Dedicated to five_senses sorry kung ganto lang. :D nakamobile kasi eh. :)
Drinking, smoking and sometimes taking drugs that was my life is. Since this girl came and leave me.
"Dude! Ang boring dito sa bahay nyo! Wala bang magagawa dito?" Sabi ni Miggy sakin na halatang naboboring na sa bahay.
Nagulat nalang kami ng may bigla kaming narinig na nahulog. Pinuntahan namin iyon at nakita namin si John.
"Bro, Ano to?" Tanong sakin ni John.
"Ah. Yan ang board ng Spirit of the glass. Tara laruin natin since wala naman tayong ginagawa dito." Sabi ko sa kanila at pumayag naman sila.Inayos na namin ang board at naghanda na kami para laruin.
"Espiritu, espiritu, naririnig mo ba kami? Kung naririnig mo kami galawin mo ang baso na nasa board." Seryosong sabi ni John.
Bigla namang gumalaw ang baso.
"Okay. Babae ka ba?" Tanong naman ni Miggy.Dinagukan ko naman sya agad.
"Dude! Masakit yun ah. Bakit ba?" Iritadong tanong sakin ni Miggy.
"Paano naman kasi dude! Espiritu na yan! May balak ka pa bang patusin yan?" Tanong ko sa kanya.Napatigil kami sa paguusap ng biglang gumalaw ang baso at pumunta ito sa 'yes'
"Ow. Bro! Babae! Anong pangalan mo?" Tanong ulit ni Miggy.
Agad naman itong gumalaw. Unang pumunta ang baso sa letter 'Z' sumunod naman sa 'Y' pumunta naman sa 'R' at natigil sa letter 'A'
"Ah! So your name is Zyra?" Tanong ni John.
Pumunta ang baso sa 'yes'
Zyra. Parang pamilyar sakin ang pangalan nya. Parang nakilala ko na sya.
Bigla namang lumakas ang ihip ng hangin. Tumaob lahat ng picture frame at pumunta ang mesa sa amin. Agad namang tumakbo ang dalawa kong kaibigan papunta sa labas ng bahay namin at umuwi na.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin ako tumatakbo. Tila naestatwa na ako sa kinalalagyan ko. Alam ko namang natatakot na ako pero hindi parin talaga ako umaalis."Kumusta ka na?" Sabi nung boses babae at parang lumakas ang ihip ng hangin sa batok ko.
"Tignan mo naman ako." Sabi ulit nung babae na nasa batok ko. Bawat salitang binibitawan ng babae ay kinikilabutan ako. Ngunit hindi ako nagpadala sa takot at tinignan ko sya. Hindi mo aakalaing ganun sya kaganda."I-ikaw b-ba yu-yung bumubulong?" Sabi ko ng pautal-utal.
"Oo." Sabi nya ng nakangiti.
"Nakabukas na yung third-eye mo." Sabi nya at pagkatapos ay tumawa ito. Nakakakilabot ang pagtawa nya."Oo nga pala. Patulong naman. May mission pa kasi ako dito kaya hindi pa ako nakakaakyat sa langit. Tulungan mo ko." Sabi nung babae at lumapit sakin. Damang-damang ko ang malakas na hangin nung lumapit sya sa akin.
"Ah. Si-sige. Ano ulit yung pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ako nga pala si Zyra!" Masigla nyang sabi sakin. Kakaiba itong spiritu na 'to.
———————————————————
Kinaumagahan nagising nalang ako ng may humahatak sa kumot ko.
Pagdilat ko ay sya agad ang nakita ko.
"Bumangon ka na dyan Jared. May pupunta tayo." Sabi ni -- ulit yung pangalan nya? Aira ba yun?
"Hindi. Its Zyra." Sabi nya ng nakangiti. Mind reader ba sya? Saka paano nya nalaman yung pangalan ko?
"Hindi ako mind reader. Di ba nga espiritu nalang ako kaya alam ko yung mga iniisip ng tao at alam ko na yung pangalan mo dati pa. Sige na bumagon ka na dyan ah." Sabi nya at umalis na ng kwarto ko.
Naligo na ako at nagbihis para makapunta kami ng maaga dun sa pupunta daw namin.