Imelda POV
Nauna nang pumasok si Ferdinand sa kwarto
Pagkatapos naming magligpit ni Mama Josefa sa kusina ay dumiretso ito sa sala para makipaglaro sa mga bata
"Ano po ang plano bukas mama? Baka ay may handaan din doon pagkatapos?" tanong ko kay mama
"Yun nga din, nakalimutan ko na may handaan din pala bukas. Siya, iimbatihin ko nalang ang aking mga amiga. Tawagin mo nga sila Donya Vicenta o di kaya sila Y/N para bukas" sagot nito at patuloy nang inasikaso ang mga bata kaya umakyat na ako't pumasok na din sa kwarto
Wala si Ferdinand dito sa loob. Baka nasa banyo kaya ginamit ko muna ang telepono at tinawagan na rin si Y/N
*ring*
"Hello?" boses ng isang babae
"Y/N! Magandang gabi.." sabi ko pero pinutol ako nito
"Imelda, si Rosa ito"
"Ay, Rosa pasensya ka na. Andiyan ba si Y/N?" tanong ko sa kaniya pero bago pa siya makasagot ay may sumigaw na lalake na parang nasa likuran lang ni Rosa
"Congrats Luis!!! Sa wakas ay mababakod mo na si Y/N" at may tawanan sa likod
"Pasensya ka na Imelda, si Pacifico iyon" paumanhin ni Rosa
"Naku okay lang, bakit? Anong meron?" tanong ko
"Engaged na si Luis at Y/N, bago lang" sagot nito. Naku, malaking balita ito
"Wow! Congrats, mabuti naman!" sabi ko nang may narinig akong sumira ang puminta. Lumingon ako at lumabas na pala si Ferdinand sa banyo
"Anong congrats? Anong meron?" tanong ni Ferdinand pero hindi ko siya pinansin kasi nasa telepono pa ako
"Sige, ganon ba? Pakisabi nalang na imbitado kayo bukas sa inauguration ni Ferdinand. Sabihin na rin daw ninyo sila Donya Vicenta. Sige bye!" sabi ko at binababa na ang telepono
Lumingon ako kay Ferdinand na tumataas ang kilay
"Ay sorry sweetheart hahaha pero engaged na daw sina Luis at Y/N" sabi ko at nagulat ito
"Talaga? Congrats nga" sagot nito at nagbihis na din ito para matulog
"Goodnight sweetheart" sabi nito at hinalikan na ako
"Goodnight, my Ferdinand"
-
Gumising na kami kina umagahan at dali-daling naghanda kasi malayo pa ang byahe patungo sa Maynila
"You look so beautiful, darling. Mukhang masusundan si Irene nito mamaya ah?" biro ni Ferdinand at kinurot ko tagiliran nito
"Baliw ka talaga Macoy, kung ano ano nanamang pinagsasabi mo" sabi ko
"Teka, saan na ba ang mga bata?" dagdag ko. Mukhang nasa loob pa ata ah
"Imee! Lumabas na kayo diyan. Where is Bongbong?"sigaw ko
"Tumatae pa mommy!" sigaw pabalik ni Imee. Naku talaga itong mga batang ito kung kalian aalis doon pa magbabawas
Ilang mga minuto ay lumabas na din sila at kami'y bumyahe na
-
Pagdating namin ay napakaraming tao
"Are you ready, sweetheart?" tanong sa akin ni Ferdinand. Ba't ako tinatanong nito? Hindi naman ako ang mag-ooath taking
"Okay lang sweetheart. Ikaw? Ready ka na ba?" sabay kong ngiti
"With you, I am" sagot nito at hinalikan ako sa pisngi
"Let's go" sabi ni mama Josefa at umakyat na kami sa stage. Maraming kumukuha ng litrato kaya ngiti lang din kami ng ngiti kasama ang mga bata at si mama. Pumwesto na din kami sa taas kasama si Ferdinand
"I, Ferdinand E. Marcos of Batac, Province of Ilocos Norte have been elected and proclaimed as the president of the Philippines, do hereby solemnly swear that I will faithfully fulfil the duties of the President of the Philippines..."
Matapos ay kaming lahat na ay nagpalakpakan
Tapos na ang lahat at nagparada kami patungo na sa Malacanang
Kasama ang mga bata at si mama ay pumasok na kami sa loob
Maraming ganap pa ang nangyari bago kami kumain sa handaan
Ang rami ding mga malalaking pangalan sa larangan ng politika dito. Pinakilala ako dito ni Ferdinand at nakipagkwentuhan na din sa iba. Sa mabuting may nakikilala akong mga bagong tao ay naghahanap pa rin ako ng pamilyar na mga mga mukha kaya naman ay lumapit ako kay Ferdinand
"Sweetheart, andito ba sila Y/N?" tanong ko kaya pumalibot din siya sa tingin
"Hindi ko nakita eh, ipapaalam ko sa iyo kapag nakita ko sila pero nakita ko si Pacifico doon" sagot nito kaya pumunta na ako kay Paco
"Imelda! Ang ganda mo ngayon!" bati ni Paco sabay halik sa aking pisngi
"Naku salamat" sagot ko lamang dito at nagkuwentuhan na kami.
Sa buong araw, naramdaman ko yung pagod kaya pag-uwi ay naligo na ako at dumiretso nang natulog pati narin si mama at ang mga bata. Nagpaiwan na si Ferdinand doon dahil matatagalan pa siya. Ginusto ko naman din umuwi una para na din mapatulog na ang mga bata kasi bukas ay mag-aayos na kami ng aming mga kagamitan para lumipat sa Malacanang
Ito na ang simula ng aming bagong buhay