Chapter Two

3.3K 71 1
                                    

PAGKATAPOS ni Dannah, lutuin ang request ni Mitch na white sauce para sa cabunara.Kaagad siya pumunta ng bathroom para makaligo na ng sa ganun ay makapag bihis na siya at makapunta na sa pinagtatrabahuan .Pagkatapos niya na mag bihis at gawin ang ginagawa ng isang babae na ritwal sa katawan ay kaagad na siya lumabas ng kanyang kuwarto.Ng lumabas na siya sa kuwarto ,nakita niya si Mitch na nasa sala at tila sadya siya nitong inaabangan.

" Best, agahan mo ang pag-uwi mamaya,"sabi ni Mitch.Nang makalapit na siya rito.

" Susubukan ko best,"aniya.

" Huwag mo subukan, gagawin mo. Kapag hindi ka umuwi ng maaga, talagang magtatampo na ako sa'yo."

"May ipakilala ako sa'yo mamaya," dagdag pa nito.

" Sino na naman 'yan?"

" Basta, umuwi ka ng maaga mamaya.Para naman ng magka lovelife ka uli.Tuluyan mo nang makalimutan si Edward."

Buhat sa narinig niya mula rito kay Mitch.Bigla siyang nakaramdam nang pagka-inis rito sa bestfriend niya.

" Best, ilang beses ko na ba sinabi sa'yo? huwag na huwag mo nang banggitin ang pangalan ng hayop na 'yon," anya na bigla na lang uminit ang ulo na pakiramdam niya ay umakyat ang lahat na dugo sa ulo niya.She's still in processing of moving on after what Edward did na panloloko sa kanya nito.But heto ipinaalaala muli ni Mitch.

" Kung puwide lang, ito na ang kahuli-hulihang pagkakataon na babanggitin mo ang pangalan ng hayop na iyon.Don't never and ever mentioned that stupid name,"

" Sorry, best. I though na naka pag-move on ka na sa kanya, hindi ko akalain na ganun pa rin ang impact sa'yo kapag naririnig mo pa rin ang pangalan niya.But you know mas mabuti pang palayain mo na ang galit na naramdaman mo sa kanya, ikaw lang din ang nahihirapan,"mahabang sabi ni Mitch.She knows na nasasaktan nang labis si Dannah sa ginawa ni Edward na panloloko at pinaasa sa wala.

"Sorry din best, nabigla lang ako.Alam mo naman na hanggang maaari ayoko na makabalita na tungkol sa kanya at mas lalo't ayoko na marinig kahit pangalan niya,"

" Okay, lang, ako naman ang may kasalanan.Basta maaga kang uuwi mamaya.Guwapo 'yong ipakilala ko sa'yo."

" I'll try, okay," anya.Nag paalam na siya rito kay Mitch.
Habang nasa bayahe siya ay muling nanariwa sa mga alaala ni Dannah ang mga nangyari tungkol sa nakaraan nila ni Edward.

Crush ni Dannah si Edward simula noong high school pa lang siya.First year high school ng naramdaman ang paghanga niya para kay Edward.Hindi magiging kumpleto ang buong maghapon kapag hindi niya masilayan si Edward.Natapos ang pantasya niya sa binata ng mag transfer siya ng ibang iskuwelahan. Nasa college na siya ay lumuwas na ng Maynila at sa fairvew niya na pinagpatuloy ang pag-aaral sa koliheyo.Sa hindi inaasahan ay nagkikita muli sila ni Edward.Dahil sa classmate ni Edward ang Tito ni Dannah , noong high school sila.Naging malapit na magkaibigan sina Dannah at Edward.Lingid sa kaalaman ni Edward na may paghanga si Dannah sa kanya.Will the feelings was mutual niligawan niya si Dannah at naging sila.Tumagal ang relasyon nila kahit na harap-harapan na inaayawan ng mama ni Edward si Dannah.Pinaglalaban parin siya nito.Dahil ang reason ng binata ay nagmamahalan silang dalawa, saka silang dalawa naman ang magpapakasal at magsasama.Hindi ang nanay nito ang pakisamahan niya.

Wala na si Dannah maiihiling pa sa relasyon nila ni Edward.Edward is almost perfect boyfriend to her.Isang mapagmahal na boyfriend at alagang-alaga siya nito sa tuwing sila ay magkasama.Nakabuo nang mga pangarap sa kinabukasan ng magiging pamilya nila in future.Naka plano na rin sila mag papakasal pagkatapos ng dalawang taon.Minsan nga nasabi na ni Edward sa kanya na magsasama na lang sila sa iisang bahay dahil kaya naman daw nito buhayin siya.Sa edad na disey-otso ay wala pa sa isip niya ang mag-aasawa kaya hindi si Dannah pumayag sa kagustuhan ni Edward na magsasama.

Take Me To Your Heart by: Ashlie DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon