Nang nasa mall kami ay halos mangislap ang mga mata ko...
Kuha lang ako ng kuha ng mga damit at sapatos etc habang si Carl ay nakasunod lang sakin habang naka pamulsa, ang cool nya tingnan kaya pati mga babae sa paligid ay nakatingin sa kanya.
"Paki hawak." sabay bigay ko sa kanya nung mga damit na isusukat ko.
Pumasok na ako sa dressing room at inisa isang isukat ang mga damit. Pero sa dinami dami ng mga damit ay wala syang nagustuhan.
"Sobrang ikli. Palitan mo." Pinagtatawanan na ako dito. Kainis naman eh.
"Wag na nga tayong mamili naiinis na ako eh" aalis na sana ako ng hawakan nya ang braso ko.
"Magpapalit ka ba o ako na mismo ang magbibihis sayo?" Nag-init ang mukha ko sa sinabi nya.
Napabalik tuloy ako sa dressing room. Kayo ba naman ang sabihan nun? Di kayo matatakot?
Nang nakapili na ako ng damit na maayos na daw sabi nya ay umalis na kami.
Nasa company na kami ngayon kung Saan nagtatrabaho si Carl.
"You will be my secretary kapag nandito tayo." Sabi nya ng makaupo sya.
Tinuro nya sa akin ang mga gagawin ko at kung saan ako pupwesto.
Nandito ako ngayon sa labas ng office nya. Sisimulan ko na sana ang trabaho ko ng biglang may lumapit sa akin.
"Hi. Bago ka dito?" Sabi nung girl at nginitian ako.
"Ahmm yeah." Nakipag kamay sya sa akin at pati narin yung baklang kasama nya.
"Hay naku girl, buti naman at nakapasok ka kaagad. Ang hirap kayang mag apply sa company na ito." Maarting sabi nung bakla "Mga highclass yung tao dito" bulong nya sakin kaya napangiti ako. "bye the way. I'm Nikko, sa gabi nikka. At itong pangit na babae na katabi ko ay si Janine." Binatukan naman sya ni Janine at inabot ang kamay para makipag kamay sakin.
Nakakatuwa silang kausap kasi puro asaran at sabunutan ang ginagawa nila.
"lunch break na pala." Tinitingna ang relo nya "gusto mo bang sasabay sa amin mag lunch?" Tanong sakin ni Janine.
Magsasalita na sana ako ng biglang nag ring ang landline kaya sinagot ko muna ito.
(Dalhin mo dito yung pinapagawa ko sayo kanina!) Sigaw nya mula sa kabilang Linya.
"Ahm......kasi boss di ko pa natatapos eh."
(I will give you 10 minutes to finish that!!!)