xxxvi: Good news, we both lost

4.6K 115 52
                                    

Dustin’s POV

“...and this time, I’ll make things right.”

And I’m dead serious about that. Paninindigan ko ang sinabi ko kay Denise. Gusto ko ng mabalik ang lahat sa dati.

Yung dati na nag-aasaran kami.

Yung dating walang ilangan.

Yung nagbibiruan tapos sa huli mapipikon siya.

Nakakamiss kaya yung mga ganun. Lalo na’t sa babae pang mahalaga para sayo.

Oo na sige na.

Mahalaga sakin si Denise.

Kasi.....

Kasi asawa ko siya. Odiba?

Pero seryoso, kulang pa yung paghingi ko ng sorry sa kanya. Gusto kong marealize nya na I really want to change. Nang dahil sa kanya nagiging bagong Dustin ako at nawala yung gagong Dustin dati.

Denise changed everything.

That’s why she means a lot to me.

Kinuha ko yung cellphone na nasa bag ko at dali daling nagdial ng number.

“Hello...?”

Mejo inaantok pa yung boses niya.

“Hello Toffer! Pare patulong naman oh. May gusto sana akong gawin bukas... pwede ka ba sa plano ko?”

Narinig ko namang humikab muna sa kabilang linya si Toffer bago ako sinagot. 11pm na nga pala, nambulabog pa kasi ako. pero kelangan ko lang talaga siya ngayon, siya lang naman maaasahan ko pagdating dito eh.

Pero bago ang lahat, gusto ko lang sabihin na matagal na kaming magkaibigan ni Toffer. Naging mag-schoolmate kami nung elementary ako. di man kami naging magkaklase, naging magkaibigan naman kami.

“Ano nanaman yan? Dust pare, kung kalokohan lang yan wag mo na akong idamay. College na magbago ka na!” eh gago pala to eh.

“Gago ka Toffer! Ikaw na nga lang maaasahan ko dito tatanggihan mo pa ako! Asar! Um-oo ka na lang pwede?!” mejo napapasigaw na ako pero pinipigilan ko parin baka kasi magising si Denise.

“Ganda ng pananalita mo pare ah! Putris ano ba kasing kelangan mo sakin?! Ganun ba ako kaperpekto at kailangan mo ako sa oras na to?Pare iba na yan...”

Natawa na lang ako sa huling sinabi niya pero pinalampas ko na lang atsaka sinabi na sa kanya lahat ng plano ko para bukas.

“SERYOSO DUST?! Sabi na nga ba eh!! Napansin ko na yan dati pa eh. Legit pala pare! Congrats!”

“Shut up! Para kang babaeng kinikilig dyan, kadiri. Oh ano pwede ka na?!”

“Oo sige ba! Yun lang pala eh. Kaso magpupuyat pa ata ako para dyan sa plano mong yan....”

Napangiti nanaman ako dahil napilit ko na si Toffer. Maswerte din pala ako sa mga nagiging kaibigan ko. Ang laki din ng naitutulong nila, hehehe.

“Oh sige pre, aasahan ko yan ah? Salamat!” tapos binaba ko na yung phone.

Hindi parin talaga maalis sa mukha ko yung ngiti. Pero naisip ko na lang bigla na madaling araw na pala. Delikado baka late pa akong magising, masira pa yung planong naisip ko...

Denise’s POV

“Denise, I want to start all over again.... gusto kong i-clear lahat ng naging misunderstandings natin.... I want to be a better husband..... hindi lang ako kinasal sayo para sa makukuhang pera. Since I committed myself to you, I should be responsible for everything..... nagaway pa tayo dahil lang sa ibang tao. And for doubting you.... I’m very very sorry.....”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Seatmate My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon