Sabog na sabog ang pakiramdam ko nang magising ako sa isang kwartong puro puti ang nakikita ko. Akala ko noong una ay nasa langit na ako pero nang makita ko ang IVF na nakakabit sa akin ay napagtanto kong buhay na buhay pa ako.
Tangina! Hindi ako natuluyan! Akala ko mamamatay na ako dahil iba na talaga ang pakiramdam ko bago man ako mawalan ng malay.
Hindi ako sigurado kung anong oras na dahil hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog. Dumako ang paningin ko sa dalawang lalaking nakatagilid sa gawi ko. They were talking about something, maybe about my condition.
Nakaswero ang kaliwang kamay ko. Nanatili naman akong nakahiga sa hospital bed habang pinagmamasdan si Kael na kinakausap ng doctor. Hindi ko gaanong marinig kung ano ang pinag-uusapan nila dahil halos pabulong lang sila mag-usap.
Kagigising ko pa lang but I am fully aware that I am in a hospital. Registered Nurse in the making ba naman ako tas hindi ako magiging pamilyar ni sa amoy ng lugar na 'to? At hindi na ako nagulat na dito ako bumagsak lalo na at aware ako kung paano ako nagpakalasing kagabi.
Tumingin sa gawi ko si Kael. Nang makita niya akong gising na ay agad niya itong sinabi sa doctor na kausap niya. Lumapit ang doctor sa akin, ganoon din siya pero nasa bandang paanan ko lang siya. Nakamasid lang sa akin at parang nakakapaso ang uri ng titig niya. Parang handa na niya akong gisahin kung wala lang dito ang doctor.
"How are you feeling, Giana?" the Doctor asked. I knew him. Dito ako nagdu-duty e. Pero tingin ko'y hindi niya ako kilala dahil hindi pa ako naa-assign sa Emergency Room.
Sinabi ko iyong totoong nararamdaman ko sa doctor. It's a must for a better diagnosis. At para alam nila kung ano ang dapat gawin at ibigay sa pasyente.
"I am still out of my system, Doc. Tyaka nahihilo pa rin po ako," magalang na sagot ko.
"Malamang. You drink a lot just in case you forgot," Kael butted in. He looked really mad. If his stares could throw daggers, kanina pa ako nagkagutay-gutay dito.
I could even hear rage in his voice. Tiklop na tiklop ako. Nakakahiya ako. Nakita niya kung gaano ako kalasing at siya pa ang nagdala sa akin dito sa hospital. Although hindi na malinaw sa akin ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay, malinaw sa alaala kong si Kael ang huling nakita ko no'ng gabing iyon.
"You were not poisoned by the excessive alcohol you drunk, but you must be careful. You were still almost poisoned. You're still lucky you did not. Tyaka you are over fatigue and malnourished. Kailangan mong kumaing mabuti at huwag kang masyadong magpapakapagod. I already told Kael of the things you need. Kaya pagka-ubos ng laman ng swero mo, pwede ka ng madischarge," patuloy noong doctor bago nagpaalam at lumabas ng kwarto.
Hindi ako nakatingin kay Kael though I could feel his dark and hot stares towards me. He was not saying anything, but his stares really say something else.
Iritado siya sa akin. Obvious naman. At hindi ko alam kung paano paaamuhin ang isang iritadong Kael. Kahit hindi nga siya iritado ay hindi ko siya mapaamo, paano pa ngayong iritado talaga siya? At sa akin pa!
"A-ano palang ginagawa mo sa club kanina? I-I mean... paano mo nalamang nandoon ako?" di ko napigilang tanong. At tyaka hindi ako sanay sa katahimikan. Para akong mababaliw. Okay na sa aking ako ang bumasag sa katahimikan kahit pa non-sense naman iyong sasabihin ko.
"Yesterday, Gianna. It's already Sunday," he answered coldly.
Ah okay. Hindi pa pala nakapag-move on ang utak ko sa araw ng Sabado. Ngumisi na lang ako sa kanya bilang tugon. Napailing siya bago namulsa.
Namayani ang ilang segundong katahimikan. Nag-iisip ako ng sasabihin sa kanya dahil ayoko talaga ng awkward silence. Pero iyong nasaksihan ko noong nagdaang gabi ang pumasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Even If It Hurts (Completed)
Любовные романыGianna Saroza Salazar receives all the love she needs from the people around her, most especially from her mamita. She feels that she already has everything that she needs. That is why she made it her personal vow to love the people around her, espe...