa kanya, wala ka ng mahahanap na ibang lalaking katulad nya sa panahon ngayon. Mabait sya, maalalahanin, maalaga, maunawain at higit sa lahat mapagmahal kaya nga lang mama's boy pero oks lang, kasi mabait din naman ang mommy nya. Tapos gwapo pa sya, oh ano pang hahanapin mo sa kanya, wala na diba? Complete package! Napakaperfect!"

"Gina, walang perfect na tao, ok?"

"Yeah! I know pero .....hindi ka ba naaawa sa kanya? I mean--Hindi mo ba naapreciate lahat ng effort nya?"

"Of course I appreciate it pero kung sasagutin ko sya dahil lang sa naaawa ako sa kanya, hindi ba parang ang unfair naman nun? Hindi 'yun matatawag na pagmamahal."

"Edi mahalin mo sya."

"Hindi natuturuan ang puso gina. Sya lang ang magdedesisyon kung sinong mamahalin mo at kung sinong hindi. At kapag tumibok na ito para sa isang tao wala ka ng magagawa kung hindi sundin ang isinisigaw nito."

"Hayst! Ewan ko sayo maycee, wag mong sabihing may hinihintay ka din na dumating tulad ni Bria? Sino namang ex mo na 'yan?"

"Hindi ko sya ex."

"Eh ano boyfriend? Pero matagal ng hindi nagpaparamdam sayo? Ano ginhost ka ganun? Yung mga ganyang klase ng lalaki malamang may iba na iyan o di kaya nakalimutan ka na nya."

Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon