Ang Delingkuwente

1.6K 51 2
                                    

Ang Delingkuwente

ckaichen

                “'Yan kasi hirap sa ibang tao, e. Nag kakalat ng k'wento na hindi naman talaga nila alam ang pinagmulan.”

 --

                “I like you.” Napanganga ako sa sinabi ni Lourd. Gad. Ako ba talaga kausap nito? Luminga ako sa paligid. Wala namang ibang tao. “Take your time, Shin. I’m willing to wait.” Napataas ang kilay ko nang iwan niya ako.

                “Si Lourd ba talaga ‘yun?” ang na tanong ko na lang sa sarili ko.

                Lourd Monreal said that he  likes me? Ha-ha-ha! Napagtrip-an niya  lang siguro ako. Oo trip lang talaga siguro ako no’n! Gad. Hindi ko maimagine na si Lourd Ang Delingkuwente sasabihin sa 'kin 'yun? Ha-ha-ha! Hindi talaga!

                “Bakit na iiling-iling ka d’yan? Baliw na ang peg, 'te?” Tinignan ko si Lucas. He’s my best friend and despite sa kaguwapuhan niya he happened to be a gay. “Seriously, Shin? Ano ba 'yan?” Sinenyasan ko siyang lumapit sa 'kin.

                “Si Lourd sinabi na gusto niya daw ako,” bulong ko sa kanya. Agad kong tinakpan ang bibig niya no’ng akmang titili siya. “Baklang 'to. 'Wag kang mag iskandalo!”

                “'Te seryoso? Si Lourd talaga? Gad! Kinikilig ako!” Pinalo ko siya sa braso.

                “Ang harot ha?” Na patingin ako sa pinto ng  room. Nakatingin din sa 'kin si Lourd na papasok ng room.

E, bakit siya nakatingin sa 'kin?

                “Ay 'te, wagi ang eye contact! Saan ka pa?!” Umiwas na ako nang tingin at pinalo na lang sa braso si Lucas.

                “Nako, trip lang ako n’yan. Tss. Pati, kung seryoso man siya hindi ko siya papatulan, 'no. Wala namang alam gawin 'yan kung hindi mag kipag bugbugan,” sabi ko sabay irap.

                “Pero aminin mo 'te kahit gano’n wagi pa din ang kaguwapuhan niya.” Pasimple kong sinilip si Lourd na nakikipag usap na ngayon sa mga kaklase ko na ‘super fan’ niya daw. “Oh 'di ba? Tignan mo naman para siyang hari na napapalibutan ng mga hampaslupa niyang mga alipin. Ang chachaka ng mga 'to kung makadikit parang mga linta,” tinignan niya ko, “Payag kang gan’yan, 'te?” Tinawanan ko siya.

                “Baliw ka na. As if naman seryoso talaga 'yang kumag na 'yan. Tumigil ka na d’yan ha? Last mo na 'yan.” Tinapik tapik ko pa 'yung pisngi niya para bang sinasabi na ‘matauhan ka na’.

                Inaayos ko na 'yung gamit ko ng may biglang lumapit sa 'kin. Napataas 'yung kilay ko nang nakita kong si Lourd pala. 'Pag hindi ko naman siguro siya pinansin aalis siya, 'no? Tinuloy ko na lang ang pag-aayos ng gamit ko. Umupo siya sa katabi kong upuan. Sinabayan ko naman nang tayo. Tumayo rin siya. Naglakad ako palabas ng room, sumunod siya. Hinarap ko na.

                “E, ano ba’ng problema mo?” mataray ko na ka’gad na tanong. Nginitian niya lang ako. Gad. This is the first time I saw him smile! Guwapo nga talaga siya. Umiwas ako nang tingin at nag patuloy na lang sa pag lalakad. “Susundan mo na lang ba talaga ako? Nakakaasiwa ka na.” Pinag titinginan kasi kami ng lahat nang na dadaanan namin.

                “Ihahatid kita pauwi.” Huminto ako at tinignan siya. Nakangiti lang ulit siya. Ano ba’ng problema nito?

                “Susunduin ako ng kuya ko.”

Ang DelingkuwenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon