Lost Chances

34 0 0
                                    

Nagsimula kami bilang magkaaway. Hindi ko ba alam kung bakit. Ang sarap nya kasing pikunin. Lagi kasi syang nakasimangot.

"Hoy bangus! Makasimangot ka naman dyan. Baka pati kami madamay sa kabadtripan mo. Hahahaha!" Pati yung iba naming kasamahan nagtawanan.

Wow snob. "Bangus! Bangus! Bangus!" Patuloy ko pang pang-aasar. "Pwede ba? Tumigil ka na? Eh kung ituro mo na lang yung steps ng sayaw natin baka matuwa pa ko sayo. At excuse me, Anne ang pangalan ko. Capital A-N-N-E! " Inis na sagot nya. Naglakad sya papunta sa position nya ng nakasimangot pa rin.

"Hala ka Vince! Baka magsumbong yan sa mama nya. " Sabay sabay silang nagtawanan.

Napangiti ako. Pikon talaga to. Hahahaha!

Oo, choreographer ako. Hindi halata noh? All boys kami na dancer except kay Bangus ay este Anne pala.

Katuwa talaga. Bangus! Hahahaha!

Bakit nga ba bangus yung tawag ko sakanya? Kasi naman dahil sa braces nya naging mannerism nyang ngumuso. Hahaha! Laughtrip talaga sya.

Ang sama ko, alam ko yun.

Pasaway ako. Alam ko rin yun.

Nagkaroon ako ng maraming karelasyon at kalandian. Aware ako dun.

Marami na rin akong nasaktan at napaiyak na babae. Pero yang babaeng yan ang nagpabago sa buhay ko.

~~

Nagsimula ang relasyon namin ng hindi nagsimula sa simpleng attraction. Nagsimula ito nang maramdaman naming mahal na namin ang isa't isa.

Minahal ko sya ng totoo.

Oo may pagkakataong nagkaroon ako ng mga babae habang kami, pero alam ko sa sarili ko na si Anne lang yung mahal ko. At ayoko syang mawala sa akin.

Tatlong taon ang lumipas na naging tago ang relasyon namin sa Mama nya. Pero alam naman ng mga friends nya at iba nyang relatives na kami.

Tatlong taon na puro away bati pero hindi namin nakayanang pakawalan ang isa't isa.

Tatlong taon na punong puno ng saya at magagandang memories.

~~

"Anne, pwede ba? Wag kang magsusuot ng shorts kung ayaw mong mabastos ka ng ibang mga lalaki dyan. Saka ayusin mo yang pananamit mo. Para kang pokpok. "

Lagi kasi syang nakashorts, ang sagwa lang tignan. Naasiwa ako. Ayoko kasi yung may ibang lalaki na napapatingin sa kanya. Baka masuntok ko pa yung mga mukha ng mga yun.

~~

"Hello Vince, nasaan ka? Umiinom ka na naman noh?" Ang lakas talaga ng radar ng girlfriend ko. Tumawag pa talaga para icheck ako.

"Oo. Andito ako kina Mark. Wala ka namang dapat ipag-alala eh. I love you. "

"Sige. Ingat. I love you too. " Binaba nya na yung phone.

Ganun naman kasi lagi. Understanding ang girlfriend ko kahit na minsan eh madada sya.

At ako din naman naiintindihan ko sya.

Sanay din akong dapat magpapaalam muna sya sa akin bago nya gawin ang isang bagay o kung may pupuntahan man sya. May pagkaganun din naman sya sa akin.

Oo nga pala, hindi ko nabanggit. Long distance relationship kami ngayon kasi sa Manila sa nag-aaral ng college. Ako naman hindi na nakapag-aral ng college dahil kapos din kami. Andito lang ako sa Palawan, tinutulungan ang mga magulang ko sa pagtatrabaho.

Minsan nga nahihiya na ako sa kanya kasi madalas sya yung gumagastos pag may pupuntahan kami o gagalaan. Kaso ayun nga.

Ang hirap din.

~~

Hanggang isang araw, nagkaroon kami ng matinding away.

Nagsimula yun nang makita ko na naman syang nakashorts. Alam nya namang ayaw ko nun. At pati lahat na ng sama ng loob na matagal na naming kinimkim ay naungkat.

Galit na galit ako sa kanya. Bakit ba hindi nya ako maintindihan? Tingin ko patas naman kami sa isa't isa. Pero bakit ganito? Bakit ganito Ang nangyari samin?

"Vince, pagod na ako. Napakaimmature mo para hindi maintindihan ang mga karapatan ko sa buhay ko. Masyado na rin akong nasasakal. I want space. "

After nun hindi na ulit sya nagparamdam sa akin. Hindi ako payag sa gusto nyang mangyari. Alam kong pwede pa naming mapag-usapan ang mga problema. Kaso mukhang huli na ang lahat.

Maraming chance na ang nasayang ko at hindi ko man lang nakita at naintindihan yung side nya.

Pero ngayon alam ko na. Naiintindihan ko na sya. Hindi na ba pwedeng ibalik?

Mahal ko sya. Mahal na mahal. Miss na miss ko na rin sya.

Yung mga tawa nyang nakakahawa.

Yung moment na kahit inaasar ko sya eh hindi nya ako inaaway. Joke. Inaaway nya pala ako.

Yung mga kakulitan nya.

Yung mga pagkakataon na nagsusungit sya at ako aamuhin ko sya.

Yung mga yakap nya na nakakapagpagaan ng loob ko.

At higit sa lahat, yung pagmamahal nya.

Sinayang ko lang lahat. Sobrang nasasaktan ako sa kagaguhan ko.

Hanggang sa nabasa ko yung blog nya sa isang website.

" Ang drama ng lovelife ko:

I let him go for now. But that doesn't mean I don't love him anymore. It's just when you feel tired and you accept it to yourself ,that's the time you'll start to feel exhausted about everything. It's the time when you'll feel regrets of things you did and things that you wished you've done.

Sometimes love is not enough reason to hold on things that you shouldn't. When the respect is gone, it can change everything. When you finally realize how they took you for granted that's the only time you'll realize that you deserve better, that you deserve a break from that kind of life.

They say that pain is never a reason to let go when your love is true. But how long will you endure that pain for you to realize that there are more things that awaits you? There are still people out there that won't even cause you so much pain. People that will make you even happier than before.

Then i came back to my senses and ask my self. Is it really selfish to take a break? Is it selfish to get out of a relationship that caused you so much pain? I lost myself in the process of loving someone more than myself that I forgot that I am special too. That i should love my self too.

</3 -Anne"

Nung nabasa ko yun parang gumuho bigla yung mundo ko. Hindi na tumigil sa pagpatak ang mga luha ko.

Ganun na ba ako kahigpit sa kanya para masakal sya ng ganun?

Ganun ba talaga ako kaimmature?

Ganun na ba ako kabulag para hindi makita na nasasaktan ko na sya?

At ganito pala talaga ako katanga. Ang tanga ko.

Pero mahal ko sya. Ganun naman talaga pag nagmamahal diba?

Kaso mukhang naging obsessed na ata ako ng sobra. At wala na akong magagawa sa desisyon nya. Kahit masakit, kailangan kong tanggapin. Alam kong kasalanan ko to.

Sorry Anne. I know that I lost many chances for you and I to be okay and to be better.

But I assure you, time will come that you and I will be together again and we will be matured enough to fill our needs and expectations to one another. I will always love you, Anne.

-- Vince

Lost ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon