Summer's Heartbreak 1

1 0 0
                                    

"Ate Summer tanghali na!!! Gising"

Napadilat siya bigla sa paraan ng paggising sa kanya ng nakakabatang kapatid na si Spring na halos gibain na nito ang kama ng umamba ito doon ng bigla.

"Spring ano baaa!! Sabado ngayon at nakasampong studyante ako sa gymn kahapon kaya pwedi ba magpatulog ka"

"Gumising ka na kasi, may sasabihin ako sayo"

Agad siyang tumalukbo pabalik sa  ilalim ng makapal niyang kumot at pinilit na inignora ang kapatid na ayaw tumigil sa kakakulit sa kanya.

"Ate importante to, kailangan nating mag-usap"

"Spring kung ano man yang importanteng sasabihin mo sa akin sabihin mo na ngayon din kasi iniistorbo mo ang pagtulog ko, it's just 8AM for petes sake"

She usually works at night online and running her boxing gym in the afternoon kaya dapat ay hindi siya iniistorbo ng kanyang nakakabatang kapatid.

"Kailangan kitang kausapin ng harap-harapan kasi--- hindi ko na alam ang gagawin ko"

Napailing iling na muna siya bago bumangon at nakapikit matang hinarap ang kapatid.

"Siguraduhin mo lang na mahalaga tong sasabihin mo kung hindi naku.. talagang papa----"

Natigilan siya ng iabot nito sa kanya ang tatlong pregnancy test, kunot noo naman niya iyong tinanggap at nakita niya lahat ang  resulta doon ay iisa POSITIVE. Kunot noo siyang nag-angat ng mukha.

"Saan mo to nakuha? Kanino bang----"

"Sa akin lahat yan, ate buntis ako"

ATEEEE BUNTIS AKOOOOO!

The words echoed at the back of her mind repeatedly, at bahagya siyang natigilan, hindi siya nakapagsalita at blangkong tinitigan ang kapatid na napaka-excited at malapad na nakangiti sa kanyang harapan habang pareho silang nakaupo sa kanyang kama. Hindi siya makapaniwala, her 22 years old sister is pregnant? Wala itong boyfriend pero bakit? Sino? At kailan nangyari ang kahindik hindik na eksena? Hinintay niyang dugtongan ito ng kapatid niya ng "it's a prank" but she never did. Ilang segundo pa ng katahimikan saka lang nag-sink in ang mga bagay bagay sa kanyang isipan kumbaga A few moments later pa...

"Oh god!!!! Ginising mo ako para lang i-prank? this is so lame and childish bahala ka sa buhay mo matutulog na ako"

Akmang babalik na sana siya paghiga ng makita niya ang malapad na ngiti ng kanyang kapatid, yung abot tainga na ngiti at kumikislap ang mga mata nitong tumango sa kanya. She was caught in awe, she have never seen her sister this happy and her eyes was glittering with tears. Wait, saglit! Bakit ito naluluha? Is this for real?

"Buntis ako Ate, 4 weeks"

"Whaaaaaat? What the fuck Spring!! Oh my god.. you are just 22 years old, alam na ba ni papa? ni Kuya Adam?"

Agad siyang napatayo at hinawakan ang kapatid sa dalawang braso.

"Hindi, hindi ko alam paano sasabihin kay papa for sure magagalit sila ni kuya Adam sa akin, pwedi kayang after graduation nalang? 3 weeks nalang naman ang hihintayin ko Ate eh"

"The heck.. nag-aalala kang magagalit sila aba, syempre magagalit sila pati ako galit na galit pero anong magagawa ko nandiyan na iyang pamangkin ko, blessing din yan kaya susuportahan kita diyan"

"I know you would say that kaya nga ikaw ang una kong sinabihan alam kong hindi mo ako huhusgahan"

Agad niyang sinapak ang balikat at mga malakas na kinurot ang tagiliran nito.

"Aray, aray ate.. masakit!"

"Masakit talagang malandi kang babae ka, sino ang damuhong lalaki na iyan at nagpatuhog ka agad, nagpabuntis ka pa talaga ha.."

Summer's HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon